Sabi nila, time will heal all kinds of wounds, kahit yung infected. Pain will eventually subside at magigising ka na lang na nakamove-on ka na...
Pero bakit hanggang ngayon fresh pa din ang sakit?
Bakit hanggang ngayon naaalala mo pa siya?
Bakit tuwing gabi, umiiyak ka pa din dahil sa kanya?
Nakakarelate ka no?
Siguro marami sa inyo ang nasawi na sa pag-ibig. Yung bang nagmahal ka ng todo, as in binigay mo lahat lahat, pero niloko ka lang. In the end, pinagpalit ka sa iba. Much worse, pinerahan ka lang, yan ay kung mayaman ka. Kung mahirap ka naman, dun ka na lang sa ginamit ka lang or pinaasa ka lang.
Pero ano nga ba ang nararamdaman ng mga taong manloloko or mga taong nang-iwan sa mga jowa nila? May feelings at conscience ba sila? Bakit ba nila nagawa na lokohin ka at ipagpalit sa mas pangit pa sayo? Bakit nagawa nila isang tabi ang lahat ng sakripisyo mo? Ang saklap di ba?
Yung iiwan ka din naman, pinatagal pa ng ilang years. Sayang naman ang time at money.
Sadyang unfair lang ba talaga ang mundo?
Or sadyang mga walang puso silang demonyo?
Ang bitter ko no?
Bago pa ko kumuda, ako nga pala si Belle. Isang broken hearted na sawi sa pag-ibig.
Sawi na, brokenhearted pa? Oh di ba, redundant lang!
Eto ay storya tungkol sa isang heartbreaker. Tingnan mo nga naman ang walang hiya, heartbreaker na nga, may spotlight pa. Itago natin siya sa pangalan na Ross. Walang last name kasi fictional character lang naman. Ang hirap kaya mag-isip ng last name.
Ross sa umaga, Rosalinda sa gabi.
Charot lang, lalake si Ross! Kaya nga heartbreaker eh!
Kilala si Ross sa campus namin. Matalino, gwapo, magalang kaso heartbreaker. Mas marami pa ata sa populasyon ng Pasig City ang naging girlfriend niya.
Joke lang, OA naman nun. Marami siya naging short time girlfriends, mga thirty-one, mga ganun.
Di ko alam kung ilan, basta marami na siya pinaiyak na babae. Alam naman nila na short time relationship lang gusto ni Ross, pero mga patola pa din ang mga gaga. Palibhasa, mayaman at gwapo.
Why not nga naman? Ganun ba talaga ka superficial mga babae ngayon?
Superficial? Big word, my friend.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]
Romance[Completed] Ross is my best friend since first year college. Matalino, gwapo, mayaman, sweet, in other words, perfect, pero certified heartbreaker. Ilan libong babae na ang umiyak ng dahil sa kanya. And yet, I still fell in love with my best friend...