[FILE B.5]
"Ako na ang kakausap sa kanila."
Tumango lang si Hope sa sinabi ni Conception, bago tiningnan muli ang mga nakasulat sa folder.
"I think, sabihin mo nalang kay Madam na sina Kevin muna ang sumundo sa lima. Masyadong magkakalayo 'tong mga 'to. Hindi natin matatapos ngayong araw."
"Ilan ba 'yan?"
Nasa loob muli sila ng van, sasakyang ginamit nila kahapon nang sunduin ang mga nasa File A.5, si Conception ay nakaupo sa backseat katabi ni Hope. Ang nagmamaneho naman ay si Uno, nasa passenger seat naman si Dos.
"Sampu ulit. And this is the file B. Meaning, all boys."
"Tss."
Isinuot ni Conception ang earphone niya, bago nagsalita.
"Kailan ang welcoming day?"
Napairap naman si Hope nang maalala ang Welcoming Day.
"Bukas."
"Ibang klase talaga kung mang-utos si Madam."
"Baliw nga kasi."
Napatawa ito nang mahina habang umiiling.
"Sa tingin mo, huli na kaya ito?"
Napatigil sandali si Conception nang magtanong si Hope.
"Sana, pero kasi matagal na 'tong plinano ni Madam. Kaya hindi 'yun papayag na magiging huli 'to. Besides, nag-uumpisa palang tayo."
Bago ito sumandal at pumikit.
=|=|=
"Ate, hindi kita pinapakialaman sa buhay mo! Kaya 'wag mo rin akong pakialaman sa buhay ko! Buhay ko 'to!"
"Xelion! Kapatid kita! Sa ayaw at sa gusto mo may pakialam ako, kasi kapatid kita!"
Humahagulgol na nagpapaliwanag ang kapatid ni Xelion. Ang kapatid ni Xelion Cruz.
"Please lang, hindi naman kita naiistorbo di'ba? Hindi naman kita nabibigyan ng sakit ng ulo di'ba? Hayaan mo nalang ako."
Para bang nagmamakaawa na ang dating nito.
"Xelion, hindi 'yung pang-iistorbo mo 'yung punto ko rito! Ang sakin lang gusto ko, bilang ate mo na tumuwid 'yang buhay mo!"
"Ate, ate ayoko. Ayokong sumama sa kanila. Malaki na 'ko. Alam ko na 'yung ginagawa ko."
Kinuha ni Xelion ang nakahanger niyang jacket na nakasabit sa likod ng pinto, bago sinuot. Lalabas na sana ito ng hawakan naman ni Dos.
"Ano ba?! Lintek, bitawan mo ko kapre!"
Ngayon naman pati si Uno ay nakahawak na.
"Ano ba?! Lintek, bitaw sabi eh!"
Hindi siya pinapansin ng mga ito. Kaya naman sumagot na si Conception.
"Pano po iyan, aalis na kami Miss. 'Wag kayong mag-alala mukhang madali namang maturuan etong kapatid n'yo at makakatanggap kayo ng buwanang resulta ng kanilang kondisyon."
"Aba tarandato 'to ah! Anong pinagsasabi mo?!"
Nagbow lang si Conception sa kapatid nito, bago naunang lumabas sa kanilang bahay.
YOU ARE READING
Psycho Genie
Mystery / Thriller"Be careful on what you wish for."-Psycho Genie Paano kung ang minsan mo nang hinabol, ay ang s'yang humabol sa'yo ngayon? Magpapatangay ka ba o aalis sa mga bisig nito? "Ano nga ulit ang hinihiling mo?"