Unang Pagkita

31 1 0
                                    

Nag bigay ka ng mga salita kung saan tayo magkikita. Kinuha mo pa yung number ko para matawagan mo ako pagka nandito na tayo parehas sa lugar na kung saan una tayong magkikita.

Excited na excited na ako noon kahit umaga palang kahit hapon pa tayo magkikita. E sino ba namang di ma e-excite kapag sa wakas makikita mo na yung taong palagi mong kausap diba ?

Pagpatak ng 1:30 ng hapon. Doon na ako kinabahan, kinakabahan na na e-excite. Wala pang ala una ng hapon tapos na akong mag ayos sa sarili ko. Alam mo na babae, kailangan mag ayos :) Kaya, papunta na ko sa venue kung saan tayo magkikita.

As expected, una ako sa venue natin, sabi mo kasi sa'kin na papaalis ka palang sa bahay ninyo. Kaya nag libot libot muna ako sa lugar. Napakaganda ng pinili mong lugar. Yung parang garden na sa dulo ay may river o dagat. Basta ang ganda talaga, di ko ma explain kung gaano ka ganda ang lugar na ito, na kulang nalang e dito na ako titira.

Umupo ako at nag hintay.

1:59 pm ...

2:00 pm ...

2:30 pm ...

Napangiti ako ng biglang may umupo sa tabi ko na binata na may napakagandang itim na ng-aakit na mata, may mahabang ilong, yung kutis may lahing american, basta kung e dedescribe kita ang masasabi ko lang ay 'PERFECT'.

Kaya ayon, nagusap tayo ng mga random na bagay lamang. Napakasaya ko non at nakita narin kita sa wakas. Nag yaya kang kumain kasi 6:00 pm na ng gabi at gutom kana, akalain mo ang tagal nating nag usap don sa lugar na yun. Pumunta tayo sa mamahaling restaurant na may magagandang ilaw na napapaligiran ng mamahaling bagay bagay. Kaya nasabi ko bigla sayo 'Naku mahal ata ang mga pagkain nila dito' nginitian mo lang ako at sabay sabi 'Chill kalang jan :) Wag kang mag-alala ako bahala' sabay ngiti.

Kumain lang tayo habang nag papalitan ng tanong sa isa't-isa. Matapos tayong kumain sabi mo 'Uwi na tayo, baka hinahanap kana sa inyo :) Hatid na kita :)'. Grabe kinilig naman ako dahil first time may mag hatid sakin sa bahay na lalaki. Pero syempre nag pa ayaw-ayaw naman pero wala din eh . Pinasakay moko sa sasakyan mo.

Hinatid mo ako ng ligtas sa bahay namin, nasa labas tayo at nag papaalam sa isa't-isa. Papasok na sana ako sa bahay ng nagsalita ka 'Ann, salamat at pumayag ka ha? Napakasaya ko ngayon, sa susunod ulit :)' napangiti ako at tumango. Pumasok ka sa sasakyan at nag paalam. Nandoon parin ako sa labas habang papalayo ng papalayo ang tanaw ko sa iyo.

MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon