Prologue

243 19 2
                                    

Year 2000,

Isang simpleng Agency Company ang nagbukas.

YAEF's Agency, Your Ablepsia Effect Fear. Simpleng ahensiya na nagbibigay pag-asa at nagbabago sa buhay ng isa't-isa.

"Bawat isa sa atin ay hahantong sa isang mabigat na problema. Problemang maaaring magpabago sa bawat isa. At magtulak para gumawa ng kamangmangan..."

Unang walong taon matapos mailunsad ang Agency, ay nakapagbigay sila ng magandang buhay sa bawat kliyente o pasyente. Natulungang lutasin ang problema ng mga nakasama.

"...suicide is a permanent solution for a temporary situation, sabi nga."

Despite of being on top, and having an uncountable responses. Their agency is still a secret.

"Nakakalungkot isipin na ang mga mahal natin sa buhay ay makikita nating nahihirapan at nasasaktan. Tama ba?"

Pili lang ang pinupuntahan nila. Pili lang ang tinutulungan. Pili lang ang iniimbita. Mapipili ka kaya?

"Maraming bagay ang hindi nagagawa dahil sa pagkitid ng utak. Maraming mga obligasyon ang natatalikuran. Maraming oportunidad ang nalalampasan. Wake up! Kailangan na nating makisabay sa agos ng buhay."

Pero sa likod ng kanilang unang walong taon, ay lumabas ang kanilang tunay na hangarin.

"It's your choice, kung hahayaan ninyo ang munting kaibigan na matangay sa agos ng buhay at tuluyang malunod, o 'di kaya ay ang turuang lumangoy ng makasabay."

Muling nagbubukas ang kanilang ahensiya. Taong 2017, matapos ang walong taon ng pagbango ng kanilang pangalan. Nagbubukas para sa mga bagong pasyente. Nagbubukas para sa iyo.

"Kayo na ang pumili, kayo na ang magpasya. It's all yours."

Ang mga taong sumumpang tutulong ay siyang mga taong sinumpa ng mga anino.

"Kung kaya't naririto ang aming ahensiya upang maglingkod at magbago ng buhay ng isang inosente. We are here to grant your wish."

Aling kahilingan nga ba ang kanilang tutuparin? Kahilingan ng taong magmamahal sa'yo o ang iyong sariling kahilingan?

"Your Ablepsia Effect Fear. Let us, make them to live their life."

Sa paanong paraan ba nila bubuhayin ang buhay mo? Sa paanong paraan ba masasabi na buhay ka?

Ngayon, paano mo tatakasan si Kamatayan na minsan mo nang hinabol?

"Gusto ko nang mamatay..."

"Be careful on what you wish for."

Sa pagsama ninyo, lalabas ang isang genie-ng may pares ng paa, at may anino ng tao. Narito siya para sundin ang iyong nais.

"What is your wish, again?"

PSYCHO GENIE

Psycho GenieWhere stories live. Discover now