Wala kaming kibuan sa loob ng kotse. Gusto ko mag-sorry kasi parang napaka-unreasonable ko. Wala naman siya kasalanan. Ang kasalanan lang niya, masyado siya naging mabait, sweet at concern sakin, hayun, nahulog ang panty ko, este puso ko.
God knows pinigilan ko ma-inlove sa kanya, pero matigas ang left and right ventricles ko. Matagal na ko deny to death na may feelings ako sa kanya. Ngayong gabi ko lalo napatunayan kung ano talaga ang nararamdaman ko kay Ross. Gusto ko umiyak kaso kanina pa ko umiiyak sa CR, nakakapagod din.
"Inumin mo, para sa sakit ng tiyan yan."
"Gatorade? Para sa sakit ng tyan? Mas gusto ko yung Powerade."
"Ay napaka-choosy mo talaga! Inumin mo na lang pwede? Dami mo pa sinasabi. Para sa mga nagdidiarrhea yan para di ka madehydrate."
Sinunod ko naman si Ross. In fairness, refreshing. Pagkainom ko ng Gatorade, inantok ako sa byahe. Di ko na maalala ang mga pangyayari. Naramdaman ko na lang na tumigil na ang kotse, naka-idlip pala ko ng di ko namamalayan. Kaso wala kami sa harap ng bahay namin.
Nasaan lupalop ba kami ni Ross?
Pagcheck ko ng phone ko, 2AM na. Hindi pala ako naka-idlip, nakatulog pala ko ng mahaba. Basta talaga sumakay ako ng sasakyan, tulog agad ako palagi.
Lumabas si Ross sa kotse at binuksan ang compartment ng kotse. Sinundan ko siya at malamig na hangin ang nag meet and greet sa mukha ko. Amoy tubig alat at naririnig ko yung alon sa dagat. Madilim ang paligid at konting ilaw lang ang aking naaaninag.
"Gising ka na pala," casual na pagkasabi ni Ross habang binababa ang tatlong duffle bag.
"Asan tayo? Bakit may dagat?"
"Somewhere sa north."
*NGIIINIIGGGG* *NGIIINIIGGGG*
"Ross, bakit tayo andito? Ang lamig! Ano to, pagawaan ng Condura?" nanginginig kong tanong. Sobrang lamig kasi.
"Magpapahangin lang tayo."
"Kakatayin mo na ba ko at itatapon sa di kilalang ilog somewhere?"
"Ha? Mukha ba kong psychopath, Belle Belle?"
"Eh bakit tayo andito sa gitna ng kawalan? Ano yang mga bag na yan? Chochop chopin mo ba ko at isisilid dyan?"
"Baliw! Buhatin mo nga tong isang bag at sumunod ka saken."
Sa takot ko, I mean sa excitement ko, sumunod lang ako kay Ross. Di ko alam kung asan kami pero who cares? Magkasama naman kami. Eto na chance ko para maging akin siya bwahahaha.
Isang malaking two storey house ang tumambad sakin after namin maglakad ng ilang minuto. Mukhang antique looking, pero hindi nakakatakot. Pagpasok ko sa loob, sobrang modern ang features, contrasting sa labas. All white ang sofa, walls at ceiling. All black naman ang ibang cabinet, tables at chairs, very modern minimalist ang design.
"Bakit tayo andito? Saan ba tong lugar na to? Teka, baka mag-alala si kuya at wala pa ko sa bahay. Wait, tawagan ko muna siya. "
"Surprise graduation gift ko to sayo. Nag-iinarte ka kaya di ko na nasabi sayo. Nagpaalam na ko sa kuya mo. Sino tingin nag-empake ng gamit mo?"
"Bakit hindi si Heidi ang isinama mo dito?"
"Kung alam ko lang na ang dami mo hanash, sana hinagis na kita sa ilog kanina."
Tinalikuran ako ni Ross. Umakyat siya sa second floor at iniwan ako mag-isa.
Bakit di yung girlfriend niya sinama nya?
Bakit ako?
Ayoko ng ganto, umaasa puso ko. Assuming pa naman ako minsan...
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]
Romance[Completed] Ross is my best friend since first year college. Matalino, gwapo, mayaman, sweet, in other words, perfect, pero certified heartbreaker. Ilan libong babae na ang umiyak ng dahil sa kanya. And yet, I still fell in love with my best friend...