Ansaya ko ngayon, pero alam ko na hindi dapat ang sayang nararamdaman ko. Dahil alam ko isa lang itong panaginip.
.
.
.
Pero bakit kapag kasama ko sya ehh parang totoo ang lahat? Lahat ng nararamdaman ko, ang saya ko, at pati ang mga bagay na ginagawa ko ay napaka totoo. Siguro dahil nga sa totoong mundo ehh hindi ko nailalabas ang "Other Side" ng aking pagkatao.
.
.
.
Sana hindi lang sya isang kathang isip. Sana may isang kagaya nya na naghihintay sa totoong mundo. :(
.
.
.
"Nga pala, ilang araw na din tayong magkasama ehh di pa kita kilala." - sabi nya
.
"Ay oo nga no, ako nga pala si Joseph. :)" - sabi ko
.
"Ehh ikaw, anong pangalan mo?" tanong ko.
.
“Hindi ko nga alam ehh”
.
“Ay oo nga pala” :( sayang
.
Lumingon-lingon ako sa paligid, at bigla akong nakakita ng isang rosas. Bigla naman may sumagi sa isip ko.
.
.
.
Pinuntahan ko ang kinalalagyan ng rosas na iyon at pinitas upang ibigay sa kanya.
.
“Alam ko na, simula ngayon Rose na ang tawag ko sayo” sabi ko
.
“Bakit naman sa dinami-dami ng bulaklak dito ehh, rosas ang napili mo?” tanong nya
.
“Hindi mo ba alam na ang rosas ay simbolo ng pagmamahalan? Maraming tao na ang umiyak at sumaya ng dahil sa bulaklak na ito.”
.
“So ibig sabihin, mahal mo ko?”
.
“Ha?.......”
.
Natameme ako sa sinabi nya, di ko akalaing mag-iisip sya ng ganon. xD
.
“Pero mapagmahal ka naman! :)” Yes, lusot parin ako!
.
“Uhm, totoo yan! ^_^ sa totoo lang bago ako mapunta dito ay naaalala ko si mama na lagi kong yakap at kasama.”
.
“Ano pa naaalala mo?” sabi ko.
.
“wala na ehh”
.
Sayang, akala ko pa naman malalaman ko na ang pagkatao nya.
.
.
.
Ilang minuto pa ang lumipas ng aming pag-uusap, at tila ba hindi ako nagsasawa sa babaeng ito. Mukhang nakuha ko na ang loob nya, at ganon din naman sya sakin.
BINABASA MO ANG
In my Dreams
RomanceHindi lahat ng tao eh magagawang maging masaya sa mundong meron tayo. So saan pala? Edi sa panaginip! Sa panaginip na magagawa natin lahat ng gustohin natin, dito lahat ng bagay posible! kaya naman may mga tao na dito na bumabase. Parang ang lalaki...