Fifth kill: HANGOVER

91 1 1
                                    


"Happy birthday Daniel!" sabay-sabay naming pagbati sa tropa naming si Daniel. Nagyaya ang gago na mag-bar daw kami. Sagot niya raw.

"Salamat pre ah. Mukhang marami ako maiinom ngayon!" bulalas ni Enrique.

"Hayop ka, Quen! Hayok na hayok ka talaga sa alak." wika ni James.

"Syempre! Pati na rin sa chicks!" dagdag ni Daniel tapos nagtawanan kaming apat.

"Tang ina niyo! Hindi lang naman ako ang mahilig sa babae dito ah." sabi ni Enrique.

"Oo na pero syempre maliban na lang sa isa diyan." tugon ni James na may kasamang pangngisi.

"Parang kilala ko na kung sino yan." sabi ni Daniel sabay tapik sa likod ko.

"Mga gago kayo. Ako na naman pagtitripan niyo?" sabi ko.

"Sweet lover din naman 'tong Elmo eh. Medyo mailap nga lang ang mga babae sa kanya. Mahiyain pa kasi itong baby boy natin eh." wika ni Daniel na nasundan ng pagkurot niya sa aking pisngi.

Pinagtawanan nila ako. Tss... Lagi namang ganyan eh. Ako ang laging napagtitripan sa barkada. Aaminin ko... may pagkatorpe ako. Hindi naman kasi tulad ng tatlong ugok na 'to eh. Isang ngiti lang nila eh halos malaglag na ang panty ng mga kababaihan.

"Bakit hindi mo pa kasi lapitan si Jane?"

Si Jane. Siya yung isa sa mga serbidora dito sa bar. Simula nang madayo kami ng mga barkada ko rito na agad nakuha ang atensyon ko. Napakasimple ng ganda niya at maganda rin ang hubog ng katawan kahit na medyo tago dahil sa uniporme niyang blouse, slacks at apron. Ilang beses na akong humihirit ng mga banat sa kanya pero mukhang hindi talaga siya interesado sa akin.

"Jane, apat na bote pa nga." sigaw ni Enrique.

Siniko ako ni Daniel. "Diskartehan mo na, pare." bulong niya.

"Ano? Teka--"

"Ssssh. Eto na." saway ni James.

"Ito na oh." sabi ni Jane tapos nilagay niya ang mga bote sa harapan namin. "Happy birthday nga pala, Dan."

"Naku! Maraming salamat, Jane." sabi ni Daniel tapos sinamaan ako ng tingin.

"Pasensya na. Wala akong regalo ah." wika ni Jane na parang hiyang-hiya.

"Ha? Wala yun." sabi ni Daniel.

"Sige. Una na ako." paalam ni Jane. Nagulat na lang ako nang sikuhin na naman ako ni Jane.

"Ahm... Jane!" bulalas ko.

Huminto naman si Jane at lumingon sa akin.

"P-Pwede ka ba mayaya mag-dinner bukas?" tanong ko.

"Ay sorry. May pasok ako bukas." sagot ni Jane.

"Ganun ba? Kailan ba day-off mo?" tanong ko ulit.

"Ha? Ahh... Ehh... W-wala akong day-off." nauutal na sabi ni Jane.

"Sige na, Jane. Ilang beses mo ng tinanggihan si Elmo eh. Pa-birthday mo na lang sa akin." pakiusap ni Daniel.

"Naku! Hindi talaga pwede. Sige. Balik na ako sa trabaho. Baka pagalitan pa ako ni boss." sabi ni Jane tapos tumalikod na siya at naging abala sa may counter.

"Grabeng pakipot naman nun pare. Ni isang beses hindi ka pa napagbibigyan." sambit ni James.

"Hayaan mo na, pre. Si Daniel naman ang tipo nun eh." sabi ko tapos uminom ako ng alak.

"Ganun talaga. Gwapo ako eh. Pwera biro... pakipot lang yun. Bibigay din yun. Tiyaga lang." mungkahi ni Daniel.

"Oo nga pare! Makakaisa ka rin sa babaeng yan." tugon ni Enrique.

"Tama na ang drama. Tagay pa!" sabi ni James.

