GLAIZA'S POV
Flashback
Marami akong gustong gawin sa panliligaw ko kay Rhian. Gusto ko yung tipong kikiligin siya, kahit sa mga simpleng paraan lang.. Medyo mag gagabi na din, kaya kailangan ko ng sunduin si Rhian, baka maunahan pa ako nung tipaklong na yun.
Pagdating ko sa coffee shop, tumambay muna ako at nag order ng kape, nakita ko naman si Rhian na ginagawa ng mabuti ang trabaho niya as a manager..
May biglang dumating, at kung hindi ako nagkakamali delivery yun. Agad akong lumapit dun sa lalaki na may hawak ng bulaklak.
"Para kanino po yan?" Tanong ko.
"Ah, para po kay Rhian Ramos po." Sagot naman niya. Lumapit na rin si Rhian ng narinig niya yung pangalan niya.
"Kanino galing yan?" Tanong ni Rhian.
"Ah ma'am, wala naman pong sinabi na pangalan eh. Pero may iniwan po siyang note sa bulaklak. Pakipirmahan na lang po to." Agad naman pumirma si Rhian. Agad din naman inabot ni kuya yung bulaklak.
Nakita ko naman na natuwa siya ng kinuha niya yung bulaklak. Halatang nagandahan to.
Pagkaalis nung delivery guy, agad lumapit si Sally sa kanya,
"Uy kanino galing yan! Ayiieee kinikilig ako! Kaso mas kikiligin ako kapag si Ma'am G ang nagbigay" sabay tingin sa akin ni Sally.
"Naku! Walang kilig sa katawan yan si Glaiza nuh?" Ano? Ako walang kilig sa katawan? Excuse me ah.
"Ay, ganun. Hahaha. Pabasa naman ng note na nilagay ni secret admirer mo!" Sabay agaw ni Sally sa note na nakalagay sa bulaklak. Binasa naman ni Sally ng malakas yung note na iniwan nung nagbigay
Hi Rhian. You're my one and only. One and only you! Sana magustuhan mo tong bulaklak na to, gaya ng pagmamahal ko sayo. Ingat ka lagi ah.
- ❤️❤️❤️
"Ayiiiieeee! Si Ma'am Rhian oh, kinikilig" pang aasar ni Sally sa kanya.
"Naku Sally tantanan mo ako ah. Sige na magtrabaho ka na dun." Pero halata naman sa kanya na kinikilig siya.
Sabi ko na nga ba eh. Magugustuhan niya yung bulaklak na pinadala ko. Buti naman at dumating sa oras para makita ko yung reaksiyon niya. Ang saya niya lang tignan. Sana ako lagi ang dahilan ng bawat ngiti niya.
Hanggang sa nakasakay kami ng kotse hindi mawala ang ngiti niya.
"Hoy Rhi, baka mapunit yang labi mo sa kakangiti ah. Easy ka lang." I said.
"Pwede ba, walang basagan ng trip. Btw Glaiza, pwede ba kapag tinanong ako sa bahay niyo kung kanino galing to, pwede bang sabihin mong sayo?" Kung alam mo lang Rhian, sa akin talaga galing yan.
BINABASA MO ANG
Come Back Home
FanfictionPaano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you willing to take her back? or kakalimutan mo na lang siya ng tuluyan? Saksihan ang sakit, pait at pag-ibig na nararamdaman nila Glaiza and Rhi...