End

19 1 1
                                    


1 year after ...

Di ko matangap ang balitang umabot sakin. Ayaw kong maniwala, pero sabi ng puso't isip ko na paniwalaam ko yung balitang nagbigay sakin ng sakit, sakit sa pusong di na mawawala pa.

Papasok palang ako sa isang lugar, pa bigat ng pabigat ang damdamin ko. Halo-halo ang narinig kog iyakan sa lugar na aking pinuntahan. Papalapit ako ng papalapit, lumalabas dahan dahan yung luha kong gusto ng lumabas sa aking mga mata.

Nandito na ako sa harap kung saan ka nakahiga. Kung saan ang himbing ng tulog mo. Bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Di ko matangap ang nangyari :( Di na ulit kita makikita. Hinding hindi na kasi wala kana :'(

May lumapit sa akin na magandang babae na nasad 30 ang edad. Mama mo pala yun. May ibinigay siyang papel sa akin. Sabi niya galing yun sayo at pangalang ko ang nakalagay dito.

Binasa ko yung sulat na parang matagal tagal na sinulat.

Dear Ann,
           Hi ann :) Miss ganda :* Haha. Alam mo ba ang saya saya ko nong nag reply ka sa mga chat ko. Simpleng hello mo lang napapangiti na ako. At yung panahon na naging malapit na ako sayo. Di ko ma explain ang kasasayahan ko dahil naging malapit ako sayo. Grabe ang saya ko talaga. Pero alam mo ba yung panahon na nakipagkita ako sayo yung sabi kong may importante akong sasabihin?. Sorry ah. Naduwag kasi ako. Matagal na kitang gusto ann, noong di mo pa ako kilala, palagi kitang tinitignan sa malayo, palagi kitang sinusundan kung saan ka man pupunta. Basta gustong gusto kita ann. Matagal na. Pasensya kana talaga, naduwag kasi akong sabihin yun, nahihiya kasi ako sayo eh. Di mo din ako binigyan ng pagkakataong sabihin yung tungkol don sa sinabi ko, di ka na kasi nagpaparamdam :(. At isa pa natatakot ako :( Natatakot akong malaman mo na may sakit ako :( Yung panahong una tayong nagkita ? Hindi pa malala yung sakit ko. Kaya inilihim ko nalang. Pero noong panahon na di ka na nagpaparamdam sakin, ang sakit non ann :( dumaan ang mga araw, buwan, unti unting lumalala ang sakit ko. Di ko sinabi sayo yun kasi ayaw kitang isturbohin. Sorry ann ha ? Ang duwag duwag ko talaga eh. Basta mahal na mahal kita ann. At balang araw magiging tayo at mamahalin kita pang habang buhay :) I love you Ann :*

Love,
Joshua

MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon