Pagkatapos ng breakfast, sumakay kami ng rubber speedboat papunta sa kabilang isla. Nakashorts, rash guard at sunglass si Ross. Buti na lang may sunglass din ako at di niya masyado napapansin ang pagsulyap ko sa kagwapuhan niya.
Natanaw ko na agad yung islang na pupuntahan namin. Maliit lang yung island pero may maliit na sementadong cottage. Ang ganda tignan ng blue waves na humahampas sa super fine at white sand.
"May kuryente ba dito?" tanong ko kay Ross habang iniikot ang cottage. Table and chairs lang ang andun, parang pahingahan lang talaga.
"Walang kuryente dito. Alam mo ba, madalas kami magbonfire nung mga bata pa kami dito? Overnight kami palagi dito tuwing summer. Eto ang isa sa mga pinakapaborito kong lugar nung bata pa ko."
"Ganda naman dito, ang lamig ng hangin at tahimik. Siguro someday kung magpropropose ka saken, ok na dito, romantic."
Humalakhak lang si Ross sa sinabi ko at binato ko ng towel sa mukha. Buti na lang at di siya naniniwala.
"Sa likod nitong isla, may part na mababaw lang tubig. Pede ka mag snorkling. Pero dun tayo sa isa pang isla, mas romantic dun. Kung gusto mo na ipagtapat ang pagmamahal mo sakin, dun ang perfect place."
"Perfect place din ba yun para katayin kita?"
"Kung kaya mo, go ahead. Judo, karate black belter ata to. Baka matikman mo bangis ko."
After ilan minutes na pag-ikot sa isla, pumunta na kami next dun sa isa pang island.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]
Romance[Completed] Ross is my best friend since first year college. Matalino, gwapo, mayaman, sweet, in other words, perfect, pero certified heartbreaker. Ilan libong babae na ang umiyak ng dahil sa kanya. And yet, I still fell in love with my best friend...