Nagpakalunod kami sa alak hanggang sa kaming apat na lang ang maiwan sa bar... kung tama ang pagkakatanda ko. Hilong-hilo na kasi ako eh. Nakatulog siguro ako... kasi paggising ko, sobrang sakit ng ulo ko. Mukhang grabe talaga ang tama ko ah.

Sobrang sakit ng katawan ko. Sa sahig pa yata ako nakatulog. Hindi na ako nakaabot sa kama. Kinapa-kapa ko ang sahig. Semento? Ang alam ko naka-tiles ang sahig ng bahay namin ah. Napadilat ako bigla at nagulat ako nang malamang nasa lumang bodega ako. Pamilyar ang lugar na ito. May nakakalat na dugo sa sahig. Napabalikwas ako ng bangon para tignan kung may sugat ako... pero wala. Sadyang masakit lang ang buong katawan ko at may bahid ng dugo ang damit. Napansin ko rin na may mga hibla ng mahabang buhok na nasa kamay ko. Hindi ako maintindihan. Anong nangyari kagabi?

"Putang ina!" bulalas ni Daniel at napalingon agad ako sa kanya. Kitang-kita ko ang duguan at hubong bangkay ni Jane sa paanan niya.

"Anong nangyari? Nasaan tayo?" tanong ni Enrique na kakabangon lang at may hawak pang kutsilyo.

"Nagtanong ka pang tarantado ka. Eh ano yang hawak mong patalim?" sigaw ni Daniel.

"Hindi ko alam. Nagising akong hawak ko 'to-- Puta!"

Namutla si Enrique nang makita niya si Jane.

"Bwiset! Ang iingay niyo naman!" sabi ni James na nakaupo sa sulok at halatang kakagising lang. May dos por dos na may bahid ng dugo sa tabi niya. Halos mahimatay siya nang makita niya na si Jane.

"Tang ina! Ano bang pinaggagawa natin kagabi? Bakit parang nakapunta na ako dito dati." sabi ko.

"Di ko alam. Puta! Makukulong tayo nito."

"Linisin na natin 'to!"

"Tama! Kakalimutan natin ito. Walang nangyaring ganito."

Nataranta na kaming apat tapos bigla kaming nakarinig ng pagkaluskos.

"Dito, sir. Nakarinig ako ng babaeng sumisigaw." sabi ng boses.

"Dito ka lang. Hintayin mo ang back up ko dito." sabi ng isa pang boses.

"Anong gagawin nati--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makapasok na ang isang pulis at tinutukan kami ng baril. "Walang kikilos ng masama! Itaas ang kamay!"

Sinunod namin ang sinabi niya tapos kinumbinse namin siya na hindi namin alam ang nangyari. Wala kaming matandaan.

"Wala kayong matandaan? Paulit-ulit niyo ng ginagawa 'to. Ilang kababaihan na ang ginahasa't pinatay niyo. Napakalinis niyong magtrabaho. Halos wala kayong iniiwang ebidensya pero wala na kayong takas ngayon. Iba talaga ang nagagawa ng alak."

Pinilit kong intindihin ang mga sinabi ng pulis hanggang sa makakita ako ng imahe ng mga babaeng umiiyak, nagmamakaawa, at sumisigaw sa aking isipan. Mga babaeng biktima ng panghahalay namin at kasama doon si Jane.

Nagulantang ako dahil sa putok ng baril. Bumagsak sa sahig ang pulis. Si Enrique ang bumaril sa kanya.

"Ano pang tinutunganga mo diyan? Takbo na!" sigaw niya.

Sinunod ko lang ang sinabi niya. Naguguluhan pa rin ako sa bilis ng pangyayari. Dumaan kami sa likuran ng bodega.

"Sabi ko naman sayo eh. Makakaisa ka rin sa babaeng yon." sabi ni Enrique nang mahabol niya ako.

Nagtago na kaming apat matapos nun habang patuloy pa rin sa paghingi ng hustisya ang mga kamag-anak ng aming mga nabiktima. Simula noon, hindi ko na ginustong uminom ng alak.

Hearing Damage (Psychopath Stories Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon