Waaaah! Tagal ko ng hindi nakakapagupdate, pero kahit nahirapan akong magtype sa cellphone ay keri naman. Heto na po ang inaantay niyong update ^-^
---
<< YANNA'S POV >>
*@ home*
Nakakainis naman yung girl kanina, yan tuloy napaaway si bespren Belle -,-
Kwentuhan ko muna kayo tungkol sa buhay ko ha? :) ako si Yanna Umali. Bespren ko sina GG at Belle simula nung nag college kami. Only child lang ako, dahil ampon lang naman ako. Hindi kasi magka anak sina mama at papa, siguro ayon ang dahilan kung bakit magkahiwalay sila ngayon. Pagmagkasama sila lagi na lang sigawan ang naririnig ko sa kanila.
Kay mama ko muna ako nakatira, at minsan pinupuntahan si papa.
*Beeeep*
Yaaaay! Andyan na si mama, lagi kasi syang nagbubusina senyales na nandyan na siya ^-^
"Ahmm, manang! Ako na lang po ang magbubukas ng gate" pinigilan ko siya habang nag gagawa ako ng homework ko.
"Gawin mo na lang yan ginagawa mo Yanna" mahinahon na sagot niya. Sabi ko kasi sa kanya na Yanna na lang itawag sa akin, ayaw ko ng may pa 'mam'
"Sige naaaa. Ako na lang :)" ahaha! ang kyut namin no? Pinagaawayan pa kung sino magbubukas :P
"Sige na nga. Ikaw bata ka o'oh" paalis na sana siya ng bigla ko itong pinigilan
"Hala, ikaw na nga manang. Ako na lang maghahanda ng dinner namin ni mama" tama! Dinner na lang hahandain ko
Sinunod naman ni manang ang sinabi ko. At dumiretsyo na ako sa kusina para maghanda. Hmmm! Sarap ng ulam ^_^ may luto na naman talaga, ihahain ko lang.
"Where's my baby?" si mama habang nagtatago sa likuran ng pinto ng kusina. Si mama talaga, baby pa tawag sa akin =_____= malaki na po ako
"Mama naman. Big girl na ako!" ako sabay hug sa kanya \m/
"Okay, pero para sa mama mo baby ka pa rin, okay?" tss. Makikipagtalo pa ba ako? Malamang sa malamang matatalo rin naman ako -.-
"Sige na nga po. By the way ako po naghanda ng pagkain ngayon ^_____^" sabi ko na proud na proud sa sarili :P
"Let's eat then! Manang kakain na" at heto kumain na kaming tatlo. Nakakalungkot lang na wala si papa, dati rati eh ang saya naming 4 na kumakain sabay sabay
Natapos na rin kami sa pagkain at dumiretsyo na sa kwarto ko. Hindi naman kasi ako yung isang tipo ng babaeng palagala, ewan ko ba pero mas gusto ko ang laging nag-iisa at ayaw ko rin na tinutulungan ako ng iba. Iniisip ko lang kasi na makakaya ko ang lahat kahit walang tulong.
Nagdive na ako sa kama at mga ilang minuto lang ay nakatulog na rin ako.
|Kinabukasan|
"Belle ano ba naman itong ginagawa natin? At talagang sa may basurahan pa tayo nagtatago" ang baho lang talaga dito at hindi ko na kinayang hindi magreklamo. Ewan ko ba sa babaeng ito, stalker na ata. May sinusunda siya eh, sinama ba naman ako O___O stalker na rin ako? -.-
"Shhh! Ang ingay mo Yanna. Shh kana lang, okay?" siya, at pilit hindi humihinga. Nababahuan na rin siguro, aba naman eh bulok na basurahan ata ito eh. Amoy suka pa -.- no, mas malala pa run
Nanahimik na lamang ako at tumingin sa direksyon na tinitignan ni Belle. Hindi ko naman malaman kung saan siya nakatingin, pero siguro dun sa madaming tao. Ano nga bang meron dun?