Caleigh Ferrer & Vash Boulstridge

1.8K 29 2
                                    

Vash's POV

Tumingin ako kay Lee na nasa harap ko, at seryosong seryoso siya na nakatingin sa barahang hawak niya. Paglingon ko naman kay Lampe, amputs, yung mga ngisian eh mukhang hindi mo mapagkakatiwalaan. Hindi ko na nilingon si Lerwick dahil baka kung ano ano na namang nakakadiring bagay ang sabihin nyan pag tiningnan ko sya.
Tumingin na lang ako sa baraha na hawak ko. Takte, mukhang matatalo pa yata ako ah. Tss.

"Hello sa inyo Vash, Jacob, Kaizer at Sebastian!" napalingon naman ako kay Miss Aemie, at simula ng bumalik si Bullet ay iba na ang ngiti niya. Aba, siguro naman 'no. Nakita namin ang tindi ng paghihirap ng kalooban nilang mag asawa sa pagkawala ni Bullet.

Kaya ayan, sigurado akong sobrang saya nila. Lalo na si Miss Aemie.

"Yo Miss Aemie! Gusto mo sumali?" aya ni gagong Lerwick kay Miss Aemie.
Parang nakita ko naman na kumislap ang mga mata ni Miss Aemie. Pft.

"Wow! Naglalaro pa din kayo nyan? Hehe. Naalala ko dati, diba naglaro din tayo nyan?" tanong niya tapos parang may inaalala kasi nilagay nya yung hintuturo niya sa noo niya. Pft, ang kulet talaga.
"Ah! Dati, yung nung company na lang ni Dong ang natira. Ano ba pwede ko ipusta ngayon?" napabungisngis kaming apat nung mukhang nag iisip na naman si Miss Aemie.

Hindi na nagbago sa kanya yung ganyan, pero dahil dyan namin siya nakilala ay parang hindi kumpleto ang araw namin pag walang ganyang eksena.

"Bet? For what, wife?" napa ayos naman ako ng upo, si Lerwick at Lee kunwareng umubo pa habang si Lampe nakangisi lang.

"Hi dong! Hehe. Wala lang, gusto ko lang sumali sa kanila." Pft. Miss Aemie wag mo na planuhin.

"Nah, you have a schedule appointment today, right?" sagot ni Boss, tapos tumingin siya samin kaya mas lalo akong umayos. Amputs, baka kami na naman balingan.

"Eh? Bakit ako hindi ko alam Zeke? Bakit mas ala- wahhhhh!" napatingin naman ako bigla kay Miss Aemie ng sumigaw siya. Ganun din yung tatlo pa.

"Ba't Aemie?"
"Anong nangyare?"

Agad na tanong namin. Parang wala namang mali kay Miss Aemie, may masakit ba sa kanya?

"Huhuhu aray naman dong, makapitik ka naman *pout*". Pinitik siya ni Boss para tumigil.

"You freaked me out. Why do you have to scream like that?" nakakunot noo na tanong ni Boss.

"Buti ka pa naalala mo na may lakad kami *pout*. Ay Vash,hehe, si insan Caileigh pala nasaan?" baling sakin ni Miss Aemie.

"Nasa bahay siya Miss Aemie. May lakad ba kayo?" natanong ko, parang wala naman kasing nabanggit si Babe.

"Hehe. Meron. Sige, mag aayos na pala 'ko. Babye sa inyo!" kumakaway na paalam niya. Pft, walang katulad.

"Boulstridge, tell your wife we're gonna fetch her at your house. Wait for me here assholes, I'll be right back, stay here."

"Areglado bossing!" sabay na sagot ni Lerwick at Lampe.

"Wengya! Destiny talaga haha! Kabaklaan nyo mga gago!" narinig ko pang kantyaw ni Lee sa dalawa bago ako tumayo.

Dinial ko ang number ni Babe at mga ilang ring pa bago niya sinagot.

"Hello babe?" bungad niya.

"Babe, nasa bahay ka lang ba?" tanong ko naman.

"Oo babe, I'm nandito lang. Why?"

"Sabi ni boss susunduin ka daw nila dyan ni Miss Aemie. May lakad daw kayo?" tanong ko.

"Oh! Oo nga, I make kalimot babe! I'll prepare lang while wala pa sila. I love you babe!" sabi niya bago naputol ang tawag.

My husband is a mafia boss FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon