<< GG'S POV >>
"Ethan, bakit parang pumapayat ka? Hindi kaba kumakain jan ha?" pagaalala ko. Naka skype kasi kami ngayon dahil walang pasok.
"Kumakain naman ako G, wag kang magalala. Masyado lang sigurong busy. You know..." sabi niya, pero para talagang may mali.... Matamlay siya simula ng dumating siyang America
"Sige, pero wag kang maggugutom jan ha, atsaka masyado ka atang nagpapagod eh"
"Anak, andyan na yung nurse mo" at bigla namang nag appear si Tita sa cam "ayy, iha magkasype pala kayo ng anak ko hindi ko alam. Kamusta kana? :)" pangangamusta niya.... pero nurse? Bakit may nurse?
"Heto maayos naman po kahit papano. Pero bakit po may nurse? Nasa hospital po ba kayo Tita?" pag aalala ko
"Wa-wala naman iha.... Sige G at may gagawin lang ako, maiwan ko muna kayo ha" tapos bigla siyang may binulong kay Ethan na hindi ko marinig, kaya nga bulong diba -.-
"Ahmm, G. Next time na lang ulit tayo mag skype ha :) tawagan na lang kita later pag makakatawag ako" pagpapaalam niya sa akin. May mali eh.... may nurse, tapos muka siyang matamlay, kaso ayaw naman niyang sabihin sa akin =_____=
"Ganun ba. Sige okay lang. Ingat na lang kayo ha, babye! Miss na kit...." *tooot tooot* =____________= bigla ba namang mawalan ng internet -.- nakikisagap lang ako ngayon sa kapitbahay namin buti nga at nahulaan ko ang password, pero wala na eh -.- may wifi naman kaming amin, pero hindi pinapagamit ni mommy yun, dahil pang emergency lang daw
Kabadtrip naman =_____= tumingin ako sa bintana dahil ang ingay. Ay kaya naman pala wala ng wifi, dahil paalis sila -.- ngayon pa talaga eh no?
Napatingin na lang ako ng biglaan sa salamin, hindi ko alam kung bakit...
.
.
.
.
.
.
.
.
"WAAAAAAAAH!" hala, nakalimutan ko may gala nga pala kami nina bespren Belle at Yanna ngayon. Tss, nakabihis na ako pero hindi pa nakakaalis dahil mag skype daw kami ni Ethan eh
"GG! Bakit ka sumisigaw jan ha? Natutulog ang tao anak eh, pagod ang daddy sa trabaho kahapon" ops! Napalakas pala yung sigaw ko, pero late na ako TT^TT
"Sorry po daddy ^_________^V" sabay peace sign ko sa kanya. Ahahaha. Close kaming dalawa eh :P
"Ayos lang yon anak, maliligo na rin naman ako at aalis. Ang mommy mo?" HAHAHA! Si daddy talaga nakakatawa, parang kasing age ko lang eh. Paano kasi kanina pang hinahawakan ang mata, siguro tinitignan kung may muta siya -.- ahahahaha
"Kasama po niya mga friends niya. Alam niyo naman po siya daddy, hindi makatanggi sa mga friends"
"Like you. Sa mommy mo talaga ikaw nagmana bata ka o'oh"
"Daddy naman, tigilan niyo nga yang paghawak niyo sa mata niyo. Wala po kayong muta -.-. Btw daddy I have to go na. Babush!" at kiniss ko siya sa may pisngi niya
*@SM*
"Asan na ba yung dalawang yun?" naghihintay ako ngayon sa may Food court, dito ang kitaan namin. Pero wala sila