Chapter 4: The truth

15 0 1
                                    

Crystal's POV

Hindi ako pumasok ngayon dahil wala lang ayoko lang. Ayoko munang makita si papa kaya nag kulong ako dito. Birthday ko pa naman bukas tapos ganito yung mangyayari. Nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame at nagiisip ng kung ano ano.

*tok* *tok*

Napatingin ako sa pinto pero hindi ko pinansin yon. Nakakailang katok na kaya binuksan ko na ang pinto at iniluwa non si papa. Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay syang mag salita.

"Come with me, gusto mo malaman diba?" Natauhan ako sa sinabi ni papa kaya sumunod agad ako sa kanya. Nandito kami sa tapat ng isang pinto. Ewan ko ba pero may pakiramdam ako na hindi maganda. Binuksan ni papa yung pinto at nakita ko ang hagdan pababa. Pumasok si papa kaya pumasok narin ako. Puro agiw at may makikita kang mga gagamba. Pagkababa namin ay binuksan ni papa yung ilaw at tumumbad sakin ang mga baril, crossbow, sword, bow and arrow, explosives, at marami pang iba.

"B-bakit? Bakit may ganito tayo dito?" Tanong ko kay papa nakatingin lang ako sa mga gamit at nilapitan ko yung kanina pa gustong kunin ng mata ko.

"We're hunters." Sagot nya. Hunter? So dahil dun? Ano naman kung mangangaso kami? It is dangerous to make a friends with them?

"Pa! Yun lang pala ano naman kung mangangaso tayo? Ano naman kung hinahunt natin yung mga wild animals? Yun bayung dahilan dahil ayaw mong lumalapit ako sa kanila?" Pagkasabi ko non ay nakita kong nag pipigil ng tawa si papa. Whats wrong with him? Anong nakakatawa?

"You're wrong my dear. We are different." Sumiryoso naman yung mukha nya kaya kinabahan ako. "We hunt werewolves." Dun ako natawa sa sinabi ni papa. Werewolves? Really? They exist? Supernaturals?

"Are you serious? There is no werewolves around here!" Sabi ko kay papa pero seryoso parin sya.

"You know them. Nakilala mo na sila." Dun ako natulala sa sinabi ni papa. I know them? Sana mali tong iniisip ko. Wag sila.

"Pa?! Hindi sila mga ganon?! Mga tao sila! Mga tao sila! Walang werewolves hindi sila totoo?!" Sigaw ko.

This time tulala ako habang nandirito parin kami ni papa. Aakyat na sana ako ng may sinabi si papa.

"1678 sa French, ang kapatid ng lola mo that year ay ang kauna unahang werewolf. He became a werewolf during the war. Pagod na pagod sya kaya ininom nya yung tubig na galing sa lupa, pero yung tubig na yun ay natapakan ng isang wolf. So he became a werewolf but nobody notice it. Ang lola mo ang pinakamagaling na hunter na namuhay. Kamukhang kamukha mo sya nun ng ganyang idad nya." I was shocked at hindi ko alam kung anong sinasabi ni papa. "Naghintay si Maria Jane sa pagbabalik ng kapatid nya. Nung bumalik ito ay nagdiwang sila, pero ang ipinagtataka ng lola mo ay ang pag iba ng kilos ng lolo mo, so she have a doubt at sinundan nya ito. Nakita nya ang pagpapalit ng anyo nito at dahil don ay napilitan syang patayin ito gamit ang pinagsama samang panlaban sa isang werewolf and a spear." Hindi parin mag sync in sa utak ko yung mga sinabi ni papa. At may ibinigay sya saakin.

"Use that, iharang yan sa doorway at siyasatin mo kung anong gagawin nila. Mountain ash, hindi sila makakalabas dyan pwera na lang kung tatanggalin mo." Binigay saakin ni papa yung mountain ash, nakalagay lang ito sa 3 inches na garapon. Lumabas na kami ni papa don at inilagay ko sa bag ko yung mountain ash. Susubukan ko. Humiga ako sa kama at nakaramdam ako ng antok kaya natulog na muna ako.

*****
Nagising ako sa liwanag at pag tingin ko sa orasan ay wwwhhhaat tthhhes ffvcckk?!! Its 9:30 am?! Ganon ba katagal ang tulog ko para magising ako ng ganito? Anong oras ba ako natulog kahapon? Mga mag quarter 3:30 narin yun. Bumangon ako tsaka naligo nag bihis na ako tsaka bumaba nakita ko naman sina papa na kumakain kaya dumaretao ako sakanila at kumukha ng dalawang tasty tsaka dalawang hotdog hawak hawak ko yung dalawa tsaka ako pumunta sa kotse ni papa. Sumunod naman agad si papa na may dalang tasty tapos nakapalaman rin yung hotdog. Pumasok sya sa kotse tsaka nag drive.

The Four Alpha JerksWhere stories live. Discover now