Chapter 3: Mystery

8 0 0
                                    

Nagising na ako, pero wala pa rin ako sa aking katawang lupa. Hindi mabura sa aking isipan ang mukha ng babae sa aking panaginip, ang iniisip ko ngayon paano na kaya sya doon? Teka ano bang iniisip ko? Isa lang naman yong panaginip at sigurado hindi din sya totoo. Pero bakit kakaiba ang nararamdaman ko? Yung tila ba, parang lahat ng pangyayari sa loob ng aking panaginip ay totoo. At mayrong isang pakiramdam sa loob ko na ngayon ko lang naramdaman........... Biglang bumibilis ang pintig nito at yung babae sa aking panaginip ang hinahanp nito. O_o Ano ito?

.

.

.

"Joseph, bumangon kana at kakain na tayo ng hapunan."

.

"Opo ma! bababa na po."

.

.

.

Sayang dapat maya-maya na ako ginising ni mama, sana mas nakapiling ko pa ng mas matagal yung babae sa panaginip ko.

.

"Mama, totoo po ba ang mga panaginip?"

.

"Depende anak kung gugustohin mong magkatotoo."

.

"E kaso ang napanaginipan ko eh, isang tao. Isang babae."

.

"Ha? naku anak nagkataon lang yan. At kung totoo man sya eh siguro malabong makita mo sya sa totoong mundo, Sa laki nitong Pilipinas."

.

"Ganun po ba?"

.

.

.

Pagkatapso kong kumain ehh agad akong bumalik sa kwarto ko, inaantok na din ako kasi putol yung tulog ko. Isa lang ang nasa isip ko sa mga oras na ito, sana makita ko ulit sya.

Maya't maya pa ay nakatulog na ulit ako.

.

.

.

(Mysterious Gril's POV)

Kani-kanina lang bigla nalang may isang lalaking naligaw dito sa aking hardin. Noon ko lang sya nakita at tingin ko, di na sya babalik.

.

.

.

Sino ako? Hindi ko din alam. Pagkagising ko, nandito na ako sa hardin na ito. Wala naman ibang tao dito kaya inangkin ko na ang lugar. Gaano na ako katagal dito? Hindi ko din alam. Ang alam ko lang, ilang beses ko nang nakita na maglagas at mamunga ang mga puno dito. Ilang beses na din kung natuyot ang lugar na ito, pero muling bumabalik ang kulay at sigla.

.

.

.

Hindi ko alam kung bakit ako mag-isa, hindi ko alam nag mga nangyayari. Pero ang alam ko, ito na ang mundo ko ngayon.

.

.

.

(Joseph's POV)

(In my Dreams)

nandito ako ngayon sa isang kweba, napakadilim at ang tanging nakikita ko lang ay isang bilog na ilaw sa dulo nito. Siguro yun ang labasan, Kaya naman minabuti ko ng tumakbo at umalis dito. Pero di yon ganon kadali. Habang nasa daan ako ay may mga harang, at sa bawat harang ay mga ibang daanan. Meron sa kaliwa, meron din sa kanan. Hindi ko alam kung saan pero kailangan ko ng makaalis dito, Kung saan saan ako pumunta. Ilang minuto pa, napapansin ko na paikot-ikot lang ako. nakulong na ata ako sa kwebang ito, kaya naman tumigil na ako sa pagtakbo.

.

.

.

Pero bigla akong nakarinig ng boses, at ito ay boses ng isang babae.

.

"Sa kaliwa"

.

Teka? tinuturo ba nya ang daan?

Tinahak ko ang kaliwang daan, pero meron na namang harang.

.

"Sa kaliwa ulit"

.

Sinunod ko ang boses, at habang tumatakbo ako ay napapansin kong palaki ng palaki ang bilog ng liwanag kaya naman alam ko na malapit na akong makalabas.

.

"Sa kanan"

.

Takbo lang ako ng takbo habang sinusunod ang sinasabi ng misteryosong babae.

Mayat-maya pa, narating ko na ang dulo.

.

.

.

Pagkalabas ko sa madilim na kweba ay nakita ko ang makulay na hardin sa aking harapan. Teka? ito yung hardin na yun ah? Ibig sabihin, nandito ulit ako? At saan galing ang boses? yun ba yung babae? Ang dami kong tanong. Akala ko isang beses lang mapapannaginipan ang isang panaginip, pero ito ako at bumabalik sa lugar na ito kung saan ko nakilala ang misteryosong babae na iyon. Pero bakit? anong meron sa kanya? Sino ba talaga sya? At higit sa lahat, bakit sya ang laman ng aking mga panaginip?

In my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon