Day before the grandball, binigay saken ni Ross yung official invitation ko. Binayaran pala niya yung ticket ko.
Sugar daddy lang?
"Andyan sa likod yung gown na gagamitin mo pati shoes," sabi ni Ross nang makasakay kami sa loob ng kotse niya.
"Naku naman Ross, wala naman ako balak pumunta. Kailangan mo ba talaga ng alalay dun?"
"Tanga, gusto ko ma-experience mo yung grandball. And yes, kailangan ko ng alalay kaya wala ka magagawa."
"Anak naman ng tokwa oh! Di naman ako marunong magmake up masyado. Sasayaw sayaw pa yun, di naman ako marunong nun. Aattend lang naman yung iba dun para makapagpicture picture at ipopost sa FB. Di naman kami madalas magbonding ng FB account ko."
"Sinabi ko ba na ikaw mag-make up sa sarili mo? Tanga mo din, malamang may makeup artist ka na."
"Maka tanga ka saken, kala mo alipin mo ko!"
"Eh ang tanga mo eh. Ako susundo sayo bukas, pag di ka pumunta, kakaladkadin kita kahit naka panty ka lang."
Napangiti lang ako. Kung di lang heartbreaker at babaero tong si Ross, maiinlove na ko sa ka-sweetan.
Teka, hindi pa ba ko inlove sa kanya? Eh araw araw siya ang laman ng isip ko!
Ilan taon na din kaming naging magkaibigan at parang sanay na ko na lagi siyang andyan. Minsan, natatakot ako na mawala si Ross. Parang di ko na kaya na wala siya sa tabi ko.
"Ross..." bulong ko sa kanya ng malapit na kami sa bahay ko.
"Ano yun?"
"Salamat..." mahina at nahihiya kong sabi sa kanya.
"Ha? Ano? Ang hina ng boses mo, ano ka ipis?"
"May ipis bang nagsasalita? Kingina, bakit ka ba running for magna cum laude kung utak kanduli ka din no?"
"Leche ka. Bukas susunduin kita. Umayos ka ha?"
Pagpasok ko sa bahay, binuksan ko agad yung box kung saan andun yung gown at sapatos ko na binili niya. Mukhang mamahalin, pero ano pa ba eexpect ko? Mayaman si Ross, ayaw ng puchu puchu lang. May pambili naman ako, di naman kami mahirap pero ayoko talaga ng mga gantong pasosyal na event.
Day ng grandball, dumating na yung make-up artist. Kaso tumawag si Ross, di daw niya ko masusundo kasi nag-iinsist si Heidi na sunduin niya.
Wala ko nagawa kasi bestfriend lang ako, di naman ako ang girlfriend. Disappointed pero ganun talaga.
"Ako na maghahatid sayo kung di ka masusundo ni Ross," volunteer ni Kuya Kyle na kadadating lang from his work.
"Wag na, magtataxi na lang ako."
"Hatid na kita, wag ka na umarte. Di ba ko pede sumama sa loob as plus one mo?"
"Exclusive lang po sa mga senior students, hindi senior citizens."
"Etong pogi kong to, senior citizen? Isa yata to sa most sought after bachelor. Sa labas na lang kita ihahatid, baka pagkaguluhan pa ko ng mga classmates mo, akala nila si Henry Cavill ang kasama mo."
"Magsama kayo ni Ross, para kayong super typhoon. Ang hahangin niyo. Biyaya ba kayo sa kababaihan?"
Ganyan talaga si Kuya Kyle. Mahangin pa sa bagyo, palibhasa matalino at good looking. Kaya nagkakasundo sila ni Ross eh.
Bakit ba hindi ako naambunan ng kagandahan at napunta lahat kay kuya? Sabagay may utak naman ako kahit papaano.
Dapat nga ako magna cum laude kasi ako gumagawa ng ibang projects ni Ross. Pero iba kasi talino ni Ross, innate at natural kumbaga. Kahit matulog sa class, kahit madami extra curricular activities, napeperfect ang exam.
Samantalang ako, masipag lang talaga mag-aral...
May kwento din si Kuya Kyle at may special participation din kami ni Ross dun. (Book - 4 My Boss is a Heartbreaker)
Basahin mo din, please lang oh?
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]
Romance[Completed] Ross is my best friend since first year college. Matalino, gwapo, mayaman, sweet, in other words, perfect, pero certified heartbreaker. Ilan libong babae na ang umiyak ng dahil sa kanya. And yet, I still fell in love with my best friend...