Amesyl Cross and Kaizer Maxwell Lamperouge

2K 34 24
                                    

Kaizer's POV

Flashback

"Miss? Pft. Alam kong gwapong gwapo ka sakin. Pero pakibilisan naman, malilintikan ako dun sa tomboy eh."  nangingiting sabi ko sa cashier.

Nandito kami sa Mcdo, wengya 'di nga sana bagay ang kagwapuhan kong taglay dito, pero dito napili ni Andrea na kumain kaya ano ba naman laban ko? 'Di hamak na isa lang akong gwapo.
Noong inaayos na nung cashier yung order ko, patingin tingin pa din siya sakin. Iba talaga karisma ng isang Lamperouge, nag iisa!

Napatingin na lang ako sa mga nakapila sa gilid ko, at base sa mga itsura nila, wala talagang papantay sa kagwapuhan ko, wengya.

"Hanggang anong oras mo plano tumayo dyan unggoy?" napatingin agad ako kay Andrea nung paglapit niya at saka ngiting ngiti na kinindatan siya.

"Saglit na lang 'to babylabs, balik ka na dun sa pwesto natin."

"At ano, pagpapatuloy mo pakikipaglandian mo?" nawala ang ngiti ko ng nakataas na naman ang kilay niya at magsungit na naman siya.

"Hindi naman babylabs. Ang buong kamachohan at kagwapuhan ng isang kagaya ni Kaizer Lamperogue ay para lang kay Andrea Lewi- aray!" napangiwi ako ng sinuntok niya yung dibdib ko. Wengya Amazona talaga!

"Tigilan mo ko unggoy ha. At ikaw naman babae, pwede ba dalian mo? Isang tingin mo pa sa boyfriend ko isasahog ko yang mata mo sa menu nyo." natakot naman yung cashier kaya binilisan nya. Wengya, iba talaga karisma ko. Kita mo, si tomboy nagseselos?

"Wag kang ngingisi ngisi dyan, unggoy, tatamaan ka ulit sakin." sabi niya bago bumalik sa pwesto nya kanina. Sinundan ko lang naman siya ng tingin.

Nung makaupo na ko eh pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Sino ba naman mag aakala na mahuhulog ang isang tomboy sa akin? Pft, sabagay di na kataka taka. Ganto ba naman maging itsura mo eh.

"Naaasar ako sa mukha mo unggoy. Kumain ka na, pupuntahan ko pa si insan sa kanila."

"Areglado!" sagot ko na lang at binilisan kumain. Wengya, baka maasar pa lalo sakin eh.

Nang nasa kotse na kami, binuksan niya yung radyo. Hindi ko sana papansinin yung tugtog, pero dapak!

It's a beautiful night,
We're looking for something dumb to do.
Hey baby,
I think I wanna marry you.

Is it the look in your eyes,
Or is it this dancing juice?
Who cares baby,
I think I wanna marry you.

Nagkatinginan kami, pero madali kong nilipat yung kanta. Wengya, parang kinapos ako ng hininga dun ha!

I wanna make you smile whenever you're sad

Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you

I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you

Galing ng mga kanta, timing na timing wengya. Nagpasya na lang akong patayin yun. Hindi ako tumitingin kay tomboy, baka masama na naman tumingin eh. Pft.

Mahigit isang taon na simula nung "sapilitan ko daw siyang" pinasagot. Pft. Pero ang totoo, indenial lang yan. Wengya, may tatanggi ba sa kagwapuhan kong taglay? Pft.

Simula ng ligawan ko siya, puro pasakit na este kasiyahan yung naranasan ko. Oo, amazona siya, pero alam ko namang mahal ako nyan. Pft, ako pa ba? Kahit sinasabi niya lagi na kung di lang daw siya pinaasa ni Blood. Pft, wengya. Ano ba nakita nya dun sa Blood na yun? Laki ng lamang ng kagwapuhan ko dun. Kakakasal lang ni Blood tsaka nung syota nyang singkit-intsik yata- nung nakaraang taon.

My husband is a mafia boss FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon