Broken Pieces

766 9 0
                                    

Laurent's POV

"Lau! Hey, are you okay?!" Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Tayler iniwas ko ang paningin ko sakanya at pasimpleng nagpunas ng luha.

"Okay lang ako, may naalala lang" tipid akong ngumiti sakanya at nagpatuloy sa paglalakad para makahanap ng bakanteng upuan.

Nasa isang mall kame ni Tayler, wala kasi kameng klase ng 3 oras kaya naisipan namen na maglibot muna at pumunta sa isang kainan na nakita namen sa facebook na laging pinupuntahan ng mga kabataan ngayon. Kakaumpisa lang ulit ng klase ng second sem nasa pang apat taon na kame sa kolehiyo parehas kameng psych student, at sa loob ng 6 na buwan naging hilig na namen magpupunta sa mga ganitong lugar mga bagong kakainan at mga bagong lugar.

Mga bagong kailangang kailangan ko sa mga panahong ganito.

"Lau here" sigaw ni Tayler at tamang paglingon ko ay nag tama ang mga mata namen.

Tadhana. Isa ka talagang mapaglaro, kung kailan kailangang kailangan makalimot tsaka mo pipiliting makaalala.

Napatitig ako sa mga mata niya ngunit hindi ko mabasa ang mga reaksyon neto bukod sa blangkong mukha ay blanko din eto.

Dati lagi kong nakikita ang saya sa mga matang yan sa twing magagawi saken.

Dati.

Iniiwas ko ang tingin ko sakanya at ngumiti kay Tayler at itinuro ang upuang napuntahan ko na nasa bandang teresa ng kainan. Tumango naman siya at pumunta na saken.

Bumuntong hininga ako at pilit ngumiti kay Tayler.

"Anong gusto mo? My treat!" Pilit kong pinasigla ang boses ko.

"Anong treat mo?!" Natatawang tanong saken ni Tayler "When did I let you pay for us?" Ginulo niya ang buhok ko habang nakangiti saken.

Bat hindi na nga lang kaya ako magkagusto sa kung sino ang nasa harap ko.

Sa kung sino yung andyan para saken.

Sa kung sinong nararapat para saken.

"Stop staring at me!" Seryoso niyang sabi "baka isipin kong gusto mo na din ako" ngumiti ulit siya, nagpanggap naman akong natawa.

May mga menu na nakadikit sa bawat mesa kaya naman pagkatapos kong mamili ng para saken ay tumayo na si Tayler para umorder, nagawi ang paningin ko muli sa kinauupuan niya at bago niya pa akong mahuling sumusulyap pilit ko nang nag iwas ng tingin. Ayoko nang kainin ng sakit at lungkot maging ng pagsisi kung bakit hindi ko man lang nagawang ipaglaban kung ano man ang nararamdaman ko para sakanya, kung ano mang meron kame.

Pagsisi. Bakit ba lagi ka na lang dumadating sa huli?

Bumuntong hininga ako at inilabas ang cellphone ko.

I choose to start over after all wala naman akong magagawa, its my destiny I choose this path and there's no turning back. I log in to my facebook account again. After 6 months Ngayon ko na lang ulit bibisitahin eto.

Samuel Antonius Marquez post:

Happiness will soon finds me.

I close my eyes after seeing his post and counted from one to ten.

1

2

3

Every little thingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon