Chapter 5
Zhavia Tuazon"Ha? Si Haisley? Asan?" Tanong ni Perez, pero agad ko na siyang hinila patakbo paalis matapos kong damputin ang blazer ulit ni Syl sa lupa. Mabuti na lang ay hindi lang kami ang nakatayo nang magsalita si Sir Revoire dahil marami din ang mga estudyanteng nakatayo at busy kakahanap sa Haisley na 'yun.
"Aray naman! Bakit mo ba ako hinihila? Hindi ko tuloy nakita si Haisley, tss!" Iritang reklamo ni Perez nang makarating kami sa tapat ng hagdanan.
Phew! Muntik na 'yon!
Nanlaki naman ang mata ko nang isa-isang magsitakbuhan papunta sa direksyon namin ang mga estudyante.
"Umakyat na daw si Haisley, omg!"
"Asan na siya?"
Sari-saring tanong ang mga naririnig ko habang nag-uunahan silang mag-akyatan sa hagdan. Napalingon ako sa kabilang side ng hallway kung saan ay may hagdan din papaakyat. Marami na rin ang mga estudyante ang nag-uunahan na makaakyat kaya naman napahilot nalang ako sa aking sintido.
"Umakyat si Haisley? Bakit hindi ko nakita?" Takhang tanong ni Perez at lumingon-lingon pa sa paligid kung saan nag-uunahan sa pag-akyat ang mga Senior High.
Hindi ko na siya pinansin at lumihis na lang ng daan kung saan nakabukas ang fire exit. Nagsimula akong umakyat sa hagdan para makabalik na rin sa classroom. Ang akala ko pa ay hindi na susunod sa akin si Perez dahil busy rin siya kakahanap kay Haisley. Pero naramdaman ko nalang ang yabag ng mga paa nito papatakbo sa direksyon ko at sinasabayan ako ng lakad.
"Bakit dito ka din dumaan?" Nakangiwing tanong ko sakanya, tinutukoy ang fire exit kung saan ako dumaan paakyat.
"Mas maluwag dito at walang taong dumadaan." Tugon niya.
"Psh!" Singhal ko at nagtuloy-tuloy na lang paakyat.
"Hindi ko akalaing dito nag-aaral ang anak ng may-ari ng school na 'to." Hindi man sakanya nakatingin ay nakikita ko sa peripheral vision ko kung gaano kaganda ang ngiti niya sa labi habang nakapamulsa.
Tss.
"Ang malupit pa doon, she's also under the General Academic Strand!" Tuwang-tuwa na saad niya.
"Hahanapin ko siya, kapag sumali siya sa pageant ay sasali rin ako! Hindi ba nakakatuwa 'yon, panget?" Sa sobrang saya niya ay nagawa pa talaga akong itulak dahilan para muntikan na akong masubsob sa sahig habang naglalakad!
Anak ng potakte!
"Gago ka ba!" Malakas na singhal ko sakanya at agad siyang ginantihan ng sipa sa likod ng tuhod, dahilan para muntikan na rin siyang ma-out of balance.
"Ano ba!" Kunot noong singhal niya.
"Bakit ang hilig mong manipa?! Kabayo ka ba, ha?!" Kunot noong duro niya pa rin sa akin. Nginiwian ko naman siya.
"Hindi ako ikaw." Walang ganang sagot ko na ikinalaki ng ilong at mata niya.
"Ano?!" Hindi ko siya sinagot at nagtuloy nalang ulit sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Season 1: Great Pretender
FanficMagaling ka bang magpanggap at magtago ng nararamdaman? Mahilig ka rin bang tumanggi sa mga katotohanang tungkol sa sarili mo? Ako si Zhavia. Lahat ay nagawa kong itago simula nang makilala ko ang dalawang tao na hindi ko alam kung ano ba talaga ang...