(HER POV)
"Bakit ba ang mga kasama ko kung hindi baduy, walang alam sa fashion?" Reklamo ni Amber habang naglalakad kami palabas ng isang boutique sa mall.
Nagkatinginan na lang kami ni Duchess.
Nakila Tita Amesyl ako kanina ng dumating si Duchess tapos inutusan ni Tita si Amber na mag grocery at napasama kami.
Sinabay na din ni Amber mag shopping, pero puro mga damit at mga burloloy lang naman binili nya =_= tanong pa sya ng tanong ano maganda sa kanya. Ano bang malay ko sa mga yan."Alam mo naman Amber na wala akong alam sa fashion." sabi ni Duchess.
"Baduy ka lang talaga kamo. Parehas kayo ng pinsan ko. Hays hindi ko na i-stress ang kagandahan ko sa kawalan nyo ng fashion sense. Kumain na nga lang tayo!"
Pumasok kami sa isang Italian Resto dahil ayaw ni Amber sa mga fast food chain. Hindi daw bagay kagandahan nya sa mga cheap na lugar =_= Saan ba 'to pinaglihi ng nanay nya? Kaya ayokong kasama 'to eh. Annoying."O, diba yun yung nagtahi ng gowns natin nung party ni Caliber?" turo nya sa isang babae na nakatingin na samin. Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at dumiretso na lang sa table na tinuro nung waiter. Sumunod naman sila saking dalawa.
"Ano ka ba Duchess, iniiwasan ko nga yang si Isabel, tinuro mo pa. Nakita tuloy tayo." nakasimangot na sita ni Amber kay Duchess.
"Sorry naman, hindi ko alam okay?" Inabutan kami ng waiter ng menu at tumingin na ako. Nung naibigay na namin yung orders namin, may dumating naman na isa pang waiter.
"Maam?"
"Yes, why? Hindi ka na ba nakatiis nung nakita mo ang kagandahan ko at naisipan mong puntahan ako?" gusto ko sanang kurutin si Amber kaso ginawa na ni Duchess. Magkatabi kasi sila at nasa harap nila ako.
"Ano ka ba Amber, nakakahiya!" pasimpleng bulong ni Duchess.
"Bakit? May problema ba?" ako na nagtanong sa waiter dahil sobra na sa kapal mukha ng pinsan ko =_=
"Ah, none po Mam. Si Mam po kasi na nandun sa kabilang table, kung pwede daw po siya maki-table sa inyo." Bakit dito pa te-table yun? Close ba kami?
"Bakit dito pa? Ano na naman ba kailangan nya sa kagandahan ko?"
"Sure, papuntahin mo na lang dito. Thank you!" sagot ni Duchess at wala na lang kaming nagawa ni Amber.
=================================================================
"Natatawa ako na naiinis kay insan kaninang madaling araw." kwento ni Tita habang kumakain kami. Nandito siya sa bahay dahil dinalhan nya kami ng pagkain.
"Pffft, bakit na naman? Ano na namang ginawa ni Aemie?" tanong naman ni Papa sa kanya. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa, at hindi na nang iistorbo dahil bihira mag usap ng maayos yang magkapatid na yan =_=
"Eh paano, tumawag ng alas tres ng madaling araw tapos ang tanong niya pa, 'Insan, natutulog ka pa ba?" sumubo muna siya ng kanin at itlog bago siya nagsalita ulit.
"Ang sagot ko, hindi insan, nasa tuktok ako ng bundok, nag mumuni muni." nabuga pa ni Papa yung kinakain nya dahil sa pagpigil ng tawa habang ako napayuko na lang at pinigil ang tawa ko. Habang si Tita tawang tawa na."Pffft oh- pffft! O ano sagot ni Aemie?" tanong ulit ni Papa ng makabawi na siya sa pagpigil ng tawa pero nakangiti pa din ng malapad.
"Ano daw ginagawa ko sa tuktok ng bundok ng 3am? Ba't daw di ko siya sinama. Ewan ko ba kay insan, hanggang ngayon yung utak nalipad. Sagot ko na lang syempre natutulog pa ako. Pero ang tanong ulit, bakit daw sa bundok ako natutulog? Wala na daw ba akong bahay o tinakwil na daw ba ako ni unggoy. Padala ko na kaya sa mental si insan." this time muntik na mabilaukan si Papa kakatawa kaya inabot ko sa kanya yung isang basong tubig. Si Tita Aemie talaga kahit kailan.
BINABASA MO ANG
My husband is a mafia boss Fanfic
FanfictionThis story contains love stories and other things that happened to the side character of Mhiamb. Enjoy reading! Reminder: This is only a Fan Fiction.