Chapter 1 - The Meet Up

83 3 6
                                    

dahil siya ay aking new friend ^_____^ wala lang. :P

CHAPTER 1

Sophia Vara POV

Starbucks:

“I’m already here Mom. After 15 minutes kapag hindi pa dumating yung Jin Altamerano na sinasabi mo, aalis na ako. Pinagbigyan lang naman kita………No Mom, you know me, ayoko ng naghihintay ako………Patience?! Mom naman.. on the first place ayoko nito………Stop the drama Mom, ok ok. Yes, I know. I’m already used to that kind of drama of yours and I’m telling you hindi na yan uubra sa akin………Yeah, I’ll just text you later after I’m done here. Yup, don’t worry I’ll be good but make sure it’ll be the last. Yes, yes, alright bye bye. Yeah I love you too Mom.”

Gawd~ I hate you as well as I love you Mom. Psh Talaga bang binubugaw na nila ako sa kung sinong Pontio Pilatong anak ng mga kasyosyo nila? Tsk

“Strawberries & Cream for Ms. Sophie”

Tumayo ako at kinuha ang order ko then bumalik sa kinauupuan ko.

“Ayoko na sa lalaking yun! Manloloko siya Marge! Huhuhuhuhu” pagsisintir ng isang babae sa malapit na table mula sa akin pero dahil sa lakas ng boses niya rinig talaga siya.

“Darah antagal ko na kayang sinasabi yan sayo, ngayon mo lang napagtanto?” Iritable pero patuloy pa rin sa pagpapatahan ang kasamang kaibigan nito.

“Ang tanga ko, ang tanga tanga ko talaga! Paulit-ulit na lang. nakakainis!” sabay bunghalit ng iyak nito.

“Hello, honey, I’m here sa SB na……… Oh! You’re coming na? ……… Yeah, I’ll surely wait for you ……… I love you more, mwa!” rinig ko mula sa babaeng dumaan sa table ko.

*PAK* “woah!” sabay-sabay na sabi ng mga nakakita sa pagsampal ng babae sa boyfriend siguro niyang nagtataksil.

“Ang kapal rin talaga ng mukha mo no? Tinanggihan mo ko sa date, para ano? Para magsama kayo ng kalandian mo? Pambihira naman Andrew! Napakawalang kwenta mo talaga!” sabay walk out ng babae at sunod naman si lalaki.

“Say aaaaahhh… sige na sweetie… don’t mind them. Swerte ka sa akin eh, hindi ako nambababae” proud na sabi naman ng lalaki sa kabilang table .

“Eh ano ung nabasa ko sa FB mo? Ung Bianca. Idol pa ahh.” sagot ng girlfriend nung lalaki.

“Hehe. Wala un sweetie.”

“Psh. Ano ba naman tong mga taong to, dito pa talaga nagsigawa ng eksena.tsk puro problema.” Pabulong na sabi ko at nagtuloy na sa pag-inom ng frappe ko.

“Excuse me Miss, anyone seating here?” Napataas ako ng tingin sa lalaking kumakausap sa akin at di ko napigilang taasan ito ng kilay sabay palinga linga na tila may hinahanap.

“Excuse me din Mister, pero kita mo iyon? Eh iyon? Tsaka iyon?” turo ko sa mga bakanteng mesa.

“Yeah, bakit?”

“Wala naman, akala ko bulag ka.”

“Haha! Nakakatawa ka Miss. By the way, I am Jin, Jin Altamerano.” Sabay abot ng kamay niya na pang shake hands. Jin Altamerano? Ahh ung i-meet ko pala, so eto pala siya. Well, hindi na masama, gwapo at mukhang successful naman na. Tinignan ko lang ung kamay niya.

“Maupo ka na, ikaw pala ang hinihintay ko.” Binawi naman niya ang kamay na nakalahad at umupo sa bakanteng silya sa harap ko.

“That was rude! Anyway, ikaw si Sophia Vara Lopez-Sy, the precious daughter of Mr. Sy.”

“Uhm. Yeah, definitely.”

“Alam mo maganda ka sana kaya lang ang sungit mo.” Napasmirk ako sa sinabi niya.

“Alam kong maganda talaga ako pero alam mo ba na ayaw ko sa mga kabaro mo except sa tatay ko at sa best friend kong bading.” Prangka ko nang sabi sakanya.

Nagulat man sa sinabi ko agad din siyang nagsalita. “Would you mind if I ask why?”

“It’s none of your business Mr. Altamerano.”

“Kung ganun naman pala, eh bakit ka pa pumayag sa meet up na ito, well if you would ask Ms. Sy you’re already hurting my ego.” Halata ang inis sa tono ng pananalita nito, maging sa ekspresyon ng much nito.

“I don’t mean to hurt you or your ego but what I’ve said is just a fact and as for your question bakit ako pumayag? Well, gusto ng Mom ko na makipagmeet ako and they keep disturbing me for this meet up. Ayoko naman sana eh kaya lang everytime na tatanggi ako my Mom always cry in front of me. So do you think I have a choice?

“Ahh, I see.”

“It would be better if you’ll understand.” Tahimik lang siya at tinitignan ako.

“Oh! I think I better go now, if you wouldn’t mind. I have a meeting at 1pm and I hate being late. So it’s just nice meeting you Mr. Altamerano.” Inalok ko ang kamay ko para makipag shake hands pero tinitigan niya lang to kaya binawi ko na at nagsmirk sa ginawa niya.

Naglalakad na ako palabas nang humarap ulit ako sa kanya “One more thing Mr. Altamerano, ang pinakahate ko is pinaghihintay ako kaya ayoko ng mga taong nalalate and for your case awhile ago, you’re late for about a minute or two.” I just smile then walk away.

Ako si Sophia Vara Lopez-Sy, isa akong Accountancy Graduate at isa na akong CPA (Certified Public Accountant) at president ako ng isa sa mga kompanyang tinaguyod ng tatay ko, ang SVLS Corporation na taagang balak ipamana sa akin.

Tawag sa akin ng mga “close” friends ko ay Sophie at Vara naman sa parents ko. 23 years old at maliban sa pagiging president ng company kumukuha ako ng masteral degree sa Ateneo De La Salle University. 

Hindi naman sa man-hater ako, ayoko lang talaga sa karakas ng mga lalaki. NBSB ako at pinag-aalala iyon ng mga magulang ko kaya kung sinu-sinong Poncio Pilato ang pinapameet sa akin. Matanda na daw ako kaya pwede na ako magboyfriend. Psh

Mahilig ako sa party, bar hopping, shopping, clubbing and the like pero if ever may lalaking fflirt sa akin.. hindi ko pinapansin.. it’s for their own good.

May 8 nga pala akong kaibigan, all girls group kami and ang muse namin ay ang best friend kong gay which is among all of them ay pinaka pinagkakatiwalaan ko. Sshh hehe

Magandang cute ako, sexy, mabait, matalino, madiskarte at MAYAMAN (obvious naman sa surnames ko di ba?)

Isa lang ang alam ko at tatandaan niyo ring lahat. I DON’T BELIEVE IN LOVE AND I DON’T HAVE TIME TO CHANGE IT.

Does love really exist? (On Hold~)Where stories live. Discover now