Naglakad lakad ako sa hardin na ito. Tulad pa rin ng dati, ang mga bulaklak dito ay namumukadkad at tila ba hindi nalalanta. Maraming Paru-paro ang lumilipad sa ibabaw nito, na tila ba sobrang sigla ng buong lugar.
.
.
.
Maraming paru-paro ang nagsisiliparan sa buong paligid, pero bigla akong nagulat sa aking nakita. Bigla nalang may isang paru-paro na kulay bahaghari ang lumitaw sa aking harapan. Nabighani ako sa kagandahang taglay nito kaya naman sinundan ko.
.
.
.
Matapos ang ilang minuto na paglalakad, hindi ko na alam kung nasan na ako. Pero bigla akong nakarinig ng boses.
.
"Lalalalalala, ang gaganda nyo talaga. Wag kayo mag alala, aalagaan ko kayo! hanggat nandito ako di ko kayo papabayaan. ^_^"
.
.
.
Bigla kong naalala yung tinig na gumabay sakin doon sa kweba. At isa pa, pamilyar ang boses na ito. Kaya naman agad kong inalam kung sino ba ito.
.
.
.
At tama nga ang hinala ko, yun nga yung babae sa panaginip ko. Pero bakit kakaiba ang aking nararamdaman? Yung tila ba, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nahihiya akong lumapit sa kanya, at hindi ko alam kung bakit? At ang matindi, bumibilis ang tibok ng aking puso. O_o Anung meron?
.
.
.
Magtatago sana ako, pero nakita na nya ako. xDD
.
"Uyy!!! teka lang! san ka pupunta?" sabi nya
.
"Ahh... doon lang sana, maglalakad-lakad."
.
"Sama ako! :D"
.
"Sige! ^_^"
.
.
.
Hindi ko alam ung bakit sobrang saya ng nararamdaman ko, yung sa mga maiksing salita na lumabas sa kanyang bibig ay nagagawang palundagin sa kilig ang puso ko. ^_____^ Inaamin ko, gusto ko tong kalagayan ko! :D
.
.
.
Habang naglalakad-lakad kami ehh naguusap kami, kaya naman enjoy ko talaga ang nangyayari ngayon. :D
.
"Ang akala ko di na kita muling makikita." sabi ko
.
"Oo nga ehh, kala ko mag-isa na ulit ako dito. Masata ako ng makasama ulit kita. :D"
.
"Talaga? ako din ehh! ^_^"
.
.
.
Nagngitian kaming dalawa at biglang lumundag ang puso ko sa sobrang saya! :D grabe! bakit ngayon ko lang to naranasan? Sana noon pa ko pa to naramdaman! >0<
.
.
.
"Tara doon tayo!" sabi nya sabay turo sa isang parte ng hardin na mistulang "puzzle" ang dating. (tignan nyo po yung pic sa gilid! :D)
.
"Sige! :D mukhang masaya doon!"
.
Agad naming tinungo yung lugar, at ng makarating kami ehh agad na naming inumpisahan ang maze.
.
"Dito ako sa kanan, doon ka sa kabila" sabi ko
.
"Sige! paunahan sa gitna ah! ^_^"
.
.
.
Nagumpisa na ako sa pagtakbo, at sa kabilang dako sya dumaan. Pero mas masaya sana kung sabay nalang namin sinagutan tong maze na ito. :( Kasi di ko sya kasama ngayon.
.
Ilang minuto din ang itinagal ng aking pagtakbo, medyo mahirap din kasi tong maze na ito. Pero di ako papatalo! >:)
.
Naririnig ko sya sa kabilang dulo, tumatawa at tila masaya. Sayang talaga kasi di ko sya kasama ngayon. :3
.
.
.
"Malapit na ako :P mauunahan na kita." Sabi nya ng pasigaw
.
"Malapit na din ako!" sabi ko
.
Nagmadali na ako, agad kong hinanap ang daan. Una, ayoko matalo. Pangalawa, gusto kong mauna para salubungin sya! ^____^
.
Ilang minuto pa, nakita ko na ang gitna. At sa gitna ay may tila isang silungan, yung tipong isang maliit na shed kung saan pwede kayong magpahinga pagkatapos. Agad ko itong tinakbo, pero nakita ko sya na malapit na din makarating sa gitna, kaya naman binilisan ko ang pagtakbo. At ilang segundo pa, sabay naming narating ang gitna. Pero dahil sa bilis naming dalawa ay di na namin nagawa pang pumreno, at nabunggo pa namin ang isat-isa. >__<
.
(Habang nakasalampak at nakayakap ako sa kanya)
.
"Ako ang nauna! :p" sabi nya habang hinihingal pero tumatawa.
.
"Ako kaya! di mo ba nakita? :D haha."
.
Ilang segundo din kaming magkayakap at dun lang kami natauhan. Actually ako ang unang bumitaw, "Awkward" kasi. xDD
.
"Ay sorry di ko sinasadya. xDD"
.
"Okay lang! :D"
.
.
.
<3 Tug Dug Tug Dug <3
.
.
.
O_o
.
.
.
Tinamaan na nga ata ako!
BINABASA MO ANG
In my Dreams
RomanceHindi lahat ng tao eh magagawang maging masaya sa mundong meron tayo. So saan pala? Edi sa panaginip! Sa panaginip na magagawa natin lahat ng gustohin natin, dito lahat ng bagay posible! kaya naman may mga tao na dito na bumabase. Parang ang lalaki...