GLAIZA'S POV
Flashback
"Himala hindi mo ata kasama syota mo tsong!" Sabi sa akin ni Chynna. Wala kasi si Rhian ngayon dalawang araw daw siyang mawawala para dun sa reunion ng mga kabatch niya, hindi naman ako masyadong nababahala, kasi alam kong kasama niya si Bianca at syempre may tiwala ako sa girlfriend ko.
"Ehh, wala eh. May reunion sila ng mga kabatch nila Bianca. Kaya hinayaan ko na lang. Dalawang araw lang naman. Tsaka ok rin to kahit papaano, makapagbonding naman tayo!" Sabi ko sa kanya. Medyo nawawalan na rin kasi ako ng oras sa bestfriend ko! Pagod sa work, tapos syempre may duty pa ako kay Rhian. Syempre hindi ko naman siya pwedeng pabayaan.
"Wow! Nanglalambing! Sige sabihin mo na kailangan mo." Sabi nito sa akin.
"Ay grabe ka! Wala naman akong kailangan sayo ah!" Pagdedepensa ko.
"Naku tsong! Huling huli na kita! Sabihin mo na kasi. Baka magbago pa isip ko eh. Sige na sabihin mo na!"
"Fine! Balak ko sanang magpatulong. Balak ko kasing magpropose ulit kay Rhian. Pero this time yung totohanan na" sabi ko sa kanya. Gusto kong maramadaman ni Rhian kung gaano siya kahalaga sa akin, kung gaano ko siya kamahal.
"Sus yun lang pala. Ano bang balak mo? Yung parang dati?" Tanong nito sa akin.
"Actually hindi. Kung dati maraming tao. Ngayon gusto ko kaming dalawa lang. Gusto ko kasi habang nagpprospose ako sa kanya. Hindi siya mappressure na magsabi ng yes, yung mga ganung bagay. Tsaka gusto kong maging special yung araw na yun" paliwanag ko.
"So saan mo balak gawin yang proposal mo?"
"Kung saan nagsimula ang lahat."
---
Andito ako ngayon sa bahay nila Rhian, I really need to talk to her dad and mom. Sa katunayan, medyo kinakabahan pa rin ako, lalo na kay Tito Gareth, lakas kasi ng dating nito, nakakatakot.
"Glaiza! Napadalaw ka. Anong meron?" Sinalubong ako ni Tita Clara. Buti pa si Tita Clara ang gaan gaan ng mood niya, hindi mahirap pakisamahan.
"Gusto ko lang po sana kayong kausapin ni tito" sabi ko.
"Ahh, ganun ba. Osige, dun ka muna sa garden ah. Tatawagin ko lang ang tito mo. Andun nanaman kasi sa work place area niya, teka lang ah?" Agad kong sinunod yung utos ni Tita Clara.
Talagang kinakabahan ako. Well ok naman na ang lahat, naayos ko na lahat ng kailangan kong maayos. Hindi na ako bumili ng singsing, kasi yung ring na binili ko before yun na lang. Hindi naman sa nagtitipid ako, pero kasi mahalaga yun. Iba ang dating nun..
Ilang saglit lang ay dumating na sila.
"Oh Glaiza, naparito ka. Anong kailangan mo?" Tanong ni Tito Gareth sa akin. Bago ako sumagot, huminga muna ako ng malalim.
"Hindi na po ako magpapaligoy pa. I'm asking for your daughter's hand and I'm asking for your blessings" diretsang sabi ko sa kanila.
"Loko ka ba?!" Nagulat kami ni Tita Clara ng biglang napatayo si Tito Gareth.
"Honey, ano ba?" Pag-awat sa kanya ni tita.
"Loko ka ba Glaiza? Kukunin mo ang kamay ng anak ko? Paano siya makakasulat o makagawa ng mga bagay na gusto niya?." Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Pero bigla siyang tumawa ng malakas. Ano bang trip ng taong to?
"Hahahaha! Biro lang! Oo naman! Ikaw ba pa. Glaiza, pinapayagan na kita na pakasalan mo ang anak ko. Pero isa lang ang hiling ko. Huwag mong sasaktan ang anak ko" sabi niya sa akin. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Grabe yung biro niya, hindi ako natawa.
BINABASA MO ANG
Come Back Home
FanfictionPaano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you willing to take her back? or kakalimutan mo na lang siya ng tuluyan? Saksihan ang sakit, pait at pag-ibig na nararamdaman nila Glaiza and Rhi...