Chapter 4 - Unexpected

11 0 0
                                        

=================

Franchesca's POV

after a week, nagdaan na rin ang Welcome Walk and After Party na hinanda talaga para sa amin.

Hindi ko makakalimutan ung time na un, kakaiba sa feeling eh, kung dati tinitingnan mo lang siya, tapos pinag aaralan na doon dumadaan sina Jose Rizal at iba pang bayani na sa UST din nag aral noon. You can feel it.

Di ko ma explain, basta sobrang saya :) teka, kamusta naman kaya si Crush nung dumaan don? Ano kaya naramdaman niya? Hmm...

Wala kaming pasok ngayon dahil retreat daw ng mga prof ng college namin ngayon kaso nagkayayaan na bumili kami ng libro, since kailangan naman talaga un sa subject namin.

Kahit walang pasok pumasok kami, kaso sa kamalas malasan cut off pala klase ngayon. Sabi nila may nagbabanta daw na malakas na ulan sabi ng MMDA.

"ah kaya pala ang daming naglisawan na estudyante sa field tsaka sa Lover's lane" sabi ko sa kasama ko.

"galing eh no, kung kelan wala tayong pasok tsaka nagkaganyan" sabi ni Jayette

"lam niyo guys, bumuli na kaya tayo ngayon, baka mahaba pila since na cut off ung klase" sabat naman ni Steph.

Ayun nga, nagpunta na kami sa bookstore kaso pag karating namin sa harap

"wow. Just wow! Walang pila, himala itu" sabi ni Mitzi

"swerte natin ah :)" sabi naman ni Jannell

"ahm guys, pwedeng kontrahin namin ung sinabe ni Jannell?" tanong ni Bernice

"yeah, pwede? Kasi sabi dito close na ung bookstore" sabi ni Kath "halos kakasara lang, as in pagkadating natin"

"The heck!?"

"what the fudge!?"

"mother father this!"

kanya kanyang reaksyon namin.

"sabi dito due to cut off of classes, kaya maaga din sila nagsara" pagpapaliwanag ni Bernice.

"I guess, wala na tayo magagawa kundi umuwi?" suggest ko sa kanila

"oo nga, magpahinga na lang tayo sa bahay" sang ayon ni Cloei

so ayun, bye bye, ingat, beso beso, hug hug then naghiwa hiwalay na kami.

Nasayang lang pinamasahe ko...

Luhaan akong uuwi dahil wala akong nabiling libro dahil sa cut off nga ang klase, cut off din ang office hours ng bookstore.

Pag minamalas ka nga naman talaga oh. Bakit kasi ngayon pa naubusan ng laman ung Stored Value card ko. Haba pa naman ng pila sa bilihan ng ticket.

Yup, nagLRT ako papasok at pauwi. Kung hindi niyo alam ang Stored Value, un ung card na 100 ang laman ang pwede mong gamitin hangga't di pa nauubos ung laman.

Hay sa wakas nakabili na rin.

..........

wait.....

is this for real....

si......

Eric ba ung dumaan na sa harap ko?

Kaya naman nagmadali ako sa pagpasok ng card ko dun sa machine na hindi ko alam ang tawag.

Dali dali ko siyang sinundan ang BOOM! Siya nga, ang crush of my life :")

He's so handsome.

Nak ng kwek kwek naman oh! Parehas kaming Thomasian tapos sa LRT ko pa siya makikita.

So ayun na nga, hindi ako nagpahalata na sinundan ko siya, kunware nagkataon lang din na dun ako sa part na un sumasakay :)

Pagpasensyahan niyo na po ako, after he graduated from our school two years ago, hindi ko na siya nakita. Ngayon na lang ulit, I know Thomasian siya bago pa ako mag entrance exam pero wala siyang kinalaman sa desisyon ko na mag aral sa UST. I just want to entrust my future to a good I mean BEST school for me, so I choose UST :)

Eto na nga ako, sinundan ko nga siya. Nagkataon naman na wala ng space sa train so pinalagpas muna namin, good thing for me kasi nakikita ko pa siya :)

Dumating na ung next train and medyo maluwag na tapos may bumaba pa so it's time for us to ride that train. aw :( dun siya sa kabilang door sumakay. How sad. Pero nakita ko naman siya. Yun ang mahalaga :)

Umuwi ako ng may ngiti sa mga labi, ok na rin pala kahit di ako nakabili ng libro, basta nakita ko siya. masaya na ako :)

=======================

LRT lovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon