GAME OVER- try again?

1.1K 19 11
                                    

"GAME OVER- try again?" 

"Huwaaah! Ang daya mo naman. Lalaki ka tapos hindi mo man lang ako pinapanalo" sabay pout ko

"Haha! Bie, kaya kita pinapatalo palagi, ang kyut mo ^-^" =____= dayaaa talaga

Naglalaro kasi kami ng boyfie ko ng tekken. Eh daya lang kasi lagi niya akong talo, kahit ang daming beses ko ng pinagpractisan talo pa rin ako :( 

2nd anniversary nga pala namin ngayon at ito ang napagisipan naming gawin, para maiba naman diba ;) tapos mamaya lalabas kami para kumain. Libre daw niya eh :3 xmpre alangang ako -.-

"Bie, labas na tayo. Gutom na rin ako kakalaro natin neto. Hindi ka naman mananalo sa akin ;)" 

"Ayaw! Isa pang laro. Please" ayan nag puppy eyes pa ako, sana umepek

"Hay nako Bie. Wag kang ganyan at hindi kita matiis" yehey! *clap clap clap*

At heto nga naglaro pa kami, pero hindi lang isa. Mga 6 ata yon, or lampas pa? Hay ewan, pero sa daming larong yon talo pa rin talaga ako :'(

Tumigil na rin kami sa paglalaro ng tekken, dahil maaksaya lang ang oras namin dun. May date pa kami = foodS. Hahaha

Hmmm. Saan kaya ako dadalhin ni Bie. Secret daw kasi sabi niya. Sana sa madaming pagkain, nagutom lang ako sa paglalaro ha.

"Bie. Dito na tayo" sabay labas niya sa car at pinagbuksan niya ako :"> 

Hinawakan niya kamay ko, pero yung pakiramdam ba eh parang first time naming maghawak kamay. 

"Ano to Bie? Diba sa may dagat to? Bakit tayo nandito?" akala ko ba kakain kami, este magdadate pero bakit parang hindi? 

Napasmirk na lang siya at hindi sumagot. Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang makarating kami sa may dagat talaga

"Wow" yan lang nasabi ko 

Ito yung pinapangarap ko nung bata ako, na magkameron ng date sa isang beach tapos yung simple lang: merong red petals na nakakalat, at makikita niyong sabay na lumubog ang araw. Ang saya ko kahit makita ko lang ito

"Oh Bie, don't cry. Hindi ko yan ginawa para lang iyakan mo, dapat nakasmile ka ha? :)" napahawak ako sa may pisngi ko at oo nga, may luha -.- agad ko itong pinunasan at pinagpatuloy ang lakad

Umupo kami at dumating ang violinist, aba at may tugtug pa ha :"> tsaka naman kinuha ang pagkain na inorder ata nitong Bie ko. 

Bago namin sinimulang kumain eh, magpapasalamat muna ako sa kanya

"Bie, alam mo maswerte ako kasi ikaw ang boyfriend ko. Yung hindi mo tinataasan ang pride mo tapos lagi mo pa akong iniintindi. Salamat sa lahat ha? Hindi lang dahil dito sa isa sa pangarap ko nung bata ako, pati na rin sa lahat lahat. I love you Bie. Happy 2nd anniversary sa atin ^-^" tapos hinawakan niya kamay ko

Bago matapos to, magpapakilala muna ako senyo ha. I'm G Gonzales. 16 years old. 1st year college sa  S.C.A (Sault College Academic) HRM |totoong school po yon, pero iba po yung course. Kunyari din sa Pinas lang yung school na yon, hindi sa Canada xD|

GAME OVER- try again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon