Confession

19 1 0
                                    

Lumipas ang ilang araw na palagi tayong nag-uusap, madami na din tayong alam sa isa't-isa. Minsan pumupunta ka sa bahay namin, minsan naman lumalabas tayo, nanunuod ng sine, kumakain sa mamahaling restaurant, nag a-adventure sa mundong limitado lamang ang buhay ng tao. Kasama kita sa panahong iyon, sa panahon kung saan ko masasabing merong TAYO.

End of flashback ...

Ang ganda naman balikan yung mga panahong saan lagi tayong magkasama. Kung saan ayaw ko ng matapos. At sa panahong yun alam ko, alam na alam ko na meron na akong nararamdaman para sa iyo. Pero akala ko patuloy padin yung masasayang panahon na yun. Tama nga ako akala ko lang pala yun.

Past ...

Ilang taon na rin na lagi tayong magkasama, ganon parin ang ginagawa natin. Sabay tayong nabuhay sa masayang mundong tayo lang ang gumawa. Nagtext ka sakin na gusto mo akong makausap. Sabi mo may importante kang sabihin sakin. Di ko alam kung ano ang sasabihin mo. Kung masama ba ito o maganda. Hindi mo ako binigyan ng idea.

Nag kita tayo sa lugar kung saan tayo unang nagkita, kung saan una kitang nakilala, kung saan nahulog ang loob ko sayo.

Naghintay ako ...

Dumating ka ng may dalang napakagandang ngiti na naging dahilan ng pagkabuhay ng damdamin ko sayo. Umupo ka at iniharap mo ako sa iyo. Ewan ko ba sa sarili ko at ngayon pa ako nahiya sa katagal tagal nating magkasama. Siguro dahil ito sa nabubuong damdamin ko para sayo.

'Okay kalang ba?' sabi mo 'O-okay lang naman ako, ano nga pala yung sasabihin mo?' sagot ko naman.

Lumabas na naman ang nakakainlove mong mga ngiti. Napangiti ako. Pero sa bawat salitang inilalabas mo sa iyong bibig, unti unti ring nawawasak ang puso ko.

'Ann, pasensya na at di ko sinabi to sayo. Nahihiya kasi ako, di ko alam kung paano ko ito sasabihin ...

.
.
.
.
.

'MAY GUSTO AKONG LIGAWAN'

MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon