"For me Allyzha is right. Torpe po talaga ang mga lalake."
"At paano mo naman na sabi?" Singit na tanong ni Patrick.
"Bakit? Kasi ang totoo mga paasa lang kayo. Hindi nyo kayang mag-express ng totoong nararamdam nyo kaya magpapaasa na lang kayo ng ibang babae para matakpan ang pagiging torpe nyo."
"At ano namang klase ng pagpapaasa ang sinasabi mo?" Tanong pa ulit niya.
"Simple lang, umaakto kayong super sweet sa aming mga babae at ito namang si kami bigla na lang aasa pero sa huli wala namang kapag-a-pag-asa."
"Bakit sinabihan ba namin kayong umasa?"
*boom*
Sino nga ba naman ang nagsabing umasa ako?
"Saka pwede ba kaming mga lalake ay hindi manloloko." Dugtong pa niya.
"Oo nga tama si Patrick hindi kami manloloko!"
"Sige hindi na manloloko duwag lang."
"At paano naman kami naging duwag?" Tanong pa ulit niya.
"Kung umakto kayo akala nyo kayo na ang pinakamatapang na tao sa mundo pero ang totoo isa kayong malaking duwag na natatakot sa rejection."
"Nice one girl!"
"Ang ganda ng point mo doon Eury!"
"Tama duwag nga ang mga lalakeng yan."
"Let's talk about that rejection. First and for most mga lalake kami kaya natural lang na isipin muna naming mabuti ang mga hakbang na gagawin namin not unlike sa inyong mga babae na padalos-dalos kung magdesisyon."
"Excuse me? Kami pa ang padalos-dalos?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Alam mo kayong mga babae ang mamanhid nyo!"
Wow kami pa talaga ang manhid ng lagay?
"Tama manhid nga kayong mga babae!" ---> Arwyn.
"Hindi kami manhid 'no dahil kung tutuusin mas manhid pa kayo sa amin! Kami na ngang mga babae ang gumagawa ng moves pero wala pa ring epekto sa inyo!" Halos galit ng sigaw ni Nikki.
Ano kayang problema ng bestfriend ko at parang galit na galit siya?
"My bestfriend is right kayong mga lalake ang manhid at hindi kami." Pagtatanggol ko kay Nikki.
"So hindi pa pala manhid ang tawag mo doon sa taong wala man lang pakielam kapag ang isang lalake ay nagpaparamdam na ng pagkagusto sa kanya? Binigay mo na nga lahat-lahat ng gusto pero wala pa ring epekto." ---> Andrei.
"Just for the record kaming mga babae ay tao lang. We are not a fortune teller para mahulaan ang mga gusto nyong sabihin." ---> Ella.
"Tama si Ella!"
"Hindi naman namin sinasabing kailangang maging fortune teller kayo ang sa amin lang na mga lalake sana kahit minsan maging appreciative naman kayong mga babae." ---> Patrick.
"Tama si pareng Patrick. Ang dami nyo kasing kaartehang mga babae."
"Ang problema kasi sa inyong mga lalake hindi nyo na lang kami diretsahin hindi yung puro pasikot-sikot pa!" Inis ng sigaw ko.
"BAKIT KUNG SASABIHIN KO BANG MAHAL KITA MANINIWALA KA!?!" Sobrang lakas na sigaw ni PATRICK.
Teka parang nabingi ata ako sa narinig ko ah.
"A--ano ulit yung sinabi mo?" Nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko.
Bigla namang nanahimik ang buong klase namin na kanina ay nagkakagulo dahil sa nagaganap na debate.
"See? Yan ang dahilan kung bakit ayokong umamin sa'yo."
"A--aminin ang ano?"
"Na mahal kita." Diretsong sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"M--mahal mo ako?"
"Oo matagal na."
Wait totoo ba ito o nanaginip lang ako?
"I don't believe you."
"Ha? Bakit naman?"
"How could I believe you e gaya nga ng sinabi ko kanina manloloko kayong mga lalake." Tapos umupo na ulit ako.
Anong akala niya sa akin mapapaniwala na naman niya sa mga panloloko niya?
"I'm not joking nor lying here."
"Then prove it. Patunayan mo na hindi ka tulad ng ibang lalake diyan." Hamon ko sa kanya.
"Bakit hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa ko para sa'yo?"
Bigla naman akong napatayo sa kinauupuan ko.
"*confused* I don't get you."
"The snacks, flowers, apples and bears."
"Snacks, flowers, apples and bears? You mean ikaw yung mahilig nagpabigay sa akin kahapon pa?"
Aish! Muntik ko nang makalimutan na nabasa nga pala niya yung sinulat ko slumbook ni Nikki. Take note: Lahat-lahat including my craziest thing.
"Favoirte Food, Chocolate. Favorite Drink, Gatorade Blue. Favorite Flower, Sunflower and Rose. Favorite Fruit, Apple. Favorite Color, Pink and Blue. Favorite Teacher, Miss Krizha Manalo. Favorite Subject, MATH which stands for Meryenda, Agahan, Tanghalian at Hapunan."
Grabe talagang sinaulo niya lahat ng gusto ko.

BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Slumbook (Short Story)
Historia CortaIt's all because of MY BESTFRIEND'S SLUMBOOK! Nang dahil sa pagsasagot ng isang simpleng SLUMBOOK ng BESTFRIEND ko ay biglang nagbago ang nanahimik kong buhay... Sa tingin nyo ano-ano kaya ang mga bagay na maaring mangyari ng dahil lamang sa isang s...