P.G. 01

64 4 0
                                    

Isa-isang ibinaba ng mga tauhang nakasuot ng iba't ibang uri ng maskara ang mga nakasakay sa mga itim na van na nasa tapat na ngayon ng isang malaking village.

Sumalubong sa mga pasyente ang isang malaking arko na naglalaman ng pangalan ng lugar na kanilang papasukin, "Your Ablepsia Effect Fear".

Mayroong walong mga itim na van ang nakahanay sa labas ng village, ang bawat isang van ay naglalaman ng sampung pasyente.

Sa pagbaba ng mga pasyenteng nakasuot ng puting damit sa kanilang sinakyan ay sari-saring mga reaksiyon at ekspresyon ang kanilang ipinakita. May mga kinakabahang sumunod sa mga tauhang nakamaskara, at mayroong natatakot. Ngunit hindi rin mawawala ang mga sumisigaw at nagwawalang mga pasyenteng sapilitang inirehistro ng kanilang mga pamilya. Mayroon ding iba na tahimik na sumusunod sa tauhang nakadestino sa kanila. Ang iba naman ay walang pakialam na pumapasok, nang hindi pinagmamasdan ang paligid at ang kanilang bagong tahanan.

Habang humahakbang papasok sa loob ng village, makikita na nila ang limang bahay na nakahanay sa kanan, ganoon din ang lima pang bahay na nakahanay sa kaliwa. Pare-parehas ang disenyo ng mga bahay, hindi ganoon kalaki at iisang palapag lamang ngunit mapapansin ang kulay abo na disenyo nito.

Napapansin na'rin ng ibang pasyente ang layo ng bawat bahay sa isa't-isa. Naglalakad sila sa pagitan ng kanan at kaliwang bahay, papunta sa dulo ng mga bahay kung saan makikita ang isang stage na may mga itim na kurtina at kulay ube na mga bulaklak sa paanan ng entablado. May mga upuan ding nakahanay sa tapat ng entablado. Upuan para sa mga pasyente. Isa itong bakal na kulay itim. Wari ba ay hindi lamang ordinaryong upuan.

Bawat row ay naglalaman ng sampung upuan, at ang lugar ay naglalaman ng sampung row.

May ilang pasyente nang umuupo sa kanilang mga upuan na naglalaman ng mga numero, numero na nakabatay sa kanilang bilang na nakatatak sa kaliwang bahagi ng kanilang puting damit.

Maya-maya lamang ay dumating na ang dalawang huling itim na van, na kumumpleto sa bilang ng mga pasyente. Sa ikasampo na van, bumaba ang sampung lalaking tuloy-tuloy na pumasok sa pangunguna ng tauhang nakamaskara nang kulay asul na may kulay ng puti. Ang tauhang ito ang sinusundan ng sampung kalalakihang papasok sa village.

Samantalang sa ikasiyam na van, ay bumaba ang isang tauhang may blangkong maskara, at sumunod rito ang sampung kababaihan.

"Ms. 081, dito ang direk-" Kaagad na tinabig ng isang babaeng may kulot na buhok, ang pagkakahawak sa kaniya ng tauhan, at saka naguguluhang nagtanong.

"081? Anong 081?! May pangalan ako. Ako si Abinizelle. Hindi ako preso para tawagin sa numero." Sinabi nito sa tauhang kaharap, ngunit nawalan ng pagkakataong magsalita ang tauhan nang lampasan ni Abinizelle.

"A-aray." Daing ni Devianne nang muntik nang mapaupo sa semento, mabuti na lamang at nasalo siya ni Meisha.

"Humawak ka lang, i-ga-guide kita." Nakangiti nitong sinabi kay Devianne na may walking stick na pansuporta.

"S-salamat."

Magkasunod ang dalawang nahuling grupo na pumasok sa village, kaunti nalang din ang bakante sa mga upuan, kung kaya naman kinakabahan na ang dalawang nahuling tauhan, ang nakamaskara ng kulay puti na may halo ng kulay asul, at ang isa na nagsusuot ng blangkong maskara.

"Umalis ka diyan." Sa ikapitong row mapapansin ang isang lalaking punong-puno ng tattoo ang braso na nagpapaalis sa isang lalaking nakaupo sa upuan na para sa kaniya.

Psycho GenieWhere stories live. Discover now