"....so ayon nga diba, tapos.... Hoy GG! Nakikinig kaba?" GG nga pala nickname ko :) yung nagsasalita nga pala eh bespren ko
"Ah, ano... Hindi" sagot ko. Oh ha! Ang loyal ko no? :P
"Hala, ewan ko sayo jan. Masasayang lang ang ang pagsasalita ko kung hindi ka rin nakikinig kaya sige okay lang. Naiintindihan ko naman kung ikaw ay masaya samantalang ako heto malungkot. Okay lang yun bespren, magkaibigan naman tayo kaya naiintindihan kita" daming sinabi. Hahaha ^_____^V
"Oh sorry na bespren. Masaya lang talaga ako kahapon, ano nga ulit yung sinasabi mo?"
"Ehh, teka diba 2nd anniversary niyo kahapon? Anong nangyari, saan ka niya dinala? Romantic ba? Daliiii kwento na!" tamo to, kanina nagdradrama ngayon halos hindi na makahinga sa bilis ng pagsasalita -.-
"Ganito yon...." so ayon kinewento ko na sa kanya yung nangyari nga kahapon, simula sa paglalaro ng tekken hanggang sa dalhin niya ako sa may beach ^-^
"Awww! Bespren, sana ganyan din ang magiging boyfriend ko no? Diba pangarap mo na yon nung bata kapa? Buti kapa" halos hampasin niya ako sa kakiligan niyang yon. Pero hindi ko rin naman siya masisisi, ako nga eh wala akong mahampas kagahapon =___=
Nag start na ang klase namin at vacant kami ng mga 2 hours mamaya tapos isa pang subject at tapos na! Yeheeeey!
Alam niyo yung ang saya-saya mo kaya naman hindi kana nakikinig sa pageexplain ng prof, kahit favourite subject mo pa. Haaaaay
Natapos rin ang dalawang subject na ito at excited na akong makita si boyfie. Waaaaah! Nga pala nasabi ko na ba sa inyo na binigyan niya ako ng singsing. Lalala. Sabi niya para daw yun sa kahit magkalayo kami eh parang nandyan lang siya sa akin, at meron din siya nun. Pareho pa nga kami eh ^-^ so hapey!
"GG! Dahan dahan naman, kung makapaglakad to daig pa ang pagong eh -.-" o___O? dahan dahan pero kung makapaglakad daig pa ang pagong? Hano daw?
"Sasabi mo jan?"
"Ang ibig ko pong sabihin eh ang bilis mong maglakad, bagalan mo naman" huminto kami dito sa may garden, dito ang tambayan naming magkakaibigan (kaibigan niya at friends ko)
Hinawakan ko ang singsing na binigay niya, at napangiti na lang ako ng wala sa oras dahil nanigaw na naman tong bespren ko /=____=\
"Hoy! Alam kong masaya ka, at masaya rin naman ako para sayo, pero lumungkot na naman kahit konti lang. Dali na!" o___o? ahh, so parang mas gusto niyang malungkot ako ganun -.-
"Ayaw :P ah btw bespren ano nga pala yung sasabihin mo sa akin kanina?" pagiiba ko ng usapan. Baka kasi may problema nga to, hindi ko man lang napapakinggan
"Si Papa uuwi na dito sa Pilipinas. Pero bespren alam mo naman ang problema nila ni mama diba? Iniwan niya kami" umpisa pa lang ng kwento niya eh nararamdaman ko agad ang lungkot niya. Para nga kami nitong iisang tao lang alam namin ang nararamdaman ng isa't isa
"Bespren, paano mo naman yan nalaman? Diba hindi kayo nagkikita or nakakapagusap ni tito?" nasa ibang bansa kasi papa niya, pero hindi nila alam kung saan
"Tumawag daw si papa kay mama, tapos sinabi sa amin ni mama. Ay, ano ba yan bespren! Nagdradrama na tayo dito -.- hindi rin naman siguro papayag si mama na makita niya kami ng kapatid ko" may tumulo ng luha kay bespreng mata, kaya ako na ang pumunas para naman madama niya na andito lang ako sa kanya.
Kasama ko siya sa kasiyahan ko kanina, pero hindi ko man lang siya pinakinggan kaya heto ngayon ko iyon gagawin. Niyakap ko siya at hinawakan ang likod para sabihing tahan na
"Aww naman pre! Kita mo yan, hindi kapa nga umaalis eh may bago na agad siya"
"Oo nga pre. Ang sakit! Tapos babae pa ang ipinalit sayo, sabi na nga ba eh tomboy yang girlfriend mo!"
Napatigil kami sa pagdradrama ni bespren dahil dumating na sina boyfie kasama ang dalawa niyang kaibigan -.- sabihan ba namang tomboy ako? Tapos pagpapalit ko daw si Bie, haaay! Malala na sila
"Tss. Tumigil nga kayong dalawa! Kita niyong nagdradrama kami dito eh ang iingay niyo. Tsupi!" ang bangis ni bespren. Ahaha Y.Y
"Renz, Pao, Belle pwede bang iwan niyo muna kami ni Bie? May paguusapan lang kaming importante" si Renz at Pao ay ang dalawang lalaki kanina, si Belle naman yung bespren ko ^-^
"Goodluck sayo pre!"
"Oo nga pre! Hirap niyan. Tsk tsk"
"Hoy kayong dalawa! Ano bang mga pinagsasabi niyo jan ha. At an- askjghl" hindi na natapos si Belle sa pagsasalita dahil tinakpan ni Renz ang bibig ni bespren. Poor bespren ko T-T
Ng makaalis na sila eh bigla namang nagseryoso ang muka ni Bie. May problema rin kaya siya? :(
"Bie... You know naman na mahal kita, diba? Kaya yang singsing na yan wag na wag mong tatanggalin, lagi mong isuot ha? :)" oh-kay? Anong meron? Bakit parang pilitan lang yung smile niya :(
"Oo naman, bigay mo eh. Tsaka mahal na mahal din kita Bie" pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon eh hinawakan niya kamay ko, pero ang lamig lamig nito. Kaya naman napatingin na ako sa mata niya ng may pagaalala.
Ng magsalita siya hindi ko alam gagawin ko, pwede bang takpan na lang yung tenga ko o di kaya'y nagkamali na lang ako ng dinig. Please, sana mali lang talaga ako TT^TT
----
Dedic po sa kanya :) I hope you like it ^-^ salamat nga pala sa pagread nito at nung isa na rin. Ahaha.