Crystal's POV
Nakatayo parin ako sa kinatatayuan ko habang sya ay umaatras habang nagpipigil ng tawa nya, habang ako? eto nakatulala parin at nakatingin lang sa kanya. He like me? is that fvcking true? kung totoo man yan please lang!! gusto ko munang humiga sa kama ko at marulog para kinabukasan makakalimutan ko ang nangyari.
"hahaha, you're so cute Crystal, that's why I like you, una palang kitang makita parang hinatak mo na agad ako." sabi nya. Kikiligin ba ako dito o matatawa? kasi hindi ko alam kung anong reaction ba dapat ang pakawalan ko.
Sumiryoso sya ng tingin sakin at bakas sa mukha nya ang pag ka lungkot at daretsong tumingin sa mga mata ko.
"Kaso hindi tayo pwede, werewolf ako hunter ka. Magkalaban tayo." yan ang dapat kong itatak sa utak ko. That we're enemies. kaso pano kung dumating yung panahon na magkagusto rin ako sa kanya? baka suwayin ko na lang sila papa.
"Huwag, alam ko yang iniisip mo. Hindi mo pwedeng suwayin ang mga magulang mo, kung ano ka yun ka at hindi na magbabago pa." Sabi nya. naglakad sya papunta sa pinto at binuksan ito pero bago pa man sya makalabas ay may sinabi sya sakin.
"But I'll do everything to get you." Sabay wink nya bago sya lumabas. Nagulat naman ako ng tumalsik sya pabalik dito at pagulong gulong. May pumasok na tatlong malalaking lalaki at dumiretso sa kinalalagyan ni Ethan. Pero bago man sila makapunta ay nakatayo na si Ethan at parang wala lang sa kanya yung nangyari. Tumingin sya sakin at ngumisi. Walang hiyang lalaki to!! may pangisi ngisi pang nalalaman!
"Watch me Baby." Sabi nya sabay kindat.
Nag transform sya kagaya ng pinakita nya sakin kanina. Sinunggaban sya ng isa pero agad nakailag si Ethan at sinapak sa mukha yung isang lalaki, natumba ito at namilipit sa sakit. Sumipa yung isang lalaki pero nakailag sya ulit. Bakit ba ang bilis nyang kumilos? ay malang Crystal werewolf yan!!
Pinagsasapak nya naman yung isa kaya nawalan ng malay, two down baby one left. Tumingin si Ethan sa isa kaya natakot ito, pareparehas lang silang pula ang mga mata pero mas malakas parin si Ethan sa kanila. May naramdakam akong humawak sa leeg ko kaya kinabahan ako agad.
"Sige gumalaw ka True Alpha, mamatay tong babaeng gusto mo." Sabi nya habang tumatawa pa.
"Edi patayin mo. Sinusubukan mo ba ako? wala naman akong pake dyan e."Sabi nya. Nakaramdam ako ng galit sa sinasabi nya ngayon. hahayaan nya lang ba talaga akong mamatay?
"Eeeeeeetttthhhaann!! papatayin kiitttaaa!!!!!!"Sigaw ko! bwisit tong lalaking to. Bubugbugin ko talaga sya kapag nabuhay pa ako!
"Sabi mo e!" NIlabas nya nag mahahaba at matatalas nyang kuko at inilagay sa leeg ko. sshiiiitt!! eto naba katapusan ko? wag muna pleaasssee.
Nagulat na lang ako ng nawala sa paningin ko si Ethan at nawala na rin yung pagkakahawak nung lalaki sa leeg ko. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko silang dalawa. Nakahiga yung lalaki at what the fvck!! nakabaon yung kamay ni Ethan sa tiyan nung lalaki at kita sa mukha nung lalaki na hinang hina na dahil sa maraming dugo na kumalat.
"Don't touch her or else I'm going to kill all of you."Seryoso nyang sabi dun sa lalaki.
Tinanggal nya yung kamay nya at napuno ito ng dugo. Tumingin naman sya sa sakin. tinignan ko yung lalaki na nawalan na ng buhay. Lumakad ako papunta sa kanya at niyakap sya. Sobrang natakot ako sa posibilidad na mangyari sakin kung wala sya. Naramdaman ko na lang na tumulo na yung luha ko. NIyakap nya rin ako at tinap yung ulo ko.
"Shh. Don't cry. I'm here, no one can hurt you. Pero kapag may nagtangkang saktan ka hindi ako mag dadalawang patayin sila." Nag patuloy lang ako sa pagiyak hanggang sa wala ng luhang lumalabas sa mga mata ko. Niyakap nya ako ulit at nginitian.
YOU ARE READING
The Four Alpha Jerks
WerewolfThey will hunt you, kill you and what!? they'll fall inlove? with different girls??