Chapter 2
Zhavia Tuazon"Zhavia? What are you doing here?" Takhang tanong nito. She's the chairwoman, but also the owner of this school. Iyon ang pagkakaalam ko dahil binasa ko kagabi lang ang background nitong university. Pero nakakapagtakha dahil hindi naman siya ang Dean, bakit siya narito?
"Zhavia?" Muling tawag nito sa akin. Nagtatakha ba kayo kung bakit niya ako kilala? Well, siya lang naman ang fairy god mother ng buhay ko. Hindi siya ordinaryo at nagpapanggap lang siyang Tao. May misyon siya dito sa mundong ibabaw at ang misyon niyang iyon ay walang iba kundi ako. Ako na kinakailangan niyang protektahan dahil ako ang nag-iisang babae na tagpag-mana ng aming palasyo sa fantasy world!
Naniwala ka ba? Issaprank! Nakngtokwa, may naniniwala pa ba naman sa ganoong gawa-gawang kwento?! Bukod sa malabo ng mangyari 'yon ay malabo din akong maging prinsesa dahil mas bagay saakin ang kontrabida!
"Ms. Zhavia Tuazon?" Muling pagbabasa nito sa pangalan ko na nakadikit sa gilid ng uniporme ko dahilan para matinag ako at maibuka ko ang bibig ko.
"I.. I forgot to get my schedule po." Nauutal na sagot ko at pinunasan ang pawis ko gamit ang kamay ko nang maramdaman kong may tumulo sa gilid ng mukha ko. Nakakahiya naman, first day na first day ang haggard ko na agad. Kasalanan talaga ito ng pesteng kontrabida na baklang frog na 'yon, eh.
Takha naman akong tinignan ng chairwoman, "bakit parang pawis na pawis ka? Anong ginawa mo?" Tanong nito habang kumukuha ng tissue at tumayo sa swivel chair na kinauupuan niya.
Nagulat pa ako nang lumapit ito sa akin at idinampi ang tissue na hawak niya sa mukha ko para punasan ang mga pawis ko.
Agad naman akong napaatras, "h-huwag na po, ako na lang." Nahihiyang saad ko at kinuha ang panyo sa loob ng bulsa ko para punasan ang sarili kong pawis. Kakasabi ko lang, hindi ako mukhang prinsesa.
"Why? What's wrong? I'm-" my eyes automatically got widened when she was supposed to spill it. Spill the magic word! Omyghad, don't! Mamamatay ako kapag sinambit niya ang mga katagang iyon, dahil alam kong may sumpa ang salitang iyon at oras na marinig ko ito ay paniguradong malalagutan ako ng hininga! Chos! Kakabasa ko 'to eh.
"M-madam chair, alam ko naman po iyon. Pero, h-huwag niyo na pong sabihin, baka biglang may pumasok at marinig kayo." Natataranta kong saad habang palingon lingon sa pintuan. Nagtatakha kayo kung anong sinasabi ko? Dati ko kasi siyang amo dahil maid ako sa palasyo nila. Nakakahiya naman kung may ibang makarinig na 'Im your boss and you're just a maid.'
Bahagya naman itong natawa at napailing nalang dahil sa inaasta ko.
"Here's your schedule. First day of school, late ka. Just make it sure na hindi na ito mauulit bukas, okay?" Saad nito, napatango naman ako at kinuha ang schedule ko.
"Bakit ka nga pala tumatakbo?" Tanong nito na ikinatigil ko.
Shit, hindi niya pwedeng malaman na napasabak ako sa gulo huhu, mayayari ako nito!
"A-ah . . late na po kasi ako, kaya ayon nagtatakbo ako hehe." Palusot ko, tumango naman ito kaya nagpaalam na akong mauuna na.
Sumilip muna ako sa pinto para i-check kung andito pa rin ba sa labas ang mga asong humabol sa akin kanina, pero wala na akong nakita na kahit sino dahil tahimik na ang hallway. Kaya naman ngiting tagumpay akong lumabas ng office at prenteng naglakad patungo sa garden sa may likuran ng school.
BINABASA MO ANG
Season 1: Great Pretender
FanfictionMagaling ka bang magpanggap at magtago ng nararamdaman? Mahilig ka rin bang tumanggi sa mga katotohanang tungkol sa sarili mo? Ako si Zhavia. Lahat ay nagawa kong itago simula nang makilala ko ang dalawang tao na hindi ko alam kung ano ba talaga ang...