Past

656 11 2
                                        

Laurent's POV

Oh my god! "Oh my god!!" Medyo pasigaw kong sabi sabay hampas kay Julia.

"Aray ano ba!" Angil niya saken, napayakap ako sakanya sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

"Ano bang nanyayari sayo Lau?!" Parang inis pa ring tanong niya saken.

"He just send me a friend request!!!!" Masaya kong iniharap ang phone ko sakanya at sabay kameng napatili.

"Come on! Accept his friend request! What are you waiting for?"

"Gusto ko muna damhin yung kilig ko bes! Pwedeng wait lang?" Natawa naman siya at hinablot bigla ang phone ko at ini-screenshot yung ayaw kong mawala sa paningin ko.

"There you go.. Have the privilege to accept him" nakangiti kong pinindot ang accept box sa screen ng phone.

Samuel Antoniuos Marquez.. My long time crush just added me on facebook. Grabe its like having your dreams for the first time. Lagi ko lang kasi siyang natatanaw sa malayo. I first saw him nung inaya ako ni Julia na mag audition sa cheering pero pinangunahan ako ng hiya kaya siya na lang yung pina audition ko and then it was also the try out of our basketball team and then.. There he was smiling while talking to his friends.

Natanggap si Julia sa cheering at dun nagsimula ang oplan knowing crush at first hindi ko masabi kay Julia na may crush ako at nahuli na lang naman niya ako dahil parati ko gustong sumama sakanya sa court kaya napaamin na lang din ako na crush ko nga siya. She once tried na iintroduce kame sa isa't isa but I was so shy na hindi ako pumunta sa victory party.

And then this happen, a friend request from him after 1 year of fangirling. He noticed me kasi kahapon dahil ako yung photographer sa intrums namen. Im a pysch student but photography was my first love.

Hinihintay ko yung driver namen ng maisipan kong mag online ulit. Scroll down, like then biglang nag pop yung picture ni Samuel, he sent me a message.

Sam: Hi

Gusto ko ulit magtitili pero nakakahiya, bat kasi ang aga ng uwi ni Julia ngayon?

I nervously typing my simple Hello to his chat.

Sam: Thanks for accepting my request.

Magrereply na sana ako ng may message nanaman siya.

Sam: can i see the photos of last day intrams? Feeling ko hindi ako ganun ka hunky dun. Hahahaha

Me: yes sure.

And then I start sending him the photos I saved to my phone except syempre yung solo pics niya. Nakakabwisit feeling ko yung pictures lang talaga yung dahilan niya ng pagsesend ng friend request! Hmp!

Me: there you go. All done 😊

Sam: Where's my solo pics? Hahaha akala ko naman marami akong solo, I always caught you pointing the lens at me 😜😜😎

I almost fell sa inuupuan ko ng mabasa ko yung reply niya agad kong pinatay yung data ko at humawak sa dibdib ko na sobrang lakas sa pagkabog. Syet! Napansin niya yung ginagawa ko!

Tahimik ako buong biyahe pauwi samen, taking my emotions all in hindi pwedeng mapansin nila mama na may iniisip ako dahil wala akong magagawa kundi umamin.

I have a kind of family na parang kasalanan magkaroon ng emotion, bawal ang sobrang saya at lalong bawal ang magpakita ng lungkot. Kaya nga laking pasasalamat ko na naging kaibigan ko si Julia dahil nailalabas ko yung pinipigilan kong kulit sa bahay. I have three siblings pero hindi naman kame masyadong close.

Every little thingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon