Third kill: FROZEN

102 2 1
                                    


Sa school, may mga taong hindi talaga pansinin. Kadalasan sila yung tahimik, naka-salamin, palaging nagbabasa ng libro at hindi makasakay sa trip ng mga kaklase. In short, NERD. Ganyan si Marlon. Halos walang gustong makipag-usap sa kanya. Ang weird kasi ng ikinikilos niya. Ayos lang iyon kay Marlon. Sanay na rin naman siya.

Hanggang sa isang araw, pinarter siya ng kanyang teacher sa kaklase niyang si Janelle para sa reporting. Hindi malaman ni Marlon kung ano ang gagawin. Si Janelle lang naman ang babaeng tinitingala ng mga kalalakihan sa kanilang school. Maganda si Janelle at sa mura niyang edad, kitang-kita mo na ang taglay niyang alindog. Siya rin nangunguna sa volleyball varsity team. Anak-mayaman at napaka-sosyal kung pumorma. Halos lahat ay nasa kanya na... maliban sa talino at magandang pag-uugali.

Lumapit si Janelle kay Marlon. Nakatingin lang binata sa maganda niyang mukha habang naglalakad siya palapit dito. Animo'y nag-slow motion ang kapaligiran at tanging si Janelle lamang ang nakikita niya. "Hoy!" bungad ng dalaga. "Ikaw na ang gumawa ng report natin. Matalino ka naman eh."

"Ha? Eh di ba Powerpoint presentation dapat yun?" wika ni Marlon na parang natauhan mula sa isang magandang panaginip.

"Oo. Don't tell me you don't know how to do that."

"Marunong ako. Wala lang kaming computer or laptop sa bahay. Nasira." paliwanag ng binata.

"Eh di mag-internet shop ka. Idiot!" sabi ni Janelle na may kasamang pang-iirap.

"May laptop ka naman, di ba? Ipahiram mo kaya sa akin para may contribution ka naman kung hindi, sasabihin ko na lang kay ma'am na mag-isa na lang akong magrereport." banta ni Marlon.

"No way!"

Nagkasundo ang dalawa na ipapahiram ni Janelle ang laptop niya at kinabukasan, gagawin nila ang kanilang report sa bahay ni Marlon.

-.-.-

Pagka-dismiss sa huli nilang klase, dumiretso ang dalawa sa bahay ni Marlon sakay ng magarang kotse nila Janelle. Sabik namang sinalubong ni Elsa, nanay ni Marlon, ang kanilang bisita. Ngayon lang yata nagdala ng kaklase ang kanyang anak sa kanilang bahay. Puring-puri ni Elsa ang dalaga at todo asikaso siya rito.

"Ay. Sige. Maiwan ko muna kayo para magawa niyo ng maayos ang report niyo." sabi ng nanay ni Marlon.

Nag-umpisa na sila sa paggawa ng report. Nag-research sila tungkol sa topic na binigay sa kanila. Kung tutuusin si Marlon lang naman ang nagtatrabaho habang si Janelle naman panay ang reklamo dahil naiinitan daw siya. Lumipat sila sa kwarto ni Marlon dahil may aircon doon. Tuwang-tuwa naman ang dalaga at naupo sa tapat ng aircon.

"Dapat kanina mo pa sinabi na may aircon kayo eh." sabi ng dalaga.

Hindi siya pinansin ng binata.

"By the way, where's your father?" tanong ni Janelle.

Parang nag-iba ang timpla ng mukha ni Marlon. Hindi ito umimik.

"Hey! I'm talking to you."

"Huwag ka na lang magtanong. Please." sabi ni Marlon na nakatingin pa rin sa computer screen.

"Why?" pangungulit ni Janelle.

"Basta. Long story." wika ng binata at halata ang pagka-irita nito sa tono ng kanyang pananalita.

Hearing Damage (Psychopath Stories Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon