"Ha? Sino?" Sabay-sabay pa nilang tanong.
Sino naman kaya ang tinutukoy ng babaeng ito?
"Ummm... Secret na namin yun."--> Xyves.
"Ang daya nyo naman ni Allyzha!" Hirit pa ng iba naming kaklase.
Habang nagdedebate sila ay inilibot ko muna ang paningin ko sa loob ng classroom para kasing hindi ko naririnig ang boses ni Patrick.
Hanap...
Hanap...
And there! I saw him!
Kampante lang siyang nakaupo doon sa isang sulok malapit sa bintana habang super busy sa pagbabasa. Haaay... Kailan kaya siya magkakaroon ng pakielam sa akin? Halos buong klase na sa akin ngayon ang atensyon samantalang siya...
Sabagay matagal na naman siyang walang pakielam sa akin. Maalala lang niya ako kapag tungkol sa badminton na ang pag-uusapan.
"Ako may alam din!" Singit naman ni Claire.
"Same here!" Said Andrei and Ella.
"Kami rin!" Sabay ding sabi nila Arwyn, Kean at Fiona.
Sabihin nyo nga sa akin ano ang mga pinagsasabi nila? Grabe mga kaibigan ko pa naman sila tapos naglilihim sila sa akin at ang pinakamalala sa lahat tungkol na nga sa akin yung issue ako pa mismo ang walang kaalam-alam.
"Class it's enough! Let's get back to our discussion."
Hay mabuti naman at nag-discuss na ulit si ma'am pero maya-maya rin ay bigla ng nag-bell.
"Okay class dismiss. See you tomorrow, bye class."
"Bye ma'am!"
*toink*
*toink*
*toink*
Napalingon naman ako doon sa kumukulbit sa akin.
"Huy ano bang problema mo bakit ka nangungulbit?" Tanong ko kay Nikki.
"Asan na yung slumbook ko?"
"Ah yun ba? Ibinalik ko na sa'yo."
"Ibinalik mo na? Parang wala naman akong natatandaan na ibinalik mo na yun."
"I put it on your bag."
Nakita ko namang agad niyang hinalungkat yung bag niya.
"Eury wala naman dito e. Sigurado ka bang inilagay mo na sa bag ko?"
"I'm very sure kasi ako pa mismo ang nagpasok noon sa bag mo."
"Pero wala talaga dito e. Look!" Tapos itinaktak pa niya ang lahat ng laman ng bag niya.
"Imposibleng mawala yun diyan dahil sigurado akong ipinasok ko yun--- Teka lang..."
Diba dalawa yung bag na nakita ko kanina? Posible kayang...
NAGKAMALI AKO NG BAG NA PINAGLAGYAN!?!
Oh no malaking problema ito! Puro kagagahan ko pa naman ang nakasulat doon.
"Wait lang Nikki!"
Agad ko namang inilibot ang paningin ko sa buong classroom namin para hanapin kung nakanino yung isang bag na katulad na katulad ng bag ni Nikki.
Bakit ba naman kasi nauso pa yung mga one shade color na Jansport? Iyan tuloy hindi ko na alam kung kanino ko bang bag nailagay yung slumbook ni Nikki.
Pabalik na sana ako sa upuan namin ng may bigla akong mapansin.
"Tama! Yun yung bag na katulad ng kay Nikki!"
Agad ko namang sinundan yung taong lumabas ng classroom namin na may bitbit ng bag na katulad na katulad ng kay Nikki.
"Teka sandali lang naka-bag ng Jansport na pula!"
Sabay-sabay namang napatigil ang lahat ng dumadaan dito sa may hallway tapos sabay-sabay din silang lumingon sa akin.
Oops! Pare-pareho pala silang naka-bag ng Jansport na red.
Sabihin nyo uso ba talaga ngayon ang ganoong bag?
"Bakit?" They ask in chorus.
"Ah wala-wala." Medyo nahihiya kong sagot.
Hindi kasi ganoong pamilyar sa akin ang mga mukha nila kaya ang ibig sabihin lang hindi sila yung taong hinahanap ko kasi kung nanggaling sa classroom namin yung may-ari nung bag na napalagyan ko ng slumbook ni Nikki ang ibig sabihin lang noon kaklase lang din namin siya. At dahil hindi ko nga mahagilap ang bag na napaglagyan ko bumalik na lang ulit ako sa loob ng classroom.
"Ano Eury nakita mo na ba yung slumbook ko?"
"*umiiling* Nope."
"*pout* Naku sayang naman kapag nawala yun nagsagot pa naman doon si Ryan."
Mabuti si Nikki yun lang ang inaalala pero ako sobrang laki dahil kapag may nakapagbasa ng sulat ko doon for sure malaking problema yun.
Haaay, asan na ka yung slumbook ni Nikki?
"Snack?"
Napaangat naman ang ulo ko doon sa taong naglapag ng pagkain sa table ko.
Gatorade na blue at chocolate? Paano niya nalamang favorite ko ito?
"T--thank you." Pasasalamat ko kay Arwyn.
"Wag ka sa aking magpasalamat may nagpaabot lang niyan sa akin."
"Ganoon ba? Pakisabi na lang thank you."
"Sure. O narinig mo yun? Thank you daw sabi ni Eury!"
Nilibot ko naman ang paningin ko para malaman kung sino yung sinabihan ni Arwyn kaso wala naman akong nakitang ibang tao dito sa loob ng classroom maliban sa aming tatlo nila Nikki. Imposible namang si Nikki yung nagpapabigay ng snack kasi hindi pa naman siya lumalabas.
***
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Slumbook (Short Story)
Historia CortaIt's all because of MY BESTFRIEND'S SLUMBOOK! Nang dahil sa pagsasagot ng isang simpleng SLUMBOOK ng BESTFRIEND ko ay biglang nagbago ang nanahimik kong buhay... Sa tingin nyo ano-ano kaya ang mga bagay na maaring mangyari ng dahil lamang sa isang s...