Ace's Pov:
"ACE! GUMISING KA NA JANG BATA KA! 7:30 NA NG UMAGA NANJAN KA PARIN SA KAMA MO!" Pag sisigaw ni mama pero pinabayaan ko nalang kasi antok pako.
"HAHAMBALUSIN KITA NG WALIS KAPAG HINDI KA PA BUMANGON JAN! ISA, MALILINTIKAN KA TALAGA SAKING BATA KA. DALAWA, IIMBARGUHIN KO TALAGA YANG CELLPHONE MO PAG DI KA PA BUMANGON JAN. TAT--" Di ko na pinatapos pa si mama sa pag bibilang nya dahil pag umabot yun ng tatlo siguradong babay cellphone, at latay pa sa pwet ang aabutin ko dun dahil pag sinabi ni mama ginagawa nya talaga!
Dali dali akong nag punta sa cr, at naligo agad...ng matapos ako ay paspasan akong nag bihis ng uniform ko. Pag ka tapos kong mag bihis ay agad akong bumaba sa sala at mabilis akong kumuha ng sandwich na nakalagay sa may table, at saka paharurot na tumakbo palabas ng bahay.
"Ma, alis na ko!" paalam ko kay mama at saka mabilis na tumakbo papuntang school. Malapit lang ang bahay namin sa school ko na pinapasukan kaya naman walking distance lang.
"Anak wag kang makikipag away ulit ha! malilintikan ka talaga sakin kapag uwmuwi ka nanamang may pasa sa mukha." pahabol ni mama sa paraan ng pag sigaw.
Hindi naman talaga ako nakikipag away eh....BINU-BULLY AKO! T_T dina dahilan ko lang kay mama na nakipag away ako tuwing umuuwi akong may pasa sa bahay kahit hindi naman talaga. Kilala ko si mama, at alam kong susugod yun sa school kapag nalaman nyang binu-bully ako. kaya naman sinasabi ko nalang kay mama na nakipag away ako kapag may pasa ako sa katawan or mukha para iwas gulo.
Hindi panga pala ako nakakapag pakilala saniyo.
ako nga pala si Ace William Skyller, 16 yrs old and 4th year high school sa Salazar University. Ang Salazar University ay isa sa tatlong pinaka sikat na university sa buong pilipinas kaya naman sobrang mahal ng bayad doon. isa akong scholar student jan sa salazar university at hindi biro ang pinag dadaanan ko para lang ma maintain ang grade ko.
PICTURE OF ACE
FAST FORWARD ***
Nandito na ko ngayon sa room, at kakatapos ko palang kumain sa canteen kaya naman bumalik agad ako dito sa room. gaya ng dati nag babasa lang ako ng book. advance reading ba guys ^_^ never heard before?
habang nag babasa ako feeling ko may nakatitig sakin, oo TITIG na hindi tingin lang kasi kanina ko pa nararamdaman to eh kaya naman nilibot ko na ang tingin ko sa buong class room at saka tiningnan kung meron nga ba talagang naka titig sakin. wala, wala akong nakitang nakatingin sa pwesto ko kaya naman bigla akong kinilabutan dahil feeling ko talaga may nakatitig parin sakin hanggang ngayon.
FAST FORWARD ***
Huhuhu T_T feeling ko talaga meron paring naka titig sakin hanggang ngayon. uwian na at lahat na ng mga kaklase ko ay naka uwi na at tanging ako nalang ang naiwan dito sa room kaya naman binuhat kona ang bag ko at saka lumabas ng school para pumuntang mall dahil dun ko na balak kumain ng gabihan. mamaya pang 10 ang uwi ni mama eh kaya sigurado la pang pagkain dun sa bahay.
BINABASA MO ANG
Guild Throne Online
Science-FictionSORRY GUYS BUT NO DESCRIPTION!😊 JUST READ THE STORY IF YOU WANT TO KNOW WHAT KIND OF STORY IS THIS!😉 SA TITLE PALANG NGA MALALAMAN NYO NA KUNG ANONG KLASENG STORY TO EH. SO JUST READ AND DON'T ASK ANY QUESTION CAUSE I HATE IT!😡