Ethan's POVSinipa ko sa mukha ang isa kaya natumba ito, nakita ko naman ang tatlo na busy sa pag sapak sa mga kalaban nila habang ako binubugbog tong leader nila. Ang lakas ng loob e gustong kunin sakin ang posisyon ko na pagiging alpha.
"Di ka parin ba natututo ng leksyon mo? Ilang beses mo na akong gustong patayin pero ikaw tong malapit ng mamatay, tuluyan na kaya kita?" Pang limang beses nya na kasi akong gustong patayin pero lagi syang nabibigo kaya eto laging bugbog.
"H-haha *smirk* papatayin muna kita bago ako mamatay!" Sinuntok ko sya ng sinuntok hanggang mawalan na sya ng malay. Pasalamat sya binuhay ko pa sya sa pang limang pag kakataon. Mabait kasi ako hehe. Tumingin ako sa tatlo at ganun rin ang nangyari, nawalan narin ng malay ang mga nito, lumapit sila sakin tsaka kami umalis.
"Than! Hahaha trip ka talaga nitong mga to no? Lakash mo po kasi e." Pabirong sabi ni Liam. Sya lang madadal saming apat pero sya naman ang pumapangalawa sakin.
"Gustong gusto nila kunin yang posisyon mo Than, pero ang hindi nila alam walang makakakuha nyan. Because you're the true Alpha, no one can steal that from you." Sabi naman ni Tyler. Englishero to e kaya minsan nosebleed kami dyan.
"Hahaha yaan nyo na mga tsong, kahit naman mapatay nila ako wala silang makukuha sakin." Totoo naman kasi dahil walang makakakuha sa posisyon ko, nakuha ko tong pagiging alpha ko dahil pinagpaguran ko to, hindi ako naging alpha dahil sa pagpatay ng isang alpha para lang maging alpha ka. Hindi ko rin alam kung pano ako naging alpha basta naging pula nalang ang mga mata ko matapos ang matinding labanan. Hindi kasi ako pumapatay ng tao o ibang werewolf kaya siguro naging alpha ako ng dahil narin siguro don.
Nang makauwi kami sa bahay namin ay naligo kaagad ako, pinagpawisan kasi ako dun e, bwisit na beta yan. Sino naman kaya ang alpha nila? Tss. Walang kwenta. Yung mga sumugod samin kanina mga beta lang yung mga yun, naghahangad ng kapangyarihan. Sila yung mga nakagat ng alpha at magiging isa ka saamin. Ako? Nakagat lang rin ako dati lang rin akong beta na ngayon ay alpha na.
Matapos kong maligo ay nag bihis nako. Naka sweatshort lang ako tapos white na v-neck. Lumabas ako ng kwarto tsaka dumaretso sa kusina. Nakita ko naman yung tatlo na naghahain na ng mga pagkain. Dito kami nakatirang apat dahil magkakapatid na ang turing namin. Silang tatlo lang ang pumapatay pero mababait yang mga yan.
Si Liam David, sya ang sumonod sakin sa pinakamalakas dahil muntik narin syang maging totoong alpha, kaso nga lang, napatay nya ang pinakamamahal nyang babae, werewolf rin ito pero ito ang alpha nila.
Si Tyler Fury, sya naman ang pangatlo sa pinakamalakas sakin, ang alpha nya at ang kalaban nila ay nauwi sa labanan, nanghihina na ang alpha nya dahil sa malaking sugat nito, kaya sya ang lumaban sa alpha at natalo nya ito at napatay kaya sya naging alpha.
Si Dylan Ramos, sya ang huli, dahil hindi pa nito kontrolado ang pagiging alpha nya, sariwa pa ang alaala na nangyari sakanya at sa pack nya dahil sya na lang ang natira dito matapos silang hunting-in ng mga hunters, bago mamatay ang alpha nila ay hiniling nito na kunin ang posisyon nito.
Ngayon alam nyo na kung paano sila naging alpha?
Kumakain na kami at nakalimutam ko sabihin sa kanila yung sinabi sakin ng nanay ko.
"Guys." Sabi ko. Napatingin naman silang tatlo sakin. Si Liam kain parin ng kain. "Mag-aaral na tayo bukas." Pagkasabi ko non ay nabulunan silang tatlo kaya kumuha ako ng tubig at ibinigay sakanila.
"SERYOSO BA SI TITA DYAN!!" Sigaw ni Dylan, tumungo ako at uminom ng tubig.
"Bukas natin makukuha ang mga school uniforms natin kaya, naka civilan muna tayo. Mag alarm kayo! Mga tulog mantika pa naman kayo." Paliwanag ko sakanila.
YOU ARE READING
The Four Alpha Jerks
WerewolfThey will hunt you, kill you and what!? they'll fall inlove? with different girls??