[FILE A.5]
"Bitiwan mo ko! Bitiwan niyo ko!"
Hindi natinag ang mga humahawak sa kaniya para isakay sa itim na van.
"Ano ba?!"
Sinisiko na niya ang dalawang nakaitim na suit, para lang makaalis.
"Shit! Bitaw sabi eh!"
Ngunit, hindi siya pinapansin, hanggang sa pilit siyang isinakay sa loob ng van.
"Kayo na po ang bahala sa anak ko."
Isang matamis na ngiti ang namuo sa labi ni Elizabeth Hope Agati o kilalang si Faith ng kanilang mga kliyente.
"Makakaasa kayo, Mrs. Calli, pagkabalik naman rito ng anak n'yong si Cza ay marunong na siyang magpahalaga sa tunay na mundo."
"Salamat. Salamat."
Unti-unting tumalikod si Hope sa ina ni Cza na yakap yakap ng isa pa nitong anak.
Bago s'ya pinagbuksan ng pinto ni Conception.
Sumakay naman ito sa passenger seat at kaagad na umupo.
"Cza, anak!"
Narinig pa nila ang sigaw ni Mrs. Calli, bago makasakay si Conception.
"Paalisin niyo ko rito! Pababain n'yo ko rito!!!"
Tumingin si Hope sa rear view mirror bago tiningnan ang lalaking nakahawak kay Cza, at sumenyas. Sa isang iglap lang, tinurukan na ng syringe ng lalaki si Cza.
"Aray! Ano ba?! Aahh!!"
Unti-unting napapikit si Cza at unti-unting tumahimik ang loob ng van dahil sa itinurok na pampakalma.
Kagagaling lang nila sa bahay ng mga Calli, para kunin ang pagay nila. Si Mrs. Calli ang nagpasya at nakiusap sa kanila para kunin si Cza, para kunin ng YAEF's Agency, ang anak niya, dahil umaasa siya na matutunang mahalin ng isang magandang dalaga ang sarili niyang buhay. Base sa ipinangakong serbisyo ng YAEF's Agency.
"Tss. Nagpapakamatay s'ya, pero tusok palang ng karayom nabibingi na tayo sa sigaw n'ya. Ibang klase. Baliw."
Umiling iling lang si Conception na nagmamaneho.
Lima silang nasa loob ng van, si Hope, si Conception, ang dalawang lalaking 'men in black' at si Cza.
"'Wag kang high blood. Isa palang 'yan, may siyam pa tayong susunduin."
Napairap si Hope. Siyam pa. Siyam pa ang susunduin nila.
"Bakit kasi kailangang ibigay kaagad natin ito kay Madam?"
"'Wag ka ng magtanong, alam mo namang excited maglaro ang matandang 'yon."
Ang kaninang inis na mukha nito ay napalitan ng pag-ngisi.
"Sabagay, nakaka-excite maglaro 'yun."
Unti-unti itong lumingon sa likuran niya, kay Cza.
"Ikaw kaya, makakaya mo bang takbuhan ang taya? Makakaya mo bang takbuhan ang kamatayang hinahabol mo?"
Natawa lang si Conception, bago pailing-iling na kinausap ang kasama.
"Baliw ka na talaga, pinatulog na 'yan ni Uno paano 'yan makakasagot sayo?"
Si Uno, ang nagtusok ng syringe rito.
"Tss. I just imitating some villain."
"But you're not a villain, you're just an assistant of that villain."

YOU ARE READING
Psycho Genie
Mistério / Suspense"Be careful on what you wish for."-Psycho Genie Paano kung ang minsan mo nang hinabol, ay ang s'yang humabol sa'yo ngayon? Magpapatangay ka ba o aalis sa mga bisig nito? "Ano nga ulit ang hinihiling mo?"