Chapter 5

4 1 0
                                    


May lumabas na sa bahay nila Mia, lahat silang magbabarkada, then there I saw Ry, baba na sana ako ng kotse para magpakita kaso Biglang inakbayan ni Ry si Mia, at may tatlo pa silang kasama, sinundan ko sila at napadpad ako ngayon dito sa Angel's club. Puwesto ako malapit sa kanila, yung maririnig ko lang sila kahit ang lakas ng music.

Palalim lang ng palalim ang gabi, hindi pa naman ganun kalasing si Ry. Sumayaw na yung kasama nilang tatlo, sila Mia at Ry nalang ang nasa table.

"Ryan wheres your phone btw?" Mia asked.

"Deadbat! Tinapon ko na! Walang silbi ! Monthsarry namin ni Faye ngayon di niya sinasagot tawag ko!" Sagot ni Ry.

"Nevermind her Ryan!" Sabi ni Mia sabay halik kay Ry.

Akala ko, itutulak ni Ry! Akala ko aayaw siya! Pero ginusto niya their doing some french kiss at nakikita ko yun. Di ko kinaya, Tumayo na ako sa upuan ko, at aalis na! Kaso may biglang humawak sa braso ko.

"Miss sayaw muna tayo" sabi netong lalake na to.

"Sorry aalis na ako" sabi ko kaso mas humigpit ang hawak niya sakin.

"Ano ba!!!" Sigaw ko sa kanya, sakto nagstop yung music-nagpalit, dahil na din sa sakit ng nararamdaman ko, anlakas ng sigaw ko na nang hihina, napatingin ang mga bouncer samin at rumisponde, tumingin ako sa pwesto nila Ry, napatingin sila sakin. Nagkatinginan kami, at di ko maiwasan hindi lumuha.

I run away from that bar.

"Faye!" Sigaw ni Ry. Alam ko nakasunod siya.

Binilisan kong tumakbo kahit na nang hihina na ako, I was going to open the car pero naabutan niya ako.

"Faye, let me explain!" Sabi nito.

"Ayoko na Ry! Ayoko na! Tapusin na natin to," umiiyak na ako sa harap niya.

"No baby, pls " sabay yakap sakin. Isang sampal ang tinanggap ng mukha niya!

"Oh! Happy Last Monthsarry baby!" sabay bigay ko ng gift ko sa kanya.

"Faye, please! No."

"Please Ry, I'm tired, I need space, sa nakita ko kanina."

Hinayaan niya akong umalis, dumiretso na ako sa bahay, Ginising si Kuya Driver at lumuwas din agad ng Maynila.

Pagkarating ko sa Maynila, I cut all the communication that we have, Hindi na rin ako nag abala pang basahin ang mga message niya sa phone ko. I buy a new phone, a new me.

He also didn't bother himself to contact me, maybe he didn't want too.

Mabilis ang araw na lumipas, di ko din namalayan, nandito na ako ngayon sa aking opisina nakaupo, nakapagtapos na ako ng college, di na ako bumalik sa probinsya namin, I stay here in Manila for good, yes, nagtransfer ako, di na ako nagpakita kay Ry since then.

"Faye! Are you ready to go home?" Sabi ni kuya Ren sakin, pagpasok niya ng opisina ko. Ikakasal na kasi Kuya Ken at sa probinsya niya gusto itong ganapin, kaya uuwi kami ngayon dun, dahil bukas na ang kasal.

"Yes kuya, yung mga gamit ko nasa Car na, deretso na ako after this" Sabi sa kanya.

"Okey, I'll go ahead"

kinuha ko yung isa naming driver para magmaneho sakin, di ko kasi ang overnight driving. So we get there at exact time, nakapag ayos pa ako. Actually, di pa ata ako ready kung andito man si Ry, Di ko pa siya kayang harapin.

Patapos na ceremony ng kasal ng biglang may tumabi sakin.

"Hi Faye! Lalo kang gumanda! Di na kita nakita after ojt ah" si Rina, isa sa mga kaclose ko before.

Love TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon