Prologue

118 1 6
  • Dedicated to sa pinakunang tao na pumuri sa sulat ko
                                    

Whew! siguro naman makakaget over na ako sa update kong nabura. haha dahil tuluyan ko na siyang binura :P ipupush ko ang story na to, kahit mahirap.. bahala na :P

hindi ako writer na nagpapavote or comment dahil ayoko ng sapilitan. hahaha! ayun lang *bow*

PROLOGUE

Anong pakiramdam ng “In a Relationship” ang status mo sa life?

Ang sabi ng mga kaibigan ko, masaya daw kasi may nag-aalaga, may kalandian, may magtetext sayo bago ka matulog sa gabi at may sweet messages kang matatanggap sa umaga, may magpapatawa kapag malungkot ka, may magpapatahan kapag umiiyak ka at higit sa lahat masaya kasi alam mong may nagmamahal sayo.

Para sa akin naman, hindi ko alam ang pakiramdam dahil sa dalawampu't tatlong taon kong pamumuhay at pamamalagi sa mundong ibabaw ay ni minsan hindi ko pa naranasan ang magkaboyfriend o sabihin na nating hindi pa ako nahuhulog sa makamandag na virus ng pag-ibig.

Kasama ako sa mga babaeng NBSB (No Boyfriend Since Birth) at SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko) naman tuwing pasko.

Hindi ako panget, hindi rin may itsura lang. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero talagang maganda ako at hindi lang maganda cute din. Matangos ang ilong, singkit ang brown kong mata, rosy cheeks at natural red lips, mahaba ang buhok ko na may natural na kulot sa dulo.  Hindi ako mataba at hindi rin payat, sentro lang, sexy.  Nakuha ko raw ang malaperpekto kong itsura sa tatay ko pero sabi naman ng iba kamukha ko ang nanay ko.

Mabait ako sa kung sa mabait, mapili ako sa kinakaibigan ko, matalino ako, madiskarte sa buhay, magaling ako sa mga bagay-bagay dahil inaral ko ung mga bagay na nakapukaw sa atensyon ko, masayahin naman ako at palatawa pero  prangka ako at may pagkamataray sa una. Sa antas naman ng buhay, simpleng mayaman kami. Pinasok na ata ng mga magulang ko ang lahat ng business na pwedeng pagkakitaan ng malaki maliban sa illegal business.  

Bakit wala ka paring boyfriend kung halos perfect ka na at parang wala ng hahanapin pa sa iba ang magiging boyfriend mo?

Dahil sa mga sumusunod:

1.    Hindi ako naniniwala sa love kahit pa napakasweet sa harap ko ang mga magulang ko.

2.    Ayoko sa mga lalaking magdedemand ng kung ano ano sa girlfriend nila.

3.    Hindi ko man maamin pero takot akong masaktan, baka magkadanakan ng dugo.

4.    Lastly, wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid sa akin maliban sa mga tinuturing kong kaibigan at sa pamilya ko.

Handa ka bang ma-inlove?

Oo naman, pero ang totoong tanong, may lalaki bang makakakuha ng puso ko.

Does love really exist? (On Hold~)Where stories live. Discover now