May babaeng sumusunod sa akin. Napailing na lang ako. Para sa isang habulin ng babae gaya ko, hindi na bago yan. Ganyan naman sila eh. Magkakandarapa, makilala lang ako.Patuloy lang ako sa paglalakad bang bigla akong hilahin ng babae sa may madilim na eskinita. Hindi ko maiwasang mapangisi nang itulak niya ako sa pader at hinalikan. Gumanti ako sa mga halik hanggang maramdaman kong humapdi ang bibig ko dahil sa matutulis na bagay na tumutusok doon. Napamulat ako at laging gulat ko na may pangil ang babae. Kinagat niya ang kanang pisngi ko at dinilaan ang sugat nun. Hindi ko maipaliwanag na dulot ng ginawa niya. Hindi siya tumitigil sa kakadila sa sugat ko habang ako naman ay nagsisigaw.
Napabalikwas ako ng bangon. Ang bilis yata ng tibok ng puso at hingal na hingal pa ako. Nanginginig ang katawan ko dahil sa takot. Pakiramdam ko'y tuyong-tuyo ang aking lalamunan.
Tumingin ako sa paligid. Nagtaka ako nang mawari kong wala naman ako sa madilim na eskinita. Nandito ako sa aking kwarto. Kung gayon, panaginip lang ang lahat... pero tila totoong-totoo ang pakiramdam na humahalik at dumidila sa akin... pati na rin yung sugat.
Napunta ang atensyon ko sa suot kong shirt. Basang-basa ako ng pawis. Kailangan kong magpalit. Hinubad ko ang aking shirt. Nakaramdam ako ng kirot sa aking pisngi nang sumayad iyon sa aking mukha. Kinapa ko ang aking pisngi at nakaramdam ako ng kung anong malagkit at humapdi iyon. Dinampi ko ang aking shirt sa parte ng aking mukha na kumikirot. Kahit malamlam ang ilaw sa aking kwarto, kitang-kita ko ang mantsa sa aking damit.
"Teka. May sugat ba ako?" Tanong ko sa aking sarili.
Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang ilaw at humarap sa salamin. Nabigla ako nang makita kong may sugat nga ako sa mukha. Agad ko namang hinugasan iyon.
"Saan kaya galing ito?"
Hindi ko maisip kung saan ba ito nanggaling. Napakaimposimble naman yatang mangyari na magkakasugat ako habang natutulog. Lumingon ako sa pintuan.
"Posible nga kayang may tao sa likod ng pinto? Posible bang hindi ako nag-iisa sa bahay na ito?"
Bigla na lang akong nakaramdam ng matinding kaba. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at pinagpawisan ako ng butil-butil. Dahan-dahan kong kinuha ang curtain rod. Kailangan kong maging alerto. Binuksan ko ang pinto at nagpalinga-linga bago ako lumabas saka ako naglakad patungo sa aking kama.
Natigilan ako at natawa sa aking sarili. Pakiramdam ko'y nagmumukha na akong tanga sa pinaggagawa ko. Madyado yata akong napapraning dahil sa mga napapanood ko sa tv.
"Hindi ito horror movie, Nathan." sabi ko sa aking sarili at napailing ako.
Ibabalik ko na sana ang curtain rod sa banyo nang makaramdam ng malamig na simoy ng hangin at napalingon ako sa pintuan ng balcony sa aking kwarto. Bahagyang hinahangin ang kurtinang nakasabit doon.
Imposible.
Sinara ko ang pintong iyon bago ako natulog. Bumalik na naman ang kabang nadarama ko. Bubuksan ko na sana ang ilaw nang may humampas na matigas na bagay sa aking ulo. Nahilo ako at mabuti na lamang ay bumagsak ako sa aking kama. Nagulat na lang nang may kung anong mabigat na dumagan sa akin. Tinignan ko kung ano yun. Ngayong nakabukas na ang lamp shade sa gilid ng kama, kitang-kita ko kung sino, hindi ano, ang nakadagan sa akin.
"Kumusta na, Nathan? Namiss mo ba ako? Hmm?"
"T-Teka! Anong ginagawa mo dito, Gwen?"
"Pinapanood lang naman kitang matulog... tulad ng ginagawa ko noong magkasama pa tayo." sabi niya habang nakapatong pa rin sa akin.
"Pinapanood? Trespassing ka, Gwen! Di ka pa ba maka-move on? Matagal na tayong tapos!"
Sinampal niya ng napakalakas ang pisngi ko na may sugat at naramdam kong tumulo ang dugo. Bigla niya akong hinalikan ng marahas.
"Mm--G-Gwen! Mmm---T-Tama na!" sabi ko sa kabila ng paghalik niya sa akin.
"Ako na lang ulit, Nathan. Please! Ako na lang ulit." pagmamakaawa ni Gwen habang pinipilit niyang mahalikan ako ulit.
Tinulak ko siya at nakawala ako sa pagkakadagan. "Desparada ka na! Kami na ni Chloe kaya wala ka nang magagawa."
"Meron, Nathan! Pinatay ko na siya! Pinuntahan ko siya sa bahay niya at pinatay habang ikaw naman ay mahimbing na natutulog dito ng mag-isa! Isa na siyang malamig na bangkay!"
Nagulantang ako sa sinabi. Hindi. Imposible yun. Nagmadali akong na madampot ang aking cellphone para humingi ng tulong ngunit agad iyong naagaw ni Gwen at hinagis ng malakas sa pader. Nagpira-piraso iyon. Shit! Sinipa niya ako sa aking ari at natumba ako. Nagkaroon na naman siyang ng pagkakataong daganan ako.
Nagbuno kami sa sahig. Hindi ako makapaniwala sa pambihirang lakas na ipinamalas ni Gwen. Parang hindi yata iyon normal para sa isang babae. Pilit akong nagpupimiglas pero napakalakas niya talaga kaya sumuko na lang ako.
"Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit mo pa dinamay si Chloe?"
"Gusto ko ako lang ay nagmamay-ari sayo. Akin ka lang! Akin ka lang!"
"Ayoko na sa iyo! Pinagsawaan na kita! Wala kang kwento pagdating sa kama! Wala!" sigaw ko.
"Ah ganun? Sex lang pala ang habol mo sa akin?"
"Oo at wala kang kwenta! Marami pang ibang mas magagaling kaysa sa iyo kaya bakit pa ba ako magtatagal sa iyo? Si Chloe... Sobrang husay niya. Kayang-kaya niya akong dalhin sa langit pero ikaw walanh kadating-dating!"
"Pero patay na siya!"
"Marami pa namang mga babaeng pwedeng utuhin diyan. Laro-laro lang naman ang pakikipagrelasyon ko sa inyo eh."
Nanlisik ang mga mata ni Gwen at pinagsasampal ako sa mukha. Pilit kong sinasalag ang paghampas at pagsampal niya sa akin pero napakalakas niya. Dahan-dahang umakyat ang kamay ko sa maliit na drawer sa tabi ng aking kama kung saan nakapatong ang lamp shade. Kukunin ko iyon para mahampas ko siya.
"Aaaah!" sigaw ko nang may tumusok sa aking kamay.
Nakita kong may nakatusok na kutsilyo sa aking kamay at tumagos iyon sa drawer. Hindi ko na maalis ang aking kamay dahil kung pipilitin ko lalo itong mabubutas.
"Wala ka ng takas sa akin, Nathan." sabi ni Gwen habang kumukuha pa siya ng kutsilyo mula sa kanyang bulsa.
"Anong gagawin mo sa akin?"
Humalakhak si Gwen na parang nababaliw.
"Naalala mo ba yung pangako mo sa akin noon? Your heart will always be mine, tama ba?"
Sinabi ko ngayon sa kanya pero pambobola lang naman yun eh. Uto-uto lang talaga siya.
"Aaaahhh!" sigaw ko nang bigla niya akong saksakin sa may dibdib.
"Akin na 'to ngayon!" sabi niya.
Nagmamakaawa at nagsisigaw ako habang paulit-ulit niya akong inuundayan ng saksak. Ang tanging nakita ko na lang bago ako tuluyang pumikit ay ang nanlilisik na mga mata at mala-ngising aso na ngiti ni Gwen habang inaangat niya ang tumitibok ko pang puso.
BINABASA MO ANG
Hearing Damage (Psychopath Stories Collection)
Misterio / SuspensoPsychopath Stories Collection