Nasa isang meeting kami ni Ry ngayon about sa Internship namin. Yes, 3rd yr na kami ni Ry and were still going strong. May mga konting tampuhan but we end up forgiving each other.
"Faye? Anung iniisip mo bat ka tulala?" Tanong ni Ry sakin habang nasa meeting kami.
"sabi kasi ni Dad sa company daw ako ng tita ko mag o-ojt, pinayagan na din ng school, eh sa Manila yun, magkakahiwalay tayo" Nakasimangot kong bulong sa kanya.
"wag ka ng malungkot baby, almost 2-3months lang yun, mabilis lang yun. Wag kang sumimangot! Nalulungkot din ako."
"Txt/ Call tayo huh, ngayon lang tayo magkakahiwalay ng ganito baby eh" Sa lahat kasi ng out of town na pupuntahan ko, andyan siya. Etong ojt lang ang di namin magawan ng paraan. He's family wants him to ojt sa bank na ka-business partner nila ang may-ari.
Phone ring...
"Hello?" Sinagot ko to.
"Baby?" Sabi sa kabilang linya. Di ko na napansin na si Ry pala, Nagmamadali na kasi ako, ngayon na ang luwas ko paMaynila.
"Buksan mo gate baby" Sabi nito.
"Oh, wait! Manang Lusing!" Tawag ko sa katulong namin.
"Ano yon iha?"
"Pabukas naman po yung gate, nasa labas si Ry" sagot ko, sumunod naman ito, abala na kasi ako sa pagcheck ng gamit ko.
"Baby, I will miss you!" Sabi agad ni Ry sakin pagpasok niya sa bahay.
"Ako din Ry" sabay yakap niya sakin.
"Ma'am Faye, tumawag na po ang Dad niyo, pinapaluwas na tayo." Biglang sabi nu kuya driver.
"kelangan ko ng umalis baka gabihin kami sa daan" sabi ko kay Ry.
"Mag-iingat ka dun. Iloveyou" sabay halik sa nuo ko.
"Iloveyou too."
--
"Hello baby?" kakasagot palang ni Ry sa tawag ko, its been 2weeks since mawalay kami sa isa't isa, were growing na talaga eh, at nasasanay na kami sa LDR..
"Oh, baby? Lunch time na, kumain kana?" Tanong niya.
"Oo baby, ikaw?"
"Ryan! Tara lunch na tayo" narinig ko sa background niya, boses babae.
"sino yun?" Tanong ko kay Ry.
"ah, si Mia, remember her? Nasa iisang Bank kasi kami ng oojt" paliwanag nito.
"Ryan! Sino yan?" Tanong ni Mia sa background mukhang mas malapit na siya.
"Si Faye, kausapin mo?" Sagot naman ni Ry. Binigay nga ni Ry ang phone kay Mia.
"Hi, Faye! Long time!" Bungad ni Mia sakin.
"Long time talaga Mia! Di kana kumontak nun ah! Simula ng magtransfer ka!" Sunggab ko. Di na kasi siya nagparamdam since magtransfer siya nung 2nd yr 2nd sem.
"Sorry girl ! Naging busy ako, nagshift kasi ako"
"Shift? Anong course mona din?" Pag uusisa ko.
"Same as your course girl. BSBA din girl. Kaya nga magka ojt kami netong si Ryan." Paliwanag niya.
"Oh," wala na akong masabi, buti pa sila magkasama, I miss Ry.
"Hmmm, sige na girl. Kakain pa kami ni Ryan."
"Ge bye, girl !" Sabi ko.
I'm doing fine dito sa company ni Tita. I'm also enjoying dito sa bahay kasi andito sila Kuya. Mom and Dad are just busy. Sila kuya naman may kanya kanyang business nadin.
Mabilis ang paglipas ng oras May 6 na ngayon, and May 7 ang monthsarry namin. Balak kong umuwi bukas o mamaya. Ano kayang gustong pasalubong ni Ry. So, I decided to call him
"Hello baby? Goodmorning" Bungad ko.
"Faye? Si Mia to." I check kung anong oras na, its just 6:15 in the morning, magkasama na sila? Madalas si Mia din nakakasagot ng tawag ko this pass days eh.
"Si Ry?" Tanong ko.
"Tulog pa Faye eh, "
"Ahh, ang aga mo naman, asa bahay ka nila?" Tanong ko.
"Oo Faye, dito na ako pinatulog ni Tita Kath eh, yung mama ni Ry, umuulan kasi kagabi. Nandito sa labas etong phone ni Ryan,naiwan niya ata, di pa lumalabas ng room niya eh" paliwanag ni Mia.
"Aww, sige pakisabi din, andyan ako bukas ng gabi huh." Sabi ko.
"Okey girl, makakarating" sabi niya.
-bye-
The whole day naging busy ako sa office, nagmamadali na akong bumaba ng building naghihintay na ang driver namin. Dadaan pa kami sa Mall para bumili ng gift ko for monthsarry kay Ry. Uuwi na ako ngayon para bukas ng mga tanghali o hapon nasa amin na ako, sakto sa monthsarry namin.
Binilhan ko si Ry ng relo. Nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe, napansin ko nawawala phone ko, Then na realize ko naiwan ko sa office. Sh*t.
Hinayaan ko nalang kesa naman bumalik pa kami. Alam naman na ni Ry na darating ako eh. Itinulog ko nalang, pagkagising ko malapit na kami sa amin mga isang oras nalang. 12 na, at gutom na din ako. I'm sure pati si kuya driver gutom na din.
"Kuya, kain muna tayo sa pinakamalapit na restau" sabi ko.
"Sige po Ma'am".
May7 na ngayon at di ko pa nababati si Ry. Tsk!
Bigla nalang huminto etong car.
"Kuya, anong nangyari?!" Tanong ko.
"Wait, maam check ko." "Eh Ma'am flat po, may malapit pong kainan dyan Ma'am kain muna kayo, ipaayos ko lang to."
Sinunod ko nga si Kuya Driver. And it takes a hour to fix this Car! Wala din kasing cp si Kuya Driver, di tuloy kami nakahingi ng tulong.
2 pass na ng makarating ako sa bahay. Dumiretso ako sa room, I get the landline to call Ry, kaso di ko makontak, I tried to call sa bahay nila kaso wala din siya dun, lumabas, Wala akong number ng friends niya, so dumiresto ako sa computer at nag-online. Naghanap ng online na pwde, then may naka agaw ng pansin ko isang post, post ni Mia and her friends together with Ry, may caption na "atm: Inuman at house"
I'm tired hindi ba ako maalala ni Ry? Monthsarry namin ngayon. Lumabas ako ng bahay, kinuha ko yung car, ako ang nagdrive pumunta ako sa bahay nila Mia, I don't know what I'm doing eh, nakatambay lang ako sa harap ng bahay nila Mia. Hinihintay na lumabas si Ry, Nasasaktan ako sa di malamang dahilan.
_mabilis po talaga ang flow ng story, short lang po kasi siya. :)