Crystal's POV
7pm na ng gabi, pauwi na ako galing school. Bwisit na Liam yan sinira unang araw ko! Dumaan ako sa shortcut na lagi kong dinadaanan. Madilim dito at tanging liwanag lamang ng kotse ko ang nag bibigay liwanag sa daan. Huminto ako dahil may nakaharang sa daanan. Tinanggal ko yung seat belt ko tsaka lumabas ng kotse. Pumunta ako sa nakaharang at inilagay sa gilid. Pabalik na ako ng kotse ng may narinig akong kaluskos. Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakita. Naramdaman ko na lang ng may dumaan sa likod ko. Natatakot na ako! Dali dali akong sumakay ng kotse ko at pinaandar. Pero di pa ako nakakalayo ay may humarang ulit sa daraanan ko. Nakatayu sya sa harapan at yung mata nya its golden yellow. Hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa ngisi nya. Nakakakilabot. Naramdaman ko na lang na umaatras yung kotse ko. Tumingin ako sa likod pero wala ako nakita tumingin ako sa harap pero wala na yung lalaki.
Nagulat ako dahil may kumatok sa bintana. Tinignan ko sya at pasalamat ako at si Tyler lang pala. E?? Si Tyler?? Yung kanina?? Yung madilaw ang mata?? Hindi ko binuksan yung pinto sa takot ko. Lumipat ako sa shotgun seat. Kumakatok parin sya pero ayoko talagang buksan. Nagulat ako ng mabuksan nya yung pinto e nakalock yun? Mas lalo akong natakot. Dumungaw sya at tinignan ako.
"Crys! Are you ok?" Tanong nya. Patanong tanong pa sya?! Papatayin nya rin naman ako?!! Nag sign ako ng cross sa daliri ko.
"Wag kang lalapit sakin?!" Sigaw ko. Natatakot na talaga ako!! Huhuhu
"What are you talking about? Im here cause I bought some snacks. See?" Tinaas nya yung kamay nya na may plastik at puno ito ng mga chitchirya. Ibinaba ko ang kamay ko tsaka huminga ng malalim.
"E s-sino yung lalaki n-na dilaw yung mata? Nakakatakot sya." Niyakap ko yung tuhod ko.
"What? I didn't saw anything." Siguro guni guni ko lang yon. Tumango ako sa kanya at pag labas ko ng kotse ay nandun yung tatlo. E ano namang ginagawa nila dito?
"Hhhiii Crrysstall?! Nabwisit kaba? Hahaha tama lang yan!!!" Sabi ni Liam. Tuwang tuwa ang loko. Inirapan ko na lang sya. Pero napatingin ako sa kanya ulit dahil may dugo sa pisngi nya.
"Anong nangyari dyan?" Turo ko sa pisngi nya. Nanlaki ang mata nya dahil may dugo nga sa pisngi nya.
"D-dugo?" Nauutal na sabi nya. Tumango ako at nakita ko sya na parang naparalize
"Waaahhhh!! Ddduuggoo?! Maaammaa,!" Sigaw nya. Natawa na lang ako sa kanya ang oa nya. Binatukan naman sya ni Ethan.
"Ang oa mo tumigil kana." Bakit biglang sumungit to?
"Hehe peace ^_^ galing ko umarte no?" Yan nanaman sya taas ng pride netong baliw na to. Inirapan ko na lang sya. Pinunasan naman nya yung pisngi nya. Ano kayang nangyari don? Di nya naman sinagot yung tanong ko.
"Sige mauna na ako sa inyo, hinahanap narin ako e." Sumakay ako sa kotse. Pero nagulat ako ng sumakay silang lahat. Pinalipat ako ni Ethan sa shotgun seat at sya daw ang mag dadrive. Sa likod naman sina Liam, Tyler, at Dylan. Pansin ko lang bakit ang tahimik ni Dylan?
Nag drive na si Ethan at tahimik lang kaming lahat pwera kay Liam na kumakanta.
"Ooohhh!! Maakee mee feeelll lllikke im Dangerrroouuss wwommann!! Something but something but something but something but something but! ARAAYY!" nagtawanan kami dahil sa kanya. Kinurot kasi sya ni Dylan sa tagiliran. Tapos ang cute cute nya habang naka pout sya.
"Kumakanta lang naman e!" Nakabusangot yung mukha nya, parang naagawan ng candy. Nag cross arms sya at sumandal na lang pero nakasimangot parin ito. Huminto ang kotse dahil nandito na kami sa bahay.
"O pano ba yan? Dito na lang kami, lalakarin na lang namin yung sunod na village don." Sabi ni Ethan. Lumabas kami ng kotse at nag pasalamat ako sa kanila. Pumasok na ako sa bahay at humiga sa kama ko. Nakakabwisit tong unang araw na to pero masaya rin naman pala. Dinalaw na ako ng antok ko kaya nakatulog na ako.
YOU ARE READING
The Four Alpha Jerks
WerewolfThey will hunt you, kill you and what!? they'll fall inlove? with different girls??