Chapter 3
Zhavia Tuazon"One jumbo hotdog and one large apple tea, please!" Padabog na sambit ko sa sales lady nang makarating ako sa isang food stall. Agad naman itong tumango at nagmadaling kumilos. Saglit pa akong naghintay habang hinahanda nito ang order ko.
Hindi ko mapigilan ang mga kilay ko na magkasalubong dahil sa nangyaring sagutan namin ni Perez kanina. Grabe, unang araw ko pa lang ngayon ay hindi ko alam na ganito ang mae-encounter ko. Hindi naman ako na-inform na may makikilala pala akong isang mayabang na PEREZ na mukhang sisira sa isang buong taon na pananatili ko sa LIU. At mukhang hindi rin ako sigurado kung magtatagal ba talaga ako.
"Here's your order, Ma'am!" Nabalik ang atensyon ko sa sales lady nang ilapag na nito ang order ko. Kaya naman agad ko ng iniabot ang bayad ko at tumalikod na para umalis.
"Ma'am, sukli-"
"Keep the change!" Tugon ko pa rito nang hindi ko napansin kung magkano ang naibigay kong pera dahil gusto ko na agad umuwi. Ayoko ng mag-stay rito sa mall dahil baka makasalubong ko na naman ang asungot na 'yun.
Nakakainis, bakit ba hindi maalis sa utak ko ang mukha ng lalaki na 'yon?
"Hindi mo ako kilala, kaya huwag mo akong sinusubukan."
Napanguso na lang ako dahil sobrang seryoso talaga ng pagmumukha niya nang sinabi niya 'yon. Bakit ba? Sino ba siya? Anak ng presidente ng pilipinas?
Ah, bahala siya!
Saglit kong sinilip ang phone ko para sana i-check ang oras, pero agad na nanlaki ang mata ko nang makitang pasado ala-singko na.
"Paniguradong papaulanan na naman ako ng sermon ni Kuya, hays!" Nagmadali akong nag-book ng grab para makauwi ako agad. Kanina pa din ako ikot ng ikot at hindi ko alam ang mga pinagbibili ko dahil wala sa wisyo ang takbo ng utak ko.
Ilang minuto pa akong naghintay at sa wakas ay dumating na rin ang driver ko.
Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang hindi mapakali, dahil bukod sa nag-iisip ako ng pwedeng ipalusot kay Kuya kapag nahuli niya akong late na nakauwi ay nababagot na din ako kakahintay dahil nakapaka-tagal ng biyahe!
Bakit ba bumabagal ang oras kapag hinihintay? Anak ng tipaklong. Pero hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa bahay namin.
"Salamat Manong!" Hiyaw ko matapos kong iabot sakanya ang bayad at agad na nagtatakbo papunta sa backdoor ng bahay para hindi malaman ni Kuya na late akong umuwi. Parang kagabi ay ito rin ang ginawa ko ah?
Well, Kuya is really strict as hell na kailan man ay hindi ko malusutan kapag na sa ganito akong sitwasyon. Swertehan na lang kung siya talaga ang wala sa bahay at mas late pa kung umuwi sa akin.
"You're late."
"Ay anak ng late!" Wala sa oras na napahawak ako sa dibdib ko at halos atakihin na sa puso dahil sa gulat nang magsalita si Kuya mula sa gilid ko nang makapasok ako sa pintuan ng backdoor.
"Sabi na nga ba, dito ka dadaan." Umiiling na sambit nito.
"Kuya naman . . bakit ba nanggugulat ka diyan? Aatakihin ako sa puso sayo eh," nakangusong saad ko.
BINABASA MO ANG
Season 1: Great Pretender
FanficMagaling ka bang magpanggap at magtago ng nararamdaman? Mahilig ka rin bang tumanggi sa mga katotohanang tungkol sa sarili mo? Ako si Zhavia. Lahat ay nagawa kong itago simula nang makilala ko ang dalawang tao na hindi ko alam kung ano ba talaga ang...