"Ano naman yun?"
"Kanina paggising ko inopen ko kaagad ang facebook account ko at nag-PM lang naman siya sa akin."
"And what did he said?"
"Here." Then she gave me her phone.
Binasa ko naman yung message na talagang nanggaling nga kay Ryan.
"SALAMAT HA! ALAM MO BANG BREAK NA KAMI NGAYON NG GIRLFRIEND KO DAHIL SA'YO?"
Grabe feel na feel ko yung galit sa message niya kasi talagang naka-capitalize pa lahat.
"See? Ang sweet-sweet niya talagang ipinaalam pa niya sa aking break na sila nung pangit niyang girlfriend. Oops! Ex na pala. Super sweet talaga ni Ryan."
Ryan Keet was a senior student of Palace Academy and Nikki met him a month before the inter basketball match that held here in our school and that stolen picture that Ryan's talking is the pictures that she take during the inter basketball match last month. Actually last week lang kasi niya naalalang i-upload yun.
"E di tuwang-tuwa ka na niyan?"
"Siyempre! May pag-asa na rin ako sa kanya. He's single and I'm single too! We can now mingle each other!"
Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ni Nikki. Minsan iniisip ko rin kung paano ko ba ito naging kaibigan at ang malala bestfriend pa talaga.
"*umiiling* Malala ka na talaga."
"Let's talk again later kailangan ko munang umalis!"
"Teka saan ka pupunta?"
"Palace Academy!"
"At ano namang gagawin mo sa P.A.?"
"I'll find Ryan!"
Magre-react pa sana ako kaso mabilis na siyang nakatakbo palayo.
Naalala ko naman yung slumbook ni Nikki kaya hinanap ko na lang yung bag niya.
Ummm... Alin kaya dito ang bag niya? Meron kasi ditong magkatabing upuan tapos magkaparehong bag pa.
"Minie-minie maynimo alin kaya sa dalawa ang bag ni Nikki? Ito bang nasa kanan o kaliwa?"
"I think yang nasa kaliwa." Singit naman ni Ichimaru.
"Sigurado ka?"
"*kibot balikat* Nafe-feel ko lang."
So ibig sabihin hindi siya sure.
"I think ito na lang nasa kanan." Tapos ipinasok ko sa kanang bag yung slumbook ni Nikki.
Honestly ayaw kong mag-risk sa nafe-feel ni Ichimaru kaya yung nasa kabilang upuan na lang ang pinili ko.
Maya-maya pa ay nag-ring na rin yung bell which means na flag ceremony na.
"Ang pangbansang awit ng Pilipinas handa awit." Tapos nag-start ng kaming kumanta.
Malapit nang mag-start yung klase namin kaso hanggang ngayon wala pa rin si Nikki.
Nasaan na kaya yung babaeng yung?
"Sorry I'm late."
"Don't you know what time is it?" Nakapamaywang ang tanong sa kanya ng teacher namin.
"I'm so sorry ma'am nakalimutan kong magsuot ng relo don't worry bukas na bukas magsusuot na ako para kapag na-late ulit ako ay alam ko na ang oras."
"Ahhhh!!! Kahit kailan pilosopo ka talaga! Go take your seat."
Kahit kailan talaga si Nikki napakapasaway.
"Nice one girl!" Mahinang bulong ni Allyzha nung dumaan si Nikki sa may upuan niya.
"Hey bakit ka ba na-late?" Hindi makatiis na tanong ko.
Wala din kasi siya kanina sa flag ceremony.
"As usual na hara na naman ako sa daan."
"Nino?"
"E di nung EX ni Ryan at hindi lang yun sinama pa niya yung mga ex-girlfriend ng mga lalakeng na-link sa akin."
"Ano? Teka ayos ka lang ba? Wala ba silang ginawang masama sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko habang tinitignan ko ang braso at mukha niya.
"Pwede ba Eury I'm alright. Anong akala mo sa akin papayag na lang na api-apihin nila? Well pasalamat na lang yung EX ni Ryan na si Penelope dahil hindi ko napaghandaan yung sampal niya."
"You mean NA SAMPAL KA!?!"
Mukhang bigla atang napalakas ang boses ko kasi biglang napatingin sa akin ang buong klase.
"Sino ang nasamapal?" Naiintriga namang tanong nung teacher namin.
Magsasalita na sana ako kaso bigla namang tinakpan ni Nikki ang bibig ko.
"Naku wala po ma'am. Ito pa kasing si Eury nagpapaturo lang sa akin kung paano manampal ng mga lalakeng manloloko."
Teka kailan pa ako nagpaturo sa kanyang manampal?
"At sino naman ang lalakeng balak mong sampalin Eury? Meron ka na bang boyfriend? Is he cheating behind your back?"
Boyfriend? Naku wala pa akong boyfriend 'no!
Sisigaw na sana ako para sabihing hindi naman totoo ang lahat ng mga pinagsasabi ni Nikki kaso nakalimutan kong nakatakip nga pala ang kamay niya sa bibig ko.
"Naku ma'am wala pa siyang boyfriend pero wag po kayong mag-alala dahil malapit na."
Teka anong malapit na ang pinagsasabi nitong bestfriend ko?
"Uyyy sino kaya yun?" Sabay-sabay na hiyaw ng mga kaklase namin.
"Wa---"
"Wala na kayong pakielam doon." Dugtong ni Nikki sa sasabihin ko.
"Ako! Ako! May alam ako kung sino yun!" Malakas na sigaw ni Allyzha.
![](https://img.wattpad.com/cover/11664758-288-k88699.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Slumbook (Short Story)
Short StoryIt's all because of MY BESTFRIEND'S SLUMBOOK! Nang dahil sa pagsasagot ng isang simpleng SLUMBOOK ng BESTFRIEND ko ay biglang nagbago ang nanahimik kong buhay... Sa tingin nyo ano-ano kaya ang mga bagay na maaring mangyari ng dahil lamang sa isang s...