Chapter 2: When I close my eyes

6 0 0
                                    

Ilang oras din ako sa tambayan ko, di mawala sa isip ko ang mga salitang iyon. Napakahirap naman kasi balewalain ang isang bagay lalo na kung doon kalang magaling at magiging masaya. :( Kahit ano pang pambubudol ang gawin sakin ng guidance councilor na iyon eh di pa rin ako titigil sa pagtulog! :P Bukod sa lahat naman ng tao ehh natutulog, Eh di ako magpapadala. 

.

.

Ilang oras pa, "RIIIIIINNNGGGG!!!!!" Yes! dissmissal nadin! :D

.

Dumiretso na ako pauwi sa amin, at humiga na sa aking paboritong kama. :) Ilang sandali lang eh nakatulog na din ako.

.

.

.

(In my dreams)

Ako ngayon ay nasa isang malawak na hardin, makikita mo ang ibat-ibang klase ng bulaklak at ang ibat-ibang kulay nito. Sobrang ganda ng paligid, kahit na di ko naaamoy ang halimuyak ng mga bulaklak ehh alam ko na sobrang bango ng paligid. (tingin kayo sa may ibaba at makikita nyo yung itsura ng garden :D)

Nag pa ikot-ikot ako sa buong lugar, pero ito ay walang katapusan, walang hangganan. Ilang oras na din ako naglilibot pero panay mga bulaklak lang ang nakikita ko.

.

Nakakita ako ng isang hagdan, uto ay papunta sa mga matataas na bato, na para namang isang bundok. Umakyat ako para alamin kung ano ang itinatago ng lugar na ito, maya-maya pa ehh nakarinig ako ng isang boses.

"Ang bango nyo naman, wag kayo mag-alala ako amg aalaga sa inyo." - sabi ng isang babae habang hawak hawak at kinakausap ang mga bulaklak.

.

Lumapit ako para kausapin sya. 

.

.

.

"Ahm, hello? ano pangalan mo?"

.

Mukang nagulat sya sakin, kaya naman bigla syang tumakbo palayo. Pero ng makakalayo na sya eh bigla syang napatid sa mga baging.

.

"Aray!!!" Sigaw nya

Rinig na rinig ko kung gaano kalakas ang sigaw nyang iyon, kahit pa malayo na ang naitatakbo nya. Agad ko syang pinuntahan para tulungan.

.

"Ayos ka lang ba?" sabi ko

.

"Ayos lang, paano mo ako natagpuan?"

.

"Ewan ko din eh, basta kapag tulog ako ehh nakakapunta ako sa kung saan-saan"

.

"Pwes lumayo ka sakin! di dapat tayo nagkita at naguusap."

.

"Teka? bakit nman! :("

.

"Basta! At isa pa di kita kilala."

.

"ganun ba? pero paano ang pilay mo? kaya mo ba maglakad ngayon?"

.

Sinubukan nyang tumayo pero iika ika sya. Ilang hakbang pa eh natumba na sya. Pero nandun ako para saluhin sya.

Nagkatitigan kami sa mata at bigla nalang parang nag "Spark" ang paligid. Ang buong hardin ay biglang namumulaklak, ang kanina'y isang simpleng lugar ehh biglang nagkaroon ng buhay. Ang mga bulaklak ay nagsikintaban na tila bay kumikinang sa araw. Ibat-ibang kulay ang umaligid sa buong paligid, na tila ba bumubuo ng isang bahaghari.

.

"Sa lagay mong yan di kita pwedeng pabayaan ;D"

.

Agad ko syang inakbay sa mga balikat ko, naglakad-lakad kami papunta doon sa may bato na pwede namin gawing upuan.

.

"Salamat" sabi nya.

.

"Walang anuman. :D ano nga pala ang pangalan mo?"

.

"Ako? Di ko rin alam eh, basta ang naaalala ko lang eh ang mama ko."

.

"Ang mama mo? bakit anong meron sa mama mo?"

.

"Naaalala ko na galit sya at nagaaalala sakin. :("

.

"Hindi kita maintindihan. Isa ka bang ilusyon sa panaginip?"

.

"Hindi ko rin alam, wala akong maalala. Pwede mo ba akong tulungan?"

.

"Sige! ano ba matutulong ko?"

.

"Hindi ko din alam eh... Pero pwede mo ba akong samahan dito, matagal-tagal na din kasi akong walang kasama dito, nalulungkot ako. :("

.

"Walang problema! Sana lang di pa ako magising."

.

"Pero alam ko namang iiwan mo din ako. :("

.

"OO tama ka dyan, :( pero pwede naman kitang pasayahin habang nandito pa ako. :)"

.

"Paano?"

.

Tinayo ko sya, at dun ko lang naalala na napilayan nga pala sya. Pero di problema yon. Agad ko syang pinasan sa likod ko, at tsaka naman kami nag-umpisang mag lakad-lakad at gumala.

.

"Relax kalang dyan! :D" sabi ko

.

.

.

Nilibot namin ang buong lugar, inakyat namin ang bundok na bato at tinungo ang tuktok nito. Pagdating sa taas ehh nasilayan namin ang napakagandang tanawin. 

.

"Wow! ang ganda naman! :DD ngayon ko lang ito nakita! *O*" sabi nya na may halong pagkamangha

.

"Ayan napangiti na kita! :)"

.

tumingin kami sa isat-isa at doon ko nasilayan ang kanyang matamis ng ngiti. hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng malakas na "Pintig" sa aking dibdib kaya naman agad kong nilipat ang aking paningin sa magandang tanawin. 

Pero ng muli ko itong ilingon sa kanya eh, Bigla syang nawala. Di ko namamalayan eh nagising na pala ako. xDDD

In my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon