@ school
Nagdadalwang isip pa nga ako kanina kung papasok paba ako o hindi. Hindi ko lang kasi alam gagawin ko o sasabihin pag nakita ko siya. Nakakahiya kasi na imbis na suportahan ko siya eh iniwan ko pa siya [_ _ ,]
"Oh, GG! Anong nangyari jan sa muka mo? Parang hinimod ng kalabaw eh" Belle
"You mean haggard?" -.- talagang hinimod ng kalabaw ang nakuhang term eh
"Ihh! Ganun na rin yon :P by the way on the way bakit ka umabsent kahapon? Cutting ka no? Tsk tsk" hindi pa nga pala niya alam yung tungkol kay Ethan (name ng boyfriend niya), ayaw ko pa sanang sabihin sa kanya kahapon dahil diba nga may problema na siya sa pamilya niya
"Ahmm, hindi naman" yan na lang nasagot ko at umubob na ako sa may desk ko
"Ehhh, ano nga? Ayaw pang sabihin -.-" ikwekwento ko na ba? Ayaw ko sana kasing magkasekretuhan kami ni bespren
"Sige na nga, pero pagdating na lang ni Yanna" si Yanna bespren din namin. Absent nga lang siya kahapon dahil nasa may Cebu siya, para dalawin ang mga lolo niya
"Hey hey hey! I'm baaaack!" sigaw ni Yanna at inispread pa niya kung arms niya =-=
"Uy Yanna! Na miss ka namin" sabi ng iba naming classmates. Kami ni Belle, tahimik lang kami, para wala kaming pake no? Ahahaha >:) maya na lang kami :P
Nung pumunta naman siya sa may pwesto namin, eh kinulit ako ni Belle na ikwento sa kanya kung bakit wala ako kahapon. At dahil sa nakulitan naman ako at nag promise akong ikekwento ko pag dumating na si Yanna, sinabi ko na lang sa kanila.
Mga itsura nila:
[O_______O] Belle
[O-----o??] Yanna
"Aalis si Ethan? Paano na kayo bespren?"
"Oo nga? Eh diba kaka 2nd anniversary niyo lang nung isang araw, tapos tsk! Bad news yan bespren Y^Y" pagsasangayon ni Yanna kay Belle TT^TT
Dumating na ang prof namin at nag start na ang lesson -.- hindi ako nakikinig, kung kahapon dahil sa masaya ako ngayon naman dahil sa para bang merong mga boses na paulit-ulit sinasabi sa akin yung sinabi ni Ethan kagahapon
.
.
.
|FLASHBACK|
|I play niyo rin po yung kanta sa may side ----> :))|
"Bie... You know naman na mahal kita, diba? Kaya yang singsing na yan wag na wag mong tatanggalin, lagi mong isuot ha? :)" oh-kay? Anong meron? Bakit parang pilitan lang yung smile niya :(
"Oo naman, bigay mo eh. Tsaka mahal na mahal din kita Bie" pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon eh hinawakan niya kamay ko, pero ang lamig lamig nito. Kaya naman napatingin na ako sa mata niya ng may pagaalala.
"Pupunta na kami ng America, baka dun na kami titira. Alam mo naman dahil sa trabaho nina mommy" nakatitig lang ako sa kanya, samantalang siya sa may langit nakatingin
"A-anong sabi mo?" humarap siya sa akin at inulit lang ang sinabi
"Ahahaha. Akala ko nagkamali lang ako ng dinig kanina, pero kailangan paba talagang ulitin? Iiwan mo ko?" iniisip ko na sana mali lang talaga yung pagkadinig ko o di kaya'y nananaginip lang ako, nightmare!
Hindi siya sumasagot
"Tss. Ano? Bakit hindi ka makasagot? Iiwan mo ko ganun? So mag brebreak na tayo?" sana hindi niya sabihin ang iniisip ko
"Hindi. Uuwi pa naman kami dito sa Pilipinas tuwing bakasyon nga lang, pero tayo pa rin!" ahh, so long distance relationship -.-
"Ibig mong sabihin ay long distance relationship ganun? Mahirap yun! Hindi ko kaya" pinipigilan ko ang aking pag iyak. Hindi, panaginip nga lang to. P-a-n-a-g-i-n-i-p
"Oo. Wala akong magawa Bie. Sina mommy at daddy na nagdesisyon nun" niyakap niya ako, pero tumakbo ako papalayo sa kanya at uuwi na lang ako sa bahay
Rinig kong tinatawag niya pangalan ko, pero hindi ako lumilingon at tuloy pa rin sa pag takbo. Ayaw kong umalis siya, ayaw ko TT-TT
-----
Pero narealize ko na hindi ko dapat ginawa yon, nabigla lang siguro ako. Dapat nga hindi ko inuubos ang oras dahil may 26 days na lang kami at aalis na siya papuntang America.
Nakatulala lang ako ngayon ang nakikita ko lang eh yung prof na nagsasalita, pero hindi ko marinig rinig.
Dapat ipadama ko sa kanya na kahit magkalayo kami eh importante parin siya sa akin, kahit anong mangyari at sana gaun din siya sa akin..... sana kami pa rin hanggang sa huli.....,,