Chapter 1: The Beginning

18 1 0
                                    

"ANO LALABAN KA PA HAH?!" halos lumabas ang litid ko kakasigaw sa babaeng 'to. Ang kapal ng mukha nyang sugurin ako at sabihing inagaw ko ang boyfriend nya. Hah! Kapanget-panget nga ng boyfriend nya! 

"Mang-aagaw ka ahas ka!" umiiyak na sigaw nya saakin. Nandidiri ko syang tiningnan, magulo ang buhok dahil sa pagsabunot ng mga kaibigan ko, tanggal na ang ibang butones nya at putikan na sya. Tss pathetic. Bakit ba sya nagkaka-ganyan para lang sa lalake? Well, okay lang naman na ipaglaban mo, pero yung boyfriend kase nya, bukod sa diko kilala ang swanget pa. Realtalk lang.

"Girl, mag-ganyan ka kung mala-Lee Min Ho yang boyfriend mo!" nagtawanan naman ang mga nanonood at sa kahihiyan ay nag walk-out ang babae. I don't even know her name, bago kung makapag-bintang sya. Yuck lang.

"Harsh, Margo" sabi sakin ni Sara, kaibigan ko. Sa Group of Girls namin, ako ang parang tumatayong leader. Sikat kami sa school, but, hindi kami bitch girls. That's why a lot of girls ang gustong sumali sa group namin. Sa totoo lang, magkakaibigan lang naman kami pero dahil madami kami nagmumukha kaming group. 

"Come'on Sara, hindi ako ang nauna" etong si Sara, sya ang bestfriend ko. Sa dami namin sya lang ang pinagkakatiwalaan ko. Kami kase yung twin kung tawagin sa grupo, dahil bata palang kami ay kami na ang magkasama. Sya ang nerdy sa grupo, madami nga ang nagtataka kung bakit sya ang bff ko dahil ang manang nya pumorma. Siya lang rin ang may lakas loob na batukan ako. Aish.

"Tss, pinahiya mo yung babae" sinamaan ko naman sya ng tingin, pero nanatili ang cold aura nya. Ganyan sya pag may iba kaming kasama, hindi sya nagpapakita ng expression pero pag kami na lang grabe mas malakas pa sa megaphone kung tumawa.

"Inalala mo pa sya? E ako nga ang pinahiya nya. Pinagbintangan nya akong mang-aagaw"  totoo naman diba? Pinahiya ako nung babae, ikaw ba naman nasa bench kami ng bigla na lang ako sinugod at pinagduduro. Bago yun pa ang parang kinakampihan nya? Sino ba ang kabigan dito? Aish.

"Hindi mo naman sya kalevel para patulan" sabi pa nito. Naiiling na lang ako habang pinapakinggan ang pag le-lecture nya saakin. Siguro kung hindi ko bestfriend ang isang 'to baka naging one of the bitch girls na ako. Sya lang kase yung nagpipigil saken lalo na pag may mapangahas ang na harang sa daan namin.

"Shattap. What's done is already done. Sama ka ba sa party mamaya?" iniba ko na ang usapan para naman tigilan na nya ang pagtatanggol dun sa babae.

"I'll think about it. Ciao" ang kagandahan lang sakanya ay kahit nerdy sya at manang manamit ay kaya ka nyang sabayan sa mga trip mo. Kaya nga siguro naging kaibigan ko rin sya, dahil hindi naman sya KJ. Bookworm lang.

"Ciao" we parted ways, dumiretso ako sa locker para ilagay ang ilang dala kong books. Habang naglalakad ay may bumabati sakin, binabati ko naman sila pabalik. Hindi naman kase ako snobber, friendly ako.

"Sh*t!" I heard someone cursed kaya napalingon ako sa gawi nila. Nakita ko ang babaeng may dalang shake, natapon ata sa lalake. Uhh!Ohh! Smells trouble. Si Charles Serrano pa, badass ang isang yon. I heard leader sya ng isang gang at marami pang ibang rumor na masama nga daw ang ugali. Madalas syang pinag-uusapan ng mga kamember ko kaya kilala ko sya. Sa pangalan.

"OMG! I'm so sorry. Please forgive me" naiiyak na sabi ng babae nang mapagtanto kung sino ang nabangga nya. He's a goodlooking guy, I heard na manwhore sya. Pogi naman kase talaga sya that's why a lot of girls were drooling over him. Yun nga lang, kung ano ang kina-gwapo ganun din kasama ang ugali.

"Sorry?! Look at my shirt, mag sorry ka sa shirt ko" galit na sinigawan nya ang babae. Napatanga naman ang babae sakanya, pero humingi ng sorry sa damit ng lalake. "Oh? Luminis ba ang damit ko sa sorry mo?!" madami ng nanonood sakanila. At naiinis ako dahil hindi naman sinasadya ng babae pero kung sigawan sya netong si Charles kalamo namang napakabigat ng kasalanan nya.

Taming the DevilWhere stories live. Discover now