Love Timing
Is true love really find its way?
Is true love can still be enough for you two?
Is true love that powerful enough?
I wonder if true love is a friend of destiny?
I wonder.
Chapter 1
Faye P.O.V
I'm Faye Ann Alonzo, A 2nd year BSBA student. I have a boyfriend, or should I say I had a boyfriend named Christian Lopez, He break up with me yesterday, so here I am now with my boy bestfriend."Bakit ganon Ry, anong pagkukulang ko? Bat naghanap siya ng iba?" Mangiyak ngiyak kong sabi.
"Hindi ka naman nagkulang faye eh, sadyang di lang siya nakuntento, ano bang nangyari?"
"Nakita ko siya sa Nursing building, lalapitan ko sana dahil napadaan ako, pero biglang may inakbayan siya, tapos pumunta sila sa may likod ng building, sinundan ko sila, then there" Paliwanag ko.
"At anong nangyari?" Tanong ni Ry.
FLASHBACK
"Christian?" Tanong ko sa sarili ko dahil hindi padin ako makapaniwala na siya itong nasa harap ko may kahalikang babae.
Tumigil sila, nagulat yung babae sakin, maganda siya, pero duh? Mas maganda naman ako!
"Baby?" Sambit ni Christian.
So may gana pa siyang tawagin akong baby?"Christian, sino si-siya?" May luha ng lumandas sa pisngi ko. Hindi ko na mapigilan eh.
"Gf ko baby, I didn't know that you take our less than 1week relationship seriously baby, It's just a big joke for me. Just move on Faye" Sinabi niya yan ng derederetso.
PRESENT
"Eh put*ng inang joke lang pala yun Ry eh! Sana sinabi niya ng matawa naman ako! Di ba ang joke nakakatawa? Bat ako naiiyak?" Humahagulgul na ako, niyakap ako ni Ry, para patahanin.
"Tama na faye"
"Ang joke nakakatawa, hindi nakakasakit Ry! Masakit Ry eh! " sambit ko, habang yakap yakap padin siya. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya eh.
"Faye tama na! Ampangit mo na nyan oh"
Lalo tuloy akong sumimangot sa sinabi niya. Then biglang may nagsalita.
"Magbestfriend lang ba talaga kayo o mag on? Bagay kayo eh"
Napabaklas ako sa yakap ni Ry, tinignan ko yung nagsalita isa pala sa mga teacher namin, napadaan lang, nandito kasi kami sa field ng school."Hahaha, tayo bagay? Gross Faye! hahaha" tawa ni Ry.
"Heh! Hindi kita type noh! Duh?!" Sambit ko, sabay ngiti.
"Ayan nakangiti kana" sabi niya sabay labas ng panyo niya, pinunasan niya yung mga luha ko pa sa mukha. Tinititigan ko yung mata niya habang ginagawa niya yun, bestfriend ko to since high school, napagkakamalan nga kaming dalawa na eh, pero never naging kami, friends lang.
"Sayang ang luha mo Faye, hindi naman siya worth it eh," sabi ni Ry sabay titig sa mga mata ko, biglang bumilis tibok ng puso ko.
"Guys! Tara na maglunch" Natauhan kami ng biglang may nagsalita nyan.
Si Mia pala, mutual friend namin siya ni Ry, kaso di namin siya kacourse.
Sabay sabay kaming naglulunch, nagkwekwentuhan, pero hindi kami sabay sabay na umuuwi, Mia and Ry have their own Car, Me? I have my service, my parents didn't want me to drive, but sometimes or must say all the time Ry is the one sending me home.
Pauwi na kami ngayon ni Ry, nasa kotse niya kami.
"Okey kana?" Tanong ni Ry.
"Hmmm? Yung kay Christian? Natuto naman ako eh, Makakamove on din ako" Sagot ko.
"Natutunan?"
"Na wag magseryoso, bawal magseryoso sa pag-ibig matatalo ka lang" Sabi ko at biglang may lumandas na luha na naman sa pisngi ko, pinahid ko lang yun.
"Stop crying Faye, He's not worth it"
Huminto na ang car at nasa tapat na pala kami ng bahay. Bumaba na si Ry para pagbuksan ako. Inayos ko ang sarili ko bago ako bumaba. Pagbaba ko sumulpot din ang car ni Dad mukhang galing sa work. Bumaba muna siya.
"Oh anak papasukin mo muna si Ryan, dun na siya sa loob maghapunan" Ani ni Dad.
Sinunod nga namin si Dad at nasa hapag kainan na nga kami ngayon. kompleto kami ang mama at papa, at ang kuya kong kambal, yeah bunso ako at only girl kaya naman over protective mga yan.
"So, Faye ilang months na kayo netong si Ryan?" Biglang tanong ni kuya Ken.
Natawa naman ako. Grabe kami ni Ry. Ang OA ah! Etong si Ry naman nakangiti ang loko
"Oh, bakit ka natawa Faye? " usisa naman ni Kuya Ren.
Pssh, kambal nga sila." eh kuya naman, kami? Haha. Bestfriend ko to oh" sagot ko sabay tingin kay Ry.
"Faye anak, wala bang pag-asa si Ryan kapag nanligaw yan" sabi naman ni Mom.
"Mom, pati ba naman-" hindi ko natapos ang sasabihin ko sapagkat sumabat si Ry.
"Haha, oo nga faye, wala ba akong pag-asa?" Sabi ni Ry. Tignan mo to pinagkakaisahan nila ako.
"Dad, tignan mo nga sila oh" sumbong ko kay Dad, dahil antahimik niya lang.
"Faye anak, kung sakali man manligaw si Ry sayo, its fine naman eh"
"Dad! Bat pa manliligaw eh, dalawa na mga yan" kulit naman ni Kuya Ren.
Tinignan ko ng masama si Kuya Ren.Inasar lang nila kami hanggang matapos kumain. Hmmp, sinakyan naman netong mokong na to.
Nandito na kami ngayon sa gate hinahatid siya palabas.
"Uhmm, Faye yung asaran kanina" bigla niyang sambit.
"Ano kaba Ry, sanay na akong inaasar tayong dalawa! Sanay na ako sa mga joke at pakikipagsabayan mo" sabi ko, bigla naman lumungkot ang mga mata niya.
"Sige den, alis na ako" paalam niya at hindi na ako nilingon, sabay paandar ng kotse niya.
"Problema nun" bulong ko sa sarili ko.
"Akala mo kasi nagjojoke lang siya"
"Ay palaka! Grabe ka kuya Ken! Maka gulat ka naman!" sabi ko. Nakatingin lang siya ng seryoso sakin.Hindi nagsasalita.
"Bahala ka nga dyan kuya" sabay lagpas ko sa kanya.
"Sana wag kang matakot magmahal" bulong niya lang yun ng makatapat ako sa kanya, pero rinig ko, di ko nalang pinasin, deretso ako sa room ko at nagpahinga, such a tiring day.
Naalala ko bigla si Christian, na naging joke lang pala ang relasyon namin. Medyo masaket paren. Itutulog ko nalang to, wala na akong maiyak eh.Author's Note:
HI guys!
This is my 1st story here in wattpad, marami na din akong natapos na story, kaso wala dito sa wattpad! Hehe. Sorry sa mga typos at wrong grammar kung meron man! Hahaha.As if may reader ako noh! Basta I just want to publish a story here. Yun lang. Labyu.