Emerald Blood: The Unica Hija of Jerson Ken Blood

1.8K 20 0
                                    

(HER POV)

"Hija, can you deliver the papers on my table to your Tito Ezekiel?"

Napatingin agad ako kay Dadsy pagkasabi niya nun.

"Really Dadsy? Yes I will po! Can I drive my car, Dadsy?" tanong ko. Yiiie, sana nandun si Baby Caliber .

"I'll call someone to be with you." hindi na ako tumingin kay Dadsy habang may tinatawagan siya. Umakyat na lang ako ng room ko para magpalit ng damit.

Nung pababa na ako, may narinig akong mga boses.
Sino kausap ni Dadsy?

"Yo Tito Jerson, bakit nyo po pinatawag ang kagwapuhan ko?"

"Gago ka talaga, 'wag ka ngang mangarap. Ang tunay na gwapo, ang spelling ng pangalan ay C-O-D-Y."

"Tol, wag ka ng umasang papantay ang kagwapuhan mo sakin, kita naman sa genes ng parents ko kung sino mas lamang."

"Ul*l, anong tingin mo kay Erpats at Ermats? Sumbong kita kay Ermats, tamo!"

"Eto naman si pinsan, syempre joke lang. Mga lahing Lamperouge, GWAPO! Mas lamang nga lang ako."

"Kuya Azure? Kuya Cody? Bakit po kayo nandito?" tanong ko ng tuluyan na akong nakababa ng stairs. Nasa sala silang tatlo nakaupo.

"Yun nga din ang itinatanong namin, Emerald."

"Sorry, busy ba kayo boys?" tanong ni Dadsy.

"Hindi naman po masyado Tito, naghahanap ng chiks tong pinsan kong ugok. Pft." natawa pa si Kuya Azure at tumingin sakin. Lumapit naman ako sa kanila at umupo sa tabi ni Dadsy.

"Can you accompany my daughter to Roswell's house? Malaking bagay sakin pag pinagbigyan nyo ako."

"Areglado, Tito! Sisiw lang naman yan, tara na Eme, mang chichiks pa si Azure. Pft."

"Gago!"

Nung nakapagpaalam na kami kay Dadsy ay sumakay kami sa kotse ni Kuya Cody.

"Hayop ka talaga Lampe, anong tingin mo sakin, driver mo?" natatawa na lang ako kay Kuya Cody eh. Hehe, naiinis siya kasi nasa likod kaming parehas ni Kuya Azure. 

"Lonely naman kasi si Emerald pag hinayaan ko dito sa likod. 'Wag ka ng magselos tol, sayo pa din ako tatabi mamaya pagtulog."

"Ul*l mo."

Pagtingin ko sa labas ng bintana, medyo dumidilim. It's gonna rain kaya? Ang araw pa naman kanina.

Napansin kong lumilingon lingon sila Kuya Cody at Kuya Azure sa likod. I sense danger.

Nang biglang....

BOOM!

As I open my eyes, naramdaman kong yakap pa din ako ni Azure . Ramdam ko pa din yung impact ng pagkakasubsob namin nung tumalon kami mula sa kotse.

Bago pa kasi sumabog yung kotse ni Kuya Cody kanina, nahila na ako ni Kuya Azure palabas para tumalon.

Inalis ko ng dahan dahan yung kamay ni Kuya Azure para medyo makatayo ako. Sumakit yung tagiliran ko pero I don't give a damn.

Niyugyog ko si Kuya Azure para magising.
"Kuya Azure? Wake up po." nakailang yugyog na ako pero hindi pa din siya nagigising.

I roam my eyes around. Hindi ko alam nasaan kami bumagsak pero mabato yung lugar. Naalala ko yung kasama namin  kaya hinanap ko siya sa paligid.

"Kuya Cody? Nandito ka po ba?" tumayo ako kahit masakit yung paa ko, para hanapin si Kuya Cody. I startled nung may humawak sa paa ko, pero it turns out na si Kuya Azure pala yun.

"Sa-saan ka pupunta, Emerald?" hirap na tanong ni Kuya Azure.

Nilevel ko yung katawan ko sa kanya para tulungan syang tumayo.

"Okay ka lang po ba? May masakit po ba sa'yo?" tanong ko.

"Okay lang ako, gwapo pa din." Nagbiro pa siya.

"Hanapin po natin si Kuya Cody?"

"Tara, baka mas pumanget pa lalo yun. Pft."

Nakita namin si Kuya Cody sa ilang hakbang mula samin. Papatayo na din siya, thank God okay kaming tatlo.

Nung okay na sila, tumawag kami ng taxi na dumaan at nagpahatid sa hospital kahit ayaw nila Kuya Azure. It's my fault kaya medyo nagi-guilty ako.

"Ssshh, Wag ka na umiyak, kahit anong mangyari sakin, tandaan mo gwapo pa din si Azure Lamperouge." Kuya Azure hug me so I hug back. Medyo napanatag ako, having a Kuya on my side.

"Anong naisip niyo at balak niyo pa yatang magpasko dito sa ospital? Mga pasaway na bata!" hindi ako makatingin kay Tita kasi she's scary. Huhu.

"Hindi naman namin alam, Mama. Aksidente nga lang, buti nga naamoy ni Cody yung pulbura ng bomba kaya nakatalon pa kami, kung hindi edi nawalan ng gwapo sa mundo?"

"'Wag kang bumanat banat ng ganyan Azure baka tuluyan kitang banatan mamaya." iiling iling na sabi ni Tita Ame at umupo sa tabi ni Tito Kaizer na pinapakalma sya.

Bumukas ang pinto ng hospital room na kinaroroonan namin at pumasok sila Tita Meisha.
"Son? What happened?" pumunta agad si Tita Meisha sa kama ni Kuya Cody .

"Minor lang Ermats, may naglagay ng bomba sa kotse ko."

"Syet, sino naman gagawa niyan sa gwapo kong anak? Tsk tsk. Saan ba kasi kayo pupunta dapat?" tanong naman ni Tito Seb .

"I-inutusan po kami ni Dadsy na ibigay kay Tito Zeke yung papers." nakatungong wika ko. Huhu. Natatakot kasi ako kay Tita Amesyl eh.

"Okay ka lang ba, Emerald?" napatingin naman ako kay Tito Kaizer ng tanungin niya ako.

"Yes po, Tito."

"Where's your father, Em?" tanong ni Tita Meisha sakin kaya napatingin ako sa phone ko.

"On the way na daw po si Dadsy."

"Hays, ano na namang problema ba 'to? Akala ko ba tapos na yung away away nyo na ganyan? Tsk. Sa susunod, mag ingat kayo ha? Ikaw Azure, wag mong laging pagmayabang yang itsura mong kamukha ng tatay mong unggoy, hindi mo madadala yang kayabangan mo sa hukay." natahimik na lang kami dahil nagstart na mainis si Tita Amesyl. Huhu nakakatakot talaga sya!

"Always be careful, I'll talk to the Yaji and Roswells regarding this matter. Magpahinga na muna kayong tatlo."

"Ermats, wag na. Mag uusap na lang kami ng BO paglabas namin dito." Angal naman ni Kuya Cody sa nanay nya.

"Okay. But still, I'll report this to them for us to think of something. You do your own investigation while we do ours. We're your parents, guardians, and family. We cannot let this thing pass without thinking about your safety. You are all still young, leave the rest to us while you the three of you will take a rest. 

"Sige na mga bata, magpahinga na kayo. Kami na muna bahala sa iba, mamaya baka nandito na din sila." tumango na lang kami kay Tito Kaizer at humiga na ako sa kama. Kamusta na kaya si Baby Caliber ? Pupunta kaya siya dito? *pout*


================================================================================

A/N: VOTE AND COMMENT IS A MUST! LOL XD

My husband is a mafia boss FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon