RHIAN'S POV
"Congratulations anak. Successful tong 3rd painting exhibit mo. Ang galing mo talaga anak.." Masayang sabi sa akin ni Mom.
This is my third painting exhibit dito sa London, talagang pinagsikapan ko to. Pinagpaguran ko. Dito na ako nag focus simula nun. Para kahit papaano madistruct ako, makalimutan ko yung pait at sakit ng nararamdaman ko, at para kahit papaano, makalimutan ko siya, ang babaeng tinakbuhan ko noon. Ang babaeng mahal na mahal ko.
"So Rhian, tutal tapos naman na ang business mo dito sa London, siguro naman, pwede ka ng bumalik sa atin. Nasasabik na kami sayo anak. Lagi ka naming namimiss. Tsaka sabi mo after this uwi ka na" Sabi naman ni Dad,.
"Yes dad, alam ko naman yung promise ko sa inyo. So babalik na ako ng Pinas" I said,
"Pero anak, kaya mo na ba?" Mom asked.. at alam ko na kung ano yung sinasabi niya.
"I think so. Tsaka wala naman po akong choice. I need to be ok." Sabi ko sa kanila. Wala naman na talaga akong magagawa eh.
Sa pagbalik ko, hindi ko alam kung ano ba ang pwedeng mangyari. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kapag nagkrus ang landas namin.
Iniisip ko pa lang kinakabahan na ako. Hindi na ako mapakali. Kainis naman.
"Rhi, ok ka lang ba anak? Bigla kang natulala diyan." Tawag pansin sa akin ni Mom.
"Ahh yes Mom, I'm ok. Pagod lang ako" Ngumiti na lang ako sa kanila.
"Sige na anak asikasuhin mo na yung iba mong bisita." Dad said. Sinunod ko na lang sila at inasikaso ang iba kong mga bisita.
So far so good naman, and marami na rin akong nabentang paintings. Kung tutuusin nga mayaman na rin ako eh, kaya ko ng buhayin ang sarili ko, kaso kahit nasa akin na ang kasikatan, kayamanan, alam ko sa puso ko na may kulang pa rin, at alam kong si Glaiza yun.
Sa mahigit na dalawang taon simula ng tinakbuhan ko siya, naging miserable ang buhay ko, hindi ko alam ang gagawin ko.. Sobra ko siyang nasaktan. Iniwan ko siyang mag isa. Alam kong mahal ko yung tao, at alam kong mahal niya rin ako,.
Mahal ko pa rin si Glaiza hanggang ngayon, pero natatakot akong bumalik, dahil alam kong nasaktan ko siya ng lubusan, alam kong kinamumuhian na niya ako. Pero lahat gagawin ko, maibalik lamang ang tiwala niya sa akin. This time babawi ako. This time magiging totoo na ako, and this time mas pahahalagahan ko pa siya lalo.
Sana lang talaga matanggap pa niya ako. Lahat gagawin ko para makabalik ako sa buhay niya. Kahit mag mukha na akong tanga. Titiisin ko. Basta para sa kanya.
----
After a week, bumalik na kami nila Mom and Dad sa Pilipinas. After two years nakabalik na rin ako dito.. Ganun pa rin, walang masyadong pinagbago, mausok pa rin. Uso pa rin ang traffic, pero nakakamiss rin.
"So anak anong balak mo ngayon? Willing ka bang maging katuwang ko sa Company natin?" Tanong sa akin ni Dad ng makarating kami sa bahay namin.
"Nope Dad, may plano na ako." Sagot ko sa kanya. May plano na talaga ako. May kaibigan akong nag alok sa akin ng work, so tinanggap ko na lang, dahil panandalian lang naman.
"Ahh ok anak." Sagot naman ni Dad. Alam ko naman na gusto niya rin na maging katuwang ako sa pag mamanage ng company,. Kaso wala eh, ayoko.
"By the way Mom, may nahanap na akong condo unit, and bukas na bukas din lilipat na po ako dun" I said. Alam ko na nagulat sila sa sinabi ko. Pero gusto kong magsolo eh.
BINABASA MO ANG
Come Back Home
Hayran KurguPaano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you willing to take her back? or kakalimutan mo na lang siya ng tuluyan? Saksihan ang sakit, pait at pag-ibig na nararamdaman nila Glaiza and Rhi